Kabanata 3

1249 Words
FEBBY POV "TYPE MO BA KO?" diretsahang tanong ko kay Ryden Cooper. Natigalgal ito at marahan tinulak ako na parang nagising sa pagkakatulala. "A-Ano sabi mo?" napalunok ito sabay iwas ng tingin sakin. "H-Hindi kita type !" Tumaas sulok ng labi ko. "E ba't hinila mo ako? Kung makahila ka sakin parang syota mo ko na nahuli mong nag-cheat ha," nagpameywang pa ko. "Saan mo ba ako dadalhin ha, Igop?" nang aasar na ngumisi ako. "Pinagsasabi mo. Tinulungan lang kita–" "Ha? Tinulungan? Bakit wala naman nang aaway sakin?" painosenteng tanong ko rito. Pigil ang ngiti ko dahil namumula na ang mukha at tenga ng binata. Mahinang napaubo si Ryden. "H-Halos – bully-hin ka na kanina ng anak ng Mayor na 'yon." Magsasalita pa sana ako nang may humawak sa kabilang kamay ko. Napalingon ako. Si Shawn ang humawak sakin at akmang hihilahin ako pabalik sa bahay nila Buboy pero bago pa man ako mahila ni Shawn, nahawakan naman ni Ryden ang kanang kamay ko. Napasulyap ako kay Ryden at Shawn. Nagtatagisan ng tingin ang dalawa. Natatagis din ang mga bagang. Tsk Tsk, anak ng teténg ! nadamay pa ko. "Kung gusto mong umuwi. Umuwi ka mag isa, Cooper. Wag kang pabebé, gusto mo ihatid ka pa, ano ka weak?–" maangas na sabi ni Shawn. Tumingin sakin si Shawn. "Di pa ako tapos sa'yo, February." Pinaikot ko ang mga mata sabay buga ng malalim na paghinga. May saltik talaga 'to Shawn Rebato na 'to. "Ano bang paki mo kung gusto ng umuwi kasama ang GIRLFRIEND ko?" may diin na sabi ni Cooper. Napatanga ako. Nalukot naman ang noo ni Shawn. "Hoy, February. Syota mo 'tong nerdy boy na 'to?" matapang na tanong agad ni Shawn sa kanya. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Kumurap-kurap pa ko saka nagtatanong na tumingin kay Cooper. Nagkibit balikat naman ang gagong Cooper sabay hila sa kanya. Nabitawan naman ako ni Shawn napasubsob tuloy ako sa katawan ni Cooper. "Kami na. Siguro naman, may rights akong ayain pauwi na ang GF ko? Tama ba?" Marahan natawa si Shawn. "Alam mo, sayang ka, Nerdy boy. Matalino ka sana kaso bobó mo mamili ng babae." Napataas ang kilay ko. "Hoy– Rebato ! Kupal kang tang–" tinakpan ni Cooper ang bibig ko gamit ang palad nito. "Sayang ako? Sabi na e, type mo ko kaya ka nanggagalaiti. Pasensya. Di ako pumapatol sa mga nepo baby," nakangising saad naman ni Cooper. Halata naman napikon si Shawn, nagtatangis ang mga ngipin nito, kaya nang akma susugurin ng suntok nito si Cooper, mabilis naman akong naitulak ni Cooper. Sumadsad ako sa lupa. Tsk , hayúp ! Nagpapalitan na ng suntok ang dalawa. Suntok sa braso kay Cooper. Malakas na tadyak naman kay Rebato. Nagpagulong gulong na ang dalawa sa lupa habang ako... nasa gedli lang. Wala akong intensyon awatin ang mga ito. Sakit sa bangs ! Mayamaya nagsilabasan na ang mga bisita ni Buboy pati na rin Buboy para awatin ang dalawa. Napaghiwalay si Shawn at Ryden. "Putang ína mo ka, Cooper !" sigaw ni Shawn sabay duro ng daliri rito. "Pagsisisihan mong napadpad ka rito sa Tagum !" "Yabang mo, Gago ! Mayor lang ang tatay mo pero... hindi sainyo ang Davao. Sirauló !" Ganti bulyaw naman ni Ryden. Mga buang. "Unsa man ang nahitabo diri? Hunong na mo. Wala na gyud moy mabuhat sa inyong kinabuhi !" hiyaw ng matandang kapitbahay nila Buboy. Tinapik siya ni Bernard Magbuhos a.k.a Buboy. "Nice, may nadapa na sa malupit mong mukha, Feb. Tsk, ganda ka?" tudyo ni Buboy sakin. Umingos ako. Humarap ako sa matandang babaeng sumigaw at ngumiti. "Wala ra ni, Lola. Nagandahan lang gyud silang duha nako. Gusto manguyab ang duha, kay pwerteng gwapa nako gud." "Sus, ikaw man diay ang rason, Febby. Ayaw pag-biga-biga ha. Usa ra gyud ang pwede nimong pamanahon ana nila!" Napangiwi ako. Hay naku. Napasulyap ako uli sa dalawa. Medyo kalmado na ang mga ito. Lumapit ako kay Shawn saka pinektúsan ito sa ulo. "Ina mo– anong bobó mamili ng babae? Pakyú ka." Nakasimangot na sabi ko saka humarap kay Ryden. "At ikaw– Ryden Cooper, ihatid mo ko samin bago kita matupí sa walo," matalim ang tingin ang binigay ko rito. Nagsimula na akong maglakad patungo sa may sakayan. Nararamdama ko naman na tahimik lang nakasunod sakin si Ryden. Wala sinasabi ito, basta tahimik lang. Pagkasakay nila ng jeep, kusang nagbayad naman si Ryden ng pamasahe nilang dalawa. Hmm, gentleman 'yarn? Wala pa rin silang kibuan. Wala pa ko sa mood magsalita. Hanggang sa makababa sila sa kanto ng Esmeralda North Subdivision. Hinarap ko na si Ryden Cooper. Buhat buhat pala nito ang hawk bag ko. Hinablot ko naman agad ang bag ko rito. "Ikaw– FYI lang ha. Kung gagawin mo akong syota mo. Baka pwede manligaw ka muna, hindi 'yon basta basta mo na lang pagkakalat na GIRLFRIEND mo ko–" Matiim lang itong nakatingin sakin saka bumuntong hininga. "Pasensya na, you're not my type–" "Ha?" medyo na hurt ako ng very very light sa sinabi nito. "Nasabi ko lang 'yon dahil naiinis ako sa Shawn Rebato na 'yon kaya pasensya na." "So, hindi mo ko gusto?" sayang crush pa naman kita. Matigas na umiling-iling ito. Bakit ? Hindi ba ko maganda? Hindi ba bagay ang red highlight sa buhok ko? Hawig ko nga si Minami Hamabe, ang cute ko kaya ! "Uhm, Okay. Mas mabuti ng malinaw. Sige, salamat sa paghatid." Tinalikuran ko na ang binata at diretsong naglakad patungo sa bungalow na bahay nila. Hindi na ko nag abalang lumingon. What for pa? Di naman pala ako type. Pagkapasok sa bahay, may matigas at matulis na bagay ang dumaan at dumaplis sa mukha ko. Naroon ang lasing kong kapatid na si Kuya Fernando. Basag na bote ng beer ang hinagis nito sakin. "Napakatagal mong umuwi ! Wala pang sinaing dito sa bahay, gagá ka," malakas na singhal ni Kuya Fernando sakin. Napahawak ako sa pisngi ko. May dugo. May maliit na sugat dahil sa pagdaplis ng matulis na bote sa pisngi ko. Napabuga ako ng malalim, sobrang lalim na paghinga. Wala buhay na binaba ko ang bag ko sa upuan saka tumungo sa kusina. Sumilip pa ako sa isang kwarto, kurtina lang kasi ang nagsisilbing takip non, walang pinto. Nandoon ang magaling kong Tatay, si Tatay Fernan. May kasama na naman itong babae sa kama. Malamang 'yon GRO na nakilala nito. Napapailing na lang ako at nagsaing na. Pagkatapos kong magsaing. Kinuha ko uli ang bag ko. "Hinahanap ka pala ni Shawn Rebato, Kuya," wika ko bago tuluyan lumabas muli ng bahay. Pag nasa bahay si Kuya Fernando o si Tatay Fernan di talaga ako natutulog sa bahay. Di naman sa wala akong tiwala pero wala talaga akong tiwala sa kapatid at Tatay ko. Nilakad ko lang ang bakanteng warehouse na alam ko. Malapit iyon sa may UPM University, hide out iyon ng grupo nila Shawn Rebato. Walang takot na pumasok ako sa bakanteng warehouse. Naghanap lang ako ng malinis na pwesto bago ako naglatag ng karton. Doon ako nahiga sa medyo tagong part para kung sakali may pumasok hindi ako agad makikita. Ginawa kong unan ang bag ko saka nahiga. Hayss. Maaga na lang ako aalis para magligo at magbihis. Papikit na ako ng maulinigan ko ang isang pamilyar na boses. "Tss, sinong may sabi sayong pwede ka matulog rito?" Nang dumilat ako, naroon na sa tabi ko si Shawn Rebato at ngising aso nakatunghay sakin. Anak ng– !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD