bc

Just Another Strangers

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
arranged marriage
drama
mystery
multi-character
enimies to lovers
lonely
stubborn
wild
like
intro-logo
Blurb

Februarie Summer Delavanca's life is full of questions, lies, and travesty. Her existence was a mystery. And all she wants is freedom.

Pilit niyang tinatakasan ang isang mundo na kung saan siya nakatali.

Pero nakilala niya ang isang estranghero na hindi niya dapat nakilala. Minahal niya ang estrangherong hindi niya dapat minahal at natagpuan niya ang estrangherong hindi niya dapat natagpuan.

Paano niya iiwasan ang lahat ng bagay na nakasulat na kung sa huli lang naman ng kaniyang kwento ay mamahalin lang naman niya ang isang August Rain Santillan?

chap-preview
Free preview
Summer amd Rain
--It is One summer day when rain comes. And there was you.  Nilalakbay ng isang sasakyan ang isang hindi pamilyar na daanan. Nakatanaw naman doon ang isang batang lalake na natutuwa sa ganda ng tanawin na nakikita niya. Ang sabi ng kaniyang daddy na ngayon ay kasalukuyang nagmamaneho, naliligaw daw sila. Ang sabi pa ay isa itong liblib na lugar at hindi sinasadyang napasok nila ang isang daan na hindi nila alam kung saan patungo. Maraming punong matatayog doon at mga ibon na may iba't- ibang kulay na malayang dumadapo sa mga sanga ng mga puno. At ang araw ay natatakpan ng mga mayayabong na mga dahon at malalaking sanga ng mga puno. Habang binabagtas nila ang daan na iyon ay biglang lumiwanag nang nalampasan nila ang mga puno at ngayon ay kapatagan naman na madamo. Mayroon ding mga iba't- ibang klase ng halaman na namumulaklak na nagkalat lang. "Daddy ang ganda ng lugar na ito. It's like a paradise!" Natutuwang aniya. "Oo nga. Kaya lang parang walang nakatira dito. Tulungan mo akong maghanap ng bahay o tao na pwede nating mapagtanungan." utos nito sa batang lalake. Tumango siya. "Ayun daddy may malaking bahay doon parang palasyo." Bumilog ang medyo naniningkit na  mga mata nito habang natutuwang pagmasdan ang mala-palasyong bahay na iyon. Hindi iyon kalakihan pero yung disenyo ay kakaiba. Kulay purple iyon at mataas tapos napapaligiran ng mga bulaklak, at hindi nakaligtas sa paningin niya ang ilang mga lalakeng naka-uniporme ng itim doon sa baba. Parang bahay ng mga fairies na pinapanood lagi ng mga kaklase niyang babae sa school. Pero napansin niyang hindi huminto sa pagdadrive ang Daddy niya bagkus nilampasan lang nila iyon. "Dad bakit hindi tayo huminto doon?" nagtatakang tanong niya dito. "May nakita ako na bahay sa di kalayuan." Tipid na sagot nito. "Saka hindi pwedeng huminto doon, isa iyong pribadong lugar at sigurado naman ako na ipagbabawal nilang huminto tayo doon." Paliwanag naman nito. Nangunot ang noo ng batang lalake. Ang weird naman! Naiisip niya. Pagkatapos ay huminto na nga sila sa tinutukoy na bahay ng kaniyang Daddy. Bumaba ang daddy niya at iniwan siya sa sasakyan at kinausap ang isang matanda doon. Nakikita niyang tinuro ng matanda ang bahay na kulay purple pagkatapos ng ilang sandali ay tila may tinawagan ito at saka may sinabi ulit sa daddy niya. Pagkatapos ng pag-uusap ay pumasok ang daddy niya saka nagdrive at tinungo ang mala-palasyong bahay. "Son you stay here okay. I'll go talk to someone." Ani nito. Tumango lang naman siya. Pero dahil sa curiosity pagkalabas ng kaniyang daddy ay sumunod din siya at nasipat ang isang malaking bintana na nakabukas doon sa second floor. Sobrang curious lang talaga siya kung anong klase ng maligno ang nakatira doon. Siguro magaganda kasi magaganda ang mga fairies na nakikita niya sa movies. Lumaki ang mga mata niya at napatayo lang doon na parang rebulto nang nakita niya yung nakatayo na batang babae. Kulot-kulot ang buhok tapos ang ganda ng mga mata sobrang puti rin niya, parang hindi siya nakakalabas sa bahay na iyon parang yung napanood niya na mahaba ang buhok tapos kinulong sa taas ng torre. Dali-dali siyang kumuha ng papel at nag drawing. Iginuhit niya ang batang babae  na nakatanaw sa kaniya at iginuhit niya din ang sarili na nakatayo doon sa baba. Naiisip niya na balikan  at iligtas ang batang babae na iyon. Naiisip niya na kaya siguro may mga nagbabantay doon dahil ayaw siyang palabasin. "Ako ang Prinsipe mo." bulalas niya habang may sinusulat doon. Pagkatapos ay kinorte niya na parang bola yung papel at ibinato doon sa kinaroroonan nung batang babae na parang fairy. Nagulat naman siya  nang tumama sa noo nung batang babae at bigla itong natumba. Napasipol na lang siya. Sana buhay pa siya! Nasa isip-isip niya. Nagulat na lang siya nang lumapit sa kaniya ang daddy niya at ang isa sa mga nagbabantay doon. Lagot na yata ako. Katapusan ko na. Buhay pa kaya siya?! Naiisip niya. Sabay tingin muli doon sa bintana pero wala na doon yung batang babae. " Is everything alright Sir?" Diretsong tanong nung naka-uniporme na lalake malalim ang titig nito sa kaniya na may ibig ipahiwatig at dagling tiningnan ang bintana na nakabukas. Napailing siya. Kung sasabihin niyang may nakita siya doon. Ano naman kaya ang gagawin nito? Kinabahan siya na baka kung ano ang mangyari sa kanila ng daddy niya. Napahawak siya sa kamay ng kaniyang daddy. "Bueno. Pakisabi na lang na napadaan ako at pasensiya na sa abala. Aalis na rin kami." Maya-maya'y sabi ng daddy niya sa lalakeng naka-uniporme. "Okay Sir no problem." Sagot naman nito at hindi na siya pinagtuunan ng pinansin. Nakahinga naman siya ng maluwag. Pagkatapos ay sumakay na sila sa sasakyan at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. "Are you okay son? Parang namutla ka kanina." Tanong ng kaniyang daddy. "Ah dad I think I saw a girl in a white dress  a while ago up there at the window she was staring at me." He stated. And then goosebumps all over his body. Naisip rin kasi niya bigla na parang hindi normal na ganoon ang paglalarawan niya. Narinig niyang napatawa ang kaniyang daddy na parang hindi naniwala sa kaniya. Kaya napakunot-noo siya. Kilala ba ng daddy niya ang batang iyon? "Walang bata doon. Nasa ibang bansa ang anak at asawa ng kumpare ko. Baka kurtina lang iyon." Paliwanag ng kaniyang daddy. Along the way, Sabi ng Daddy niya na hindi daw basta-basta ang pumasok doon sa lugar na iyon dahil bantay sarado ng mga pulis at bodyguards ang entrance at exit doon. Nagkataon lang na walang bantay noon kaya sila nakapasok. At ayon pa dito ay Kumpare daw ng Daddy niya ang may-ari nun  kaya sila hinayaan lang at tinulungang mahanap ang daan palabas. Sinabi pa nito na dati daw iyong tinutuluyan ng  asawa at anak ng kumpare nito. At wala na daw nakatira doon. Dahilan na lalo pa siyang naging curious. Sino ang batang nakita niya?! Maganda at fresh ang hangin doon. Bundok at mga puno ang unang madadaanan bago mararating ang lugar na iyon. Tandang-tanda pa niya kung paano matatagpuan ang lugar na iyon. Babalik ako! babalikan kita. Sa isip-isip niya. •••• Nakatayo ang isang batang babae  sa isang malaking bintana na malayang nililipad ng hangin ang kulot-kulot na buhok nito at ang suot niyang mahabang dress, nang biglang may bumato sa kaniya at natamaan siya, dahil sa gulat ay natumba siya, mabuti na lang talaga at papel lamang iyon kaya hindi naman siya gaanong nasaktan. Tumingin siya sa baba ng bintana at kaagad na hinagilap kung sino at nasaan ang walang hiyang nambato sa kaniya dahil siguradong mapaparusahan iyon. Namataan niya ang isang batang lalaki na nakatalikod. Matangkad na payatot  na maputi nakatalikod ito at may kasamang lalaki na matangkad din at isang bodyguard. Anim na taon pa lang siya at walang kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari noon. Napapikit siya at napahawak sa noo. Pinulot na lang niya yung papel na iyon na nalukot ng pabilog. Inayos niya yung pagkakagusot pagkatapos ay may nakita siyang drawing ng batang babae na nasa taas ng torre at may mahabang buhok tapos sa baba nun ay may batang lalaki na nakatayo sa ibabaw ng sasakyan at may nakasulat sa damit nito  na initial (ARS). Halatang namadali lang ang pagkakaguhit nun dahil hindi iyon maayos pero detailed. Napakunot-noo siya. "ARS? Baka aws aws? Tumatahol ba siya?" Anas niya. Pagkuwa'y tinakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang maliit na palad saka  humagikhik. Natutuwa siya sa drawing na iyon. Iniisip niya kung yung batang lalaki ba ang may kagagawan nun. Tumingin siyang muli sa nakabukas na bintana para hanapin yung batang lalaki na may kausap kanina pero nung sandaling iyon ay nagulat siya nang nakatingin na ulit ito doon pati yung isang guard ay nakatingin din doon sa kinaroroonan niya kaya hindi niya mapigilang magtago at saka patakbong tinungo ang kaniyang higaan saka nagtalukbong. Natatakot siya na baka masamang tao ang mga iyon dahil sa kakaibang asta nung guard. Lumipas ang ilang oras ay tinungo niyang muli ang bintana na nakabukas. Malayang nakakapasok ang sariwang hangin na nagmumula sa labas. Hinanap niya yung mga tao kanina pero wala na sila. Umalis na. Padilim na rin naman noon ang kalangitan. Naalala niya ang gusot na papel kanina at kinuha iyon at pinagmasdang muli. May isang batang babae sa isang torre na nakatanaw sa bintana na may mahabang buhok at may lalaki sa baba na nakatayo sa sasakyan na nakatingala sa batang babae. Parang si Rapunzel at yung prinsipe. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Naiisip niya. Napayuko siya. Parang ganoon ang kalagayan niya. Iginala niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya. Maaliwalas ang silid at puno ng mga paintings mga laruan at ang magandang kama. Para siyang Prinsesa na nakatago sa bahay na iyon. Para siyang si Rapunzel yung barbie na madalas niyang pinapanood. Kailan kaya siya magkakaroon ng magic brush para makagawa ng pintuan patungo sa ibang mundo? At napatingin siyang muli sa hawak niyang papel. At napansing  may nakasulat sa likod nun. Magulo ang pagkakasulat at nahirapan siyang basahin ang nakasulat doon. "Kapag malaki na a-ako ay babali-kaan k-kita. Hin-tay-yin m-mo a-ko. Paka-kasal-lan kita." Paisa-isang bigkas niya sa magulong pagkakasulat ng mga letra. She shuckled. Hindi niya masyadong naintindihan ang ibig sabihin nun pero natuwa siya na babalik daw ito para sa kaniya kapag malaki na siya. Talaga ba? Babalik siya? Hindi na siya makapag-hintay... Tinungo niyang muli ang bintanang nakabukas at saka tuluyang isinara. ---> It takes two, two sides to every story.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook