CHAPTER 91 “Ang sa akin lang anak, hindi mo pa sila gaano kakilala. Baka balang-araw, pagsisihan mo ang bagay na ito.” Narinig kong kontra ng kanyang Mama. “Saka ano ‘to? Unang pagkikita pa lang ninyo may nangyari na. Hindi ka man lang nagpaligaw.” “Hayaan mo na Delia. Nandiyan na ‘yan eh. Ang importante, may pera ang mapapangasawa kaysa naman do’n kay Carlo. Hindi na tayo mapapahiya niyan lalo pa’t pakakasalan naman pala ang anak mo kaya huwag ka nang kontra ng kontra pa.” “Hindi kita maintindihan Pedro. Kanina lang galit na galit ka tapos ngayon. Nakita mo lang na napakaraming dala eh nagbago na agad ang ihip ng hangin. Ano yang mga dala niya, Issa? Suhol ba para pumayag kami?” “Hindi ko ho alam. Hindi ko naman ho ‘yan hiningi sa kanya.” “Ewan ko ba, kinakabahan ako sa desisyon mong

