“PARE, nasaan si Ryu?” Wala ang salitang hunos-dili kay Masien nang makabalik siya sa aming bahay. Patakbo siyang lumapit sa akin at ang bitbit niyang mga grocery ay kaagad niyang ibinaba sa sahig. Habol-habol niya ang kaniyang hininga habang hawak ang kaniyang dibdib. Kaagad ko naman siyang tinanong kung ano ang nangyari, ngunit dahil sa pagkahapo ay sumenyas siya ng sandali lamang. Nanghingi siya sa akin ng isang baso ng tubig dahil nahihirapan siyang lumunok ng laway. Dahil sa pag-aalala ay mabilis kong tinungo ang kusina upang sundin ang kaniyabg inuutos. Tinawag ko na rin si Ryu na sa kitchen ko rin natagpuan na nag-de-defrost ng refrigerator. “What happened?” nag-aalalang tanong ni Ryu sa aking kaibigan matapos nitong sumunod sa akin papalabas ng kusina. Sabay na naming sinalub

