Kabanata 2

1332 Words
FEBBY POV BECCA'S HAPAG "PABILI PO– isang order po ng tortang talong, dalawang plain rice at kalahati gulay 'yon sayote po," magalang na sabi ko sa tindera at naupo sa bakanteng lamesa. Walang bigas at mas lalong walang ulam sa bahay nila kaya nandito ako sa karinderya para kumain. Mabuti na lang talaga naka-dilihensya ako ng pera. Tumaya ako sa color game kagabi, may maliit na perya kasi malapit sa may school. Panalo ako ng 680 pesos ! Lupit ! Mayamaya ay inilapag na ang dalawang kanin, tortang talong at kalahati gulay na ginisang sayote na order ko. Napaangat ako ng tingin sa taong naglagay ng order ko sa mesa. 'Yon poging foreigner ! Matamis akong ngumiti at nag kaway rito. "Uyy– hello. Ikaw pala 'yan Igop. Dito ka nakatira?" Nakasimangot ito. Hindi nagsasalita. Umalis naman kaagad ito sa harap ko. Kumuha ng pitsel na may malamig na tubig at isang baso saka inilapag iyon sa mesa ko. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Well, matangkad ito, may kapayatan rin, malapad ang balikat, itim ang buhok nito at kulay tsokolate ang mapupungay na mga mata nito. Hindi lang bagay rito ang suot na malaking eye glasses nito. Medyo ang diyahe rin ang pormahan nito. Typical na nerdy guy. Hmm, balita ko pa na nasa highest section ito palagi. Matalino. "Tulungan mo muna ako, Ry, maghugas ng mga plato bago ka magbasa sa kwarto mo," utos ng isang may edad na babae rito. "Sige po–" Pasimple akong napangiti. Hmm, mabait naman pala. Habang kumakain ako panay rin ang lipad ng tingin ko sa gilid ng karinderya kung saan may lababo at tahimik na naghuhugas si Igop. Hanggang sa matapos kong ubusin ang pagkain ko, nag-stay lang ako roon. Nakapangalumbaba. Wala, trip ko lang tignan ang likod nito habang naghuhugas. Kaya nang biglang lumingon ito sa gawi ko at pinukol ako ng matalim nitong tingin. Nginitian ko lang ito ng sobrang tamis. Hindi uubra sakin ang pagsungit sungit mo ha. Lumapit ito sakin. Akala ko may sasabihin, 'yon pala kukunin nito ang pinagkainan ko. "Seventy pesos lahat–" anito na malagom ang boses. Kahit mukhang foreigner ito, diretsong diretso ang tagalog nito. Ang kyut ! Nag-beautiful eyes ako, ngumiti na may kasamang dimple saka inabot ang bayad kong 100 pesos. Subalit nang akma nito kukunin ang pera ay hindi ko agad binitawan. "Uhm, Febby ang name ko. Anong name mo?" Pilit nitong hinihila ang pera ngunit matindi ang pagkakahawak ko. "Magbabayad ka ba o hindi?" iritableng tanong nito. "Ano muna name mo?" pangungulit ko sabay ngisi. "Bakit ko sasabihin sayo?" "Kasi, binigay ko ang name ko kaya dapat lang sabihin mo rin ang name mo–" "Walang nanghihingi ng pangalan mo." "Nagpakilala ako sayo." "So?" Ay, aba't ! Nagmatigasan talaga ako. Di ko binitawan ang pera. Para kaming tangang naghihilahan ng pera tuloy. "Hoy, customer ako–" "Walang may paki." Napatayo ako. Medyo nangalay na kasi ako sa pagtingala rito. "Ang damot mo para pangalan lang e." Nakipagtagisan ito ng tingin sakin, hindi rin ako kumurap para malaman nitong hindi tatagos sakin ang pagsusungit nito. Ilan sandali pa ay may humablot ng 100 na hawak nilang dalawa. Ang may edad na babae. Nanay siguro ito ni Igop. Naglipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Ano ba kayo–! Mapupunit ang pera sa ginagawa nyo," paasik na sita sa kanila. "Sorry po." "Sorry, Auntie." Ohh, tiyahin pala ! Humarap ang babae kay Igop. "Wag kang bastos sa mga customer natin, okay? Hala– tapusin mo ang paghuhugas." Tapos humarap naman sakin. "Pasensya ka na, Day ha. Eto sukli oh–" inabutan ako ng 30 pesos. Ngumiti ako. "Okay lang po." Nilingon ko pa si Igop bago tuluyan umalis ng karinderya. Hindi ko alam kung bakit naging interesado ako rito. Matagal ko na itong napapansin, last year pa, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng chance kausapin at kulitin ito. Paano di ko akalain na mag iisip itong mag-cutting classes kahapon sa school. Mabuti na lang di ito tumuloy, sayang naman kung maging bulakbol ito. ------ TAGUM NATIONAL HIGHSCHOOL NASA labasan ako ng school ng araw na 'yon. Tapos na ang klase pero hindi pa ako umuuwi. Tamang yosi sa gedli kasama ang mga kaklase kong babae na parang may inaabangan. "Sama ka samin, Feb? Shot daw kina Buboy–" yakag ni Joan sakin na mukhang Jolina Magdangal ang pormahan dahil sa sandamakmak na ipit sa buhok nito. Buboy? kina Bernard Magbuhos? "Ekis ako diyan– kayo na lang," tanggi ko. "Sumama ka na, Feb. Nandon 'yon crush mo," sabi naman ni Camille. Ang babaeng walang balakang at pwet pero feeling pang-FHM ang katawan. Tumaas ang kilay ko. Crush? Sino? Tinusok naman ni Mirasol ang tagiliran ko sabay tukso. "Tropa ni Buboy si Shawn, kaya malamang nandon din 'yon– Uyy sasama na 'yan." Umingos ako. Tsk, akala ko naman kung sino. Umiling ako. "Ayoko. Hindi ko crush 'yon !" Halatang hindi naniwala ang mga kasama ko. Napailing na lang ako. Mayamaya nakita namin si Buboy akbay akbay nito si... Igop. "Tara, Pre– sama ka sa bahay. Birthday ko," rinig kong sabi ni Buboy kay Igop. Kumunot ang noo ko. Bakit kaya panay ang sama nito kay Buboy? "Look– kasama ni Buboy si Ryden Cooper," wika ni Camille. Napatingin ako kay Camille. "Anong pangalan non?" "Sino? Si Ryden Cooper ba? Bakit?" So, Ryden Cooper pala. Angas ng pangalan. Yayamanin. Dinampot ko ang bagpack ko sabay tapon sa yosing hawak ko. "Tara na–" "Saan?" si Joan. "Kina Buboy– saan pa ba?!" Nagtawanan ang mga ito. "Sabi na e. Sasama ka talaga kasi nandon si Shawn," si Mirasol ang nagsalita. Hindi na ako kumibo. Di ko alam kung bakit nila naisip na may crush ako kay Shawn. Isang beses ko lang naman nakausap ito, lider ng isang frat si Shawn. Nagtanong lang ako kung pwede sumali. Ayaw niya.. E di don't. Pagdating nila sa bakuran ng bahay nila Buboy, di na sila nagulat na maraming bisita, halos mga kaeskwela rin nila. Syempre may karaoke, Empi Lights at sangkaterbang pulutan ang nakahain sa pahabang lamesa. Kanya kanya na ng upo. Nagulat pa ko dahil tumabi sina Joan, Camille at Mirasol sa grupo ng mga lalaki sa kabilang mesa. May mga nakaakbay na sa mga ito. Tsk ! Kitam– kaya pala narito ang mga jowa. Napaigtad ako nang may humila sa braso ko at pinaupo ako. Si Shawn Rebato. Tumaas ang kilay ko. "Nasaan ang Kuya mong kúpal?" maangas na tanong ni Shawn sakin. Hinahanap nito si Kuya Fernando. Ang Kuya kong sugarol at adik. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa may dibdib ko. "Baka nasa bahay, puntahan mo–" Tumingin ako sa mga kasama nito sa lamesa. Hindi niya kilala ang iba, ang alam niya tropa ni Buboy ang mga ito. Napatingin naman ako kay Ryden na nakaupo katapat ni Shawn. Nakatitig ito kay Shawn tapos biglang tumingin sakin. Automatic na ngumiti ako rito. "Hello– Ryden !" Gusto kong malaman nito na alam ko na ang pangalan nito. Inismiran lang ako ni Ryden. Ano kaya pumasok sa kukote nito at sumama ito sa inuman? "Hoy, Febby. Sabihin mo sa Kuya mo, bayaran niya ang utang niya sakin. Huwag niya kamong antayin, manigas kamao ko sa kanya," inilapit ni Shawn ang mukha nito sa bandang tenga niya at nagbabantang bumulong. "Wag mo ko utusan." Madiin kong sabi at tinulak ang mukha nito. "Layo mo nga sakin pagmumukha mo, laway mo tumatalsik !" Malakas na nagtawanan ang mga nakarinig. Naghiyawan pa ang iba na parang tinutukso silang dalawa ni Shawn. Peste naman oh ! Alam niyang gwapo si Shawn Rebato pero nakakasuya ang kagwapuhan nito. Ito 'yon pogi na habang tumatagal... nakakaumay. "Tang*na, kayo na ba ni Shawn? Nice, Febb–" pabirong sabi ni Buboy. Sasagot na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko, hinila ako patayo, palabas hanggang kalsada. Natameme ako. Nakakunot noo lang ako habang nakatitig kay Ryden Cooper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD