“I can’t wait to have you all for myself again, Addie. Bumalik na tayo sa lamesa natin bago pa mapatid ang lahat ng pagpipigil na mayroon ako,” tila nagsusumamo na niyang saad. Ngayon ay hinahaplos na niya ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tila siya nahihirapang tingnan. “Okay,” nasambit ko pagkatapos tumikhim. Dumiretso naman siya ng tayo at muling mabilisang hinalikan ang mga labi ko. Magkahawak kamay kaming bumalik sa table namin. At gumaan naman ang pakiramdam ko dahil wala na nga roon si Jessa. Kung kanina ay magkaharap kaming kumakain, ngayon ay magkatabi na kami. Hawak-hawak pa rin kasi ni Marco ang kamay ko at hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pa niyang bitiwan. Medyo, hirap tuloy akong kumain. “Marco, sabi mo kanina nagkagusto ka rin kay Ashnea. Ibig sabihin b

