Chapter 92 “Naging masaya ba ang pagsasama nila Tito nang ikinasal sila? Natutunan din bang mahalin ni Lola Isabella si Lolo Jacko?” Huminga nang malalim si Tito Diego. “Nang una ngunit nang lumaon at lumabas ang totoong ugali ni Lolo Jacko, nagbago ang pagtingin sa kanya ni Lola Isabella. Alam mo bang nagsimula lang naman ang mas matinding problema nang mapansin ni Lolo Jacko na may mali sa relasyon nila eh lalo na nang umuwi sila sa probinsiya at inilayo na ni Lolo Jacko si Lola Isabella sa lahat. Naghanap ng paraan si Lolo Jacko para lang bumalik ang minsan ay naramdaman niyang pagmamahal ni Lola Isabella sa kanya. Nakarating siya ng Italya para lang maghanap ng solusyon sa kanyang problema sa pag-ibig. Malinaw na ngunit ayaw niyang tanggapin na may kinalolokohan nang iba si Lola Isa

