Kinabukasan ay laking pagtataka ko kung bakit may bagong dating na chopper. Narito pa rin ako sa kuwarto namin kaya tanaw ko ang mga nangyayari sa labas. Mula roon ay may lumabas na dalawang lalaki. Parehong nakasuot ng suit iyong dalawa. Iyong isa ay nakasalamin ng itim habang iyong isa naman medyo dark blue yata. Tumango ang mga tauhang nadaanan nila at nakita kong sa pinto sila dumiretso. Mabilisang pagligo at pagbihis ang ginawa ko. At saka inayos ang aking sarili upang lumabas ng kuwarto. Bigla pang kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom pero hindi ko iyon inalintana dahil naku-curious ako doon sa mga bagong dating. Sa hilatsa kasi ng mga pagmumukha nila ay parang may masamang balita silang hatid para kay Marcus. Pagbaba ko ay wala akong nakitang tao roon kaya n

