MULA nang sabihin niya na babawi rin siya sa akin ay todo asikaso na ang ginawa niya sa amin ni Hera. Kahit na hindi man ako pumayag sa set-up na gusto niya ay wala akong nagawa dahil ipinagpilitan niya na ang sarili niya sa akin. Talagang parang tinototo niyang maging number two ko na madalas niya pa ring sabihin sa akin. He likes giving me wholesome thank you and sorry letters along with cookies, everyday. Sa paglipas nga ng mga araw ay ipinagpatuloy niya na ulit ang pag-a-update niya sa akin sa message at minsan nga ay sa tawag, kunwaring idadahilan ang aming anak. Siya rin ang kumakausap sa mga taong hinahanap sa akin si Blade at si Thalia. Dito na nga siya sa amin nag-celebrate ng birthday niya noong nakaraang buwan. Pareho silang tuwang-tuwa ng anak ko kahit na kaming tatlo lamang

