Pagdating namin sa bansa ay dumaan kami sa penthouse niya. Bawat kilos niya ay may pagmamadali. Maya’t maya ay may mga natatanggap siyang tawag at halos lahat ng iyon ay nangangailangan ng presensiya niya. Pinapanood ko lang siya at hindi ko mapigil ang muling pagguhit ng kirot sa puso ko kaya huminga ako ng malalim at pilit na pinasasaya ang pakiramdam. I should be his support system kaya dapat ay hindi siya mag-alala sa akin. Kaya sa halip na pilitin siyang magsabi ng totoo sa akin ay mas pinili ko na lang na yakapin siya at magkunwaring tulog habang nasa sasakyan. Lalong sumakit ang dibdib ko nang marating na namin ang apartment ko. “I am going now. I’m sorry kung biglang naputol ang bakasyon natin,” seryosong paumanhin nito. Umiling ako at pilit na ngumiti. “Nai

