Napansin niyang lumapag ang helicopter sa ibabaw ng mataas na building. Sumilip siya sa bintana, pero wala siyang makita dahil sa dilim. Hindi tuloy siya sigurado kung nasaan na sila. “Asaan tayo?” tanong niya at nilingon si Gavin. “San Sebastian,” wala sa mood na sagot nito. Alam niyang nainis siya rito dahil sa pag-uusisa niya kay Sabrina. Kahit hindi sabihin ni Gavin, alam niyang si Sabrina ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-alis nila ng isla. “Let’s go!” mariing utos nito. Sumimangot siya. Nauna na itong tumayo at naglakad pababa ng helicopter. Nakasimangot naman siyang sumunod. Mabigat ang mga paa niyang sumunod kay Gavin pababa. Hindi tulad kanina, hindi na siya inalalayan ni Gavin pababa ng helicopter. Kaya lalo siyang nainis dito. “Saan tayo pupunta?” tano

