Chapter 4

4309 Words
Chapter 4 "Ah, s**t!" I woke up with a throbbing pain on my temples. Napangiwi ako nang sobrang tindi sabay hawak sa ibabaw ng aking ulo. This is what I hate about having a hangover. Pagkatapos ng sarap, paghihirap. Times like this make me wanna quit drinking because the struggle is no joke. Bagamat nahihirapan ako ay pinilit ko pa ring bumangon para halukatin sa loob ng bagahe ko ang gamot na dinala ko para maalis ang aking hang over. I suddenly craved for ice cold water. Luminga-linga ako sa paligid and it's as if the Lord answered my prayer when I saw a mini fridge. Nilapitan ko kaagad iyon at binuksan ngunit nadismaya lang ako nang Makita kong wala iyong kahit anong laman. Dang! Padabog akong bumalik nang higa sa kama. I put my palm on my forehead and let out a groan. I stayed there for solid 30 minutes, remembering the times when I don't have this dipshit hangover... Sana ay hindi ko binalewala ang mga araw na iyon. Nang marinig ko ang pagring ng phone ay napilitan akong bumangon upang kunin iyon sa may table sa side ng kama kung saan ako nakahiga. Sinagot ko iyon kaagad nang makita kong si mama ang caller. "Tapos ka na ba? You're going to miss breakfast." Namilog ang mga mata ko. "Yes, ma. Magbibihis na lang ako. Give me 15 minutes..." I lied and bit my bottom lip hard. f**k! 15 minutes? Kulang na kulang iyon! "15 minutes? That's too long! Bilisan mo... Hintayin ka na lang namin sa restaurant nitong hotel."  "Okay... Bibilisan ko, ma. I'll hung up now." I said frantically. Damn! Bakit ba kasi dinamihan ko ang inom? Ibinaba ko ang tawag at hindi na inantay ang sagot ni mama. Mabilisan ang ginawa kong pagligo at pagbihis. The last thing I want right now is an exaggerated lecture from my mother. I just wanna live in peace! Jesus! I wore a white lowback one piece bikini at pinatungan ko muna iyon ng denim shorts. Inilugay ko na lamang ang kulot at medyo basa ko pang buhok at nagmadaling bumaba upang magpunta sa may front desk. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay kaagad ko nang namataan ang babaeng receptionist kausap ang isang lalaki na mukhang turista din. He's wearing a stripped tee, navy blue chino shorts, and Havaianas flip flops. Sa tindig at hubong pa lang ng kanyang katawan ay alam mong may ibubuga na ito kahit na nakatalikod pa lamang siya. But you cannot judge a person's appearance through his back view, right? Malay ko bang mukhang tukmol pala ito at may angkin lang talaga siyang 'talikogenic' sa katawan. Nang tuluyan na akong makababa ay tumayo ako sa harapan ng front desk (few feets away from the man) waiting for the receptionist to pay attention to me. I tapped my fingers on the marble desk while roaming my eyes around the lobby. "Sir, did he give you his hotel room number?" I heard the receptionist asked. "No, I'm afraid not. But his name is Isidore he just called me and told me to come and get him here..." I stopped mid scanning the abstract painting hanging on the wall when I heard that familiar deep and smoky voice. My eyes widened as I slowly shifted my gaze to the man standing next to me. The same perfect angle that I saw from the plane greeted me again. This time, I have the chance to look at it closer—wait, no! I don't intend to look at it anymore! And just when I was about to look away and act like I've never seen this guy's face his head suddenly tilted at me. His lips slightly parted and his eyes caught me off guard. They were a pair of softest brown with tantalizing green dancing around its edge. It's as if their colors are contradicting and at the same time jiving with his personality. Para akong batang inagawan ng tsokolate nang walang pakialam siyang nag-iwas nang tingin at muling ibinalik ang atensyon sa receptionist. Pulling the same casual-avoid-gaze in Epic. Damn great! Nakaramdam ako bigla ng iritasyon dahil sa epekto na ibinibigay niya sa'kin. My attraction towards him is just so strong and it's making me mad! Think about his ungentle man personality, Beatrix. "Hmm... Isidore." The receptionist murmured while scanning something through the monitor in front of her. The jerk put his hands inside his pockets while waiting for the result. Bigla akong may nahalata... Hanggang kailan pa ba ako maghihintay dito? Ibibigay ko lang naman ang susi pero bakit kailangan ko pang maghintay nang matagal dito? "Ah, sir—" "Excuse me..." I firmly said, flashing a stoic face. Natigilan iyong receptionist at nag-angat nang tingin sa'kin saka ako ngintian "Yes, ma'am. Good morning! What can I do for you?" Gusto kong umirap. Ngayon lang talaga niya ako in-acknowledge? I've been standing here five minutes already! "I'm just gonna give my hotel room keys..." Sagot ko na lang at inangat ang kamay ko upang ibigay sa kanya ang susi ko. Nakangiti naman niya itong tinanggap. "Thank you, ma'am! Hope you'd have a great time touring around!" She dismissed me immediately at muling ibinalik ang atensyon doon sa lalaki. Umusok ang magkabila kong tenga dahil sa iritasyon. What kind of receptionist is this! Hindi man lang itatanong sa'kin kung may kailangan pa 'ko! "Sir, nakita ko na po 'yung hinahanap niyo." "Excuse me..." I said again. "May I know what his last name para makumpirma ko kung ito nga ba talaga ang hinahana—" I cut the receptionist off. "Excuse me!" Hindi ko naiwasang hindi magtaas ng boses. Damn! Bakit ba lahat na lang ng atensyon ay sa lalaking ito pinapaulan ng pagkakataon? Hindi lang 'yung receptionist ang nakuhanan ko ng atensyon dahil naramdaman ko rin ang paglipat nang tingin sa akin no'ng lalaki. "Hindi pa ako tapos and yet you dismissed me immediately! Based from your conversation mukhang hindi naman dito nag check itong lalaki na ito, he's just here to visit a friend, right? Ngunit bakit mas inuuna mo pa siya!" I said through clenched teeth. Nakakairita! The receptionist looked at me apologetically. "Ma'am, I'm sorry po. It's just that mas nauna po kasi siya sa inyo..." She said sheepishly. Ipinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib. "Kung gano'n pala hanggang anong oras pa 'ko maghihintay dito para ako naman ang asikasuhin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Bwisit! Umawang ang bibig no'ng receptionist at nagpalipat-lipat nang tingin sa amin. "It's okay, miss. Unahin mo na siya. I'm not in a rush, anyway." Biglang sabi nito na naging dahilan upang mapatingin na naman ako sa kanya. His eyes bore into me like I'm the most uninteresting thing in the world. Inirapan ko lang siya. You being jerk is the most uninteresting thing about you, too. "Thank you, sir. Pasensya na po..." "Oh, no don't apologize. Siya ang pagpasensyahan mo na... I've read somewhere on the internet that too much alcohol can affect a person's brain." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Is this jerk pertaining to me?! "Did you just call me nuts?" Pigil iritasyon kong tanong sa kanya. Tiningnan niya ako at pinaningkitan ng mga mata. "Did you just eavesdrop again?" "Eavesdrop?! I'm not eavesdropping!" Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to para paratangan ako nang ganoon! Eavesrop my ass! Natural ay maririnig ko dahil ilang hakbang lang ang pagitan namin! A bland grin appeared on his lips. "Alam mo lahat ng detalye sa pag-uusap namin... It came from you, I'm here to visit a friend, right? So, yeah, you did not eavesdrop. Not at all." Matabang at sarcastic nitong sagot. Muli akong sinalakay ng iritasyon at umawang ang aking bibig upang sagutin pa siya pero hindi ko na naituloy nang biglang mag ring ang phone ko mula sa bulsa ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko na galing iyon kay mama. Kagat labi ko itong sinagot. "Yes, ma?" "Where are you, Beatrix? Patapos na kami ng papa mo!" "I'm..." Muli kong tiningnan ang lalaking sumira ng gabi at araw ko. Inip na inip pa rin itong nakatingin sa'kin. I clenched my teeth and glared at him, hindi ito nagpatalo. Umigting ang kanyang bagang saka niya ako pinaningkitan ng mga mata. "I'm on my away..." Words that tasted bitter in my mouth. Nagpakawala na lang ako nang marahas na buntong hininga bago ko inirapan ang lalaki saka na tuluyang tumalikod. I still don't want to go! I want to roast the hell out of him pero 'di ko na nagawa. Kanina pa 'ko hinihintay nila mama. I hate how people managed to give comments about you when they don't even know you in the first place. Akala mo kung sino! Gwapo lang naman! Nang makita ko sila ay as usual, binato nanaman ako ni mama ng mga tanong at si papa at mabuti na lang kaagad siyang inawat ni papa. Ang ending ako na lang ang natirang kumakain dahil sina mama at papa ay tapos na. After having breakfast ay nagpunta na kami doon sa taong kinontact nila papa para sa jetski na sasakyan namin sa pag i-island hopping. May mga nakasama pa kaming mga iba pa sa jetski. Sa bandang harapan ay nagsama-sama ang mga iba't-ibang lahi at dito naman sa likuran ay kaming anim na mga Pilipino. Mag-asawa rin sila at kasama ang isa nilang anak na lalaki na sa tantiya ko ay kasing edad ni Cole. Bigla ko tuloy siyang namiss. Gusto ko nga siyang isama papunta dito pero nakapag pa book na sina mama at isa pa ayaw rin naman siyang pasamahin ng papa niya dahil malikot daw siya. Yes, malikot si Cole pero alam ko naman siya i-handle. Muli kong tiningan yung bata. "Mommy! Mommy! Look there's a parachute!" Manghang-mangha niyang sigaw habang tinuturo yung mga nagpa-parasailing. Napangiti ako, he's adorable... "Oo nga anak." His mom replied with a smile before brushing his hair using her fingers. The kid is placed in between his parents. He points at everything that are bizarre for him... Ultimo malalaking mga bato ay itinuturo niya. I can't blame him though. Every inch of this island is fascinatingly aesthetic... The clear blue and turquoise water meeting the blue sky is something that you will never get tired of staring at. "Mommy! It's the Titanic!" He points at the yacht. 'Di ko napigilan ang sarili ko at natawa ako nang mahina. He's really cute. Ako kaya? Kapag kaya nagka-anak ako ay kasing cute rin niya? Tumingin ako sa tubig alat na dinadaanan namin... I pictured my future son. In my mind, I can see his curly hair that he inherited from me, his soft brown but deep piercing eyes that he got from his father, his small pointed nose and pinkish lips na manipis sa taas at tama lang ang kapal sa ibaba—wait! Let me stop myself right there... What the f**k!? I did not just imagine that gorgeous—no scratch that, he's nameless guy to me now—but I did not just imagine his features on my son's face! Bakit 'yon ba ang naisip ko? At bakit natatandaan ko pa rin ang bawat detalye sa kanyang mukha? I will forget about him soon. Nakita ko lang kasi siya ulit kanina kaya hanggang ngayon ay naalala ko pa. Nagngitngit ang ngipin ko nang maalala ko kung paano niya ako hinayaan sa malamig na sahig kagabi at kung paano niya ako sinabihang baliw. I like composed guys, gusto ko yung mga tahimik at hindi palakibo but I don't like jerks and obviously, he is a certified jerk. I'm not being judgmental here but he really is. Biruin mo, ngayon lang kami nag-usap ay gano'n pa!  Bakit 'yon ba ang naisip ko? At bakit natatandaan ko pa rin ang bawat detalye sa kanyang mukha? I will forget about him soon. Nakita ko lang kasi siya ulit kagabi kaya hanggang ngayon ay naalala ko pa. Nagngitngit ang ngipin ko nang maalala ko kung paano niya ako hinayaan sa malamig na sahig kagabi.  "Anak, h'wag nang maingay, okay? Naiinis na si ate sa'yo, tingnan mo nakasalubong na ang kilay..." Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng mama noong bata. Kaagad na lumambot ang ekspresyon ko at napaawang ang bibig ko. "Ay, naku hindi po! Mainit lang po kaya salubong ang kilay ko." Paliwanag ko. That's a semi lie but it's true that I'm not pissed off at her son. Nginitian ko yung bata at yung mga magulang niya at tinignan ang mga magulang ko. "You okay?" Tanong ni mama na katabi ko. Tumango naman ako kaagad. I'm perfectly fine, I'm just annoyed... annoyed by the fact that I'm still annoyed with that guy. As if naman makikita ko pa 'yun uli pero apektadong-apektado ako! Ah, whatever. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa aking kapaligiran and I found myself slowly calming down, giving into the beauty of nature. Gustong-gusto ko talagang nakakakita ng dagat. I love how the turquoise water never gets tired of dancing, like it is its passion. Seeing the rays of the sun hitting the water is like witnessing heaven on earth.  Bawat island na pinupuntahan namin ay nagpi-picture ako--kami nila papa. Of course, I don't wanna miss the beauty of every island that we're visiting. Sigurado ako na matagal na naman bago ako makabalik dito.  I even send some of our pictures to Colton. Alam ko naman na hindi siya maiinggit dahil mas maganda pa dito ang mga lugar na napupuntahan niya pero sigurado ako na manghihinayang siya dahil hindi niya kami nakasamang tatlo.  I miss him... even though he knows how to hit my last nerve I can't still help but to miss him. Yes, it pisses me off everytime that he tries to intervene and stalk my love life but he's still my brother and no matter how annoying he is, I still love him... always. We did snorkeling and we fed the fishes with a small crumpled bread. Lumalapit talaga sila kapag inilubog mo sa tubig iyong tinapay. Pumasok pa kami sa mga caves sa Crystal Cove. This day is tiring. Sobrang daming tao kahit hindi pa season. I was also thankful that I didn't see the nameless guy again.  Nakausap at nakalaro ko pa yung batang kasama namin. His name's Jason pala. He's like Cole, pero ang kaibahan nga lang ay gusto ni Jason na maging chef while Cole's dream is to be a pilot like Colton.  Siguro'y mga alas singko na nang makabalik kami sa hotel. Nang mga alas siyete ay nag-aya sina papa na mamili ng mga souvenirs sa bay. Muli na naman naming nadaanan ang mga iba't-ibang bars--including epic--I was tempted to go but I better spend some quality time with my parents dahil palagi rin naman akong wala sa bahay. After that bumalik na kami sa hotel para mag dinner. This day went smooth and I really enjoyed being with my parents alone. Kinabukasan ay maaga na akong bumangon dahil hindi ako uminom kagabi. I don't have a hang over to deal with this time.  I just stayed inside the hotel room and watched cable. I watched Myx, MTV, and even cartoons! Kaso nga lang ay hindi ko na masyadong gusto ang mga cartoons na lumalabas ngayon. Hindi katulad no'ng bata kami ni Colton. Inaabangan naming lagi ay iyong Tom and Jerry, Ed,Edd, and Eddy; Johnny Test.  Sa mga ganyan ay nagkakasundo kami pero kapag powerpuff girls na ang palabas ay nag-uunahan na kami sa remote. Alam ko kasi na ililipat niya yon. "This is our last activity?" Tanong ko kay papa. Tumango siya. "Pero kung gusto mo'ng mag parasailing ay tatawagin ko yung isa kong kakilala." Papa said. Wow, my father has lots of connections. "Nako, Beatrix h'wag ka na. Baka mamaya mahulog ka pa at mawalan ako ng isang anak." Naghihisteryang sabi ni mama. Natawa kami pareho ni papa. Kahit kalian talaga itong si mama kung ituring ako parang ako pa rin yung sampong taong Beatrix. "Hindi naman talaga, ma. Okay na ako sa helmet diving. Isa pa, I want to enjoy the beach. Simula kahapon ay puro na tayo activities." Sabi ko. I want to feel the sand on my soles while the sun is hitting my skin... I wanna go tanning today kahit alam ko naman na babalik pa rin ang balat ko sa dati kong kulay. "Mabuti naman." Aniya. Sumakay na kami ulit ng jetski para ihatid kami doon sa may helmet diving.  I'm wearing a maroon two piece bikini at pagdating namin doon sa may helmet diving ay hindi naman ako masyadong tiningnan ng mga tao doon. Hindi katulad sa Pampanga. Kapag nag bikini ka sa isang pool doon ay pagtitinginan ka talaga. Probinsya kasi ang Pampanga at may pagka conservative pa rin ang mga tao. Pero sa Angeles City ay medyo liberated na, although nando'n pa din iyong judgment. Kahit saan naman yata hindi nawawala ang judgment.  People love to care about the things that they shouldn't cared about. They love pointing at  other's mistakes but hated to be corrected. They love giving comments even when no one is asking for it in the first place. Pati buhay ng iba ay pino-problema nila.  I was sucked back in reality when the guide stood in front.  Siguro ay mga 15 minutes kaming umupo doon at nakinig sa mga safety guides bago kami lumusong sa ibaba.  Mabigat yung helmet pero kailangang balanse pa rin ang tayo mo. Habang pababa ako ng pababa ay sumasakit ang kanan kong tenga. f**k! Pinigilan ko ang sarili kong mag panic at ginawa ang mga sinabi nila kanina.  Nag okay sign sa akin yung diver at nag okay sign din ako sa kanya para ipaalam na ayos lang ako. Binigyan pa nila ako ng isang binilog na bread pan para ipakain sa mga isda. It was fun! Worth all the fact that the pressure nearly broke my eardrums.  Nagpa picture pa kaming tatlo sa ilalim. Iinggitin ko na talaga si Colton mamaya. Paakyat na ako ngayon sa hagdan and it was awkward because everyone's watching you! Nag-aabang talaga sila ng mga paakyat na parang sinusuri kung kumpleto pa ba ang mga sumulong sa ilalim at walang kulang para malaman nila kung susulong din ba sila.  Napatingin ako doon sa lalaking nakatayo sa harapan at parang gusto ko na lang lumubog ulit nang makita ko kung sino iyon!  I swallowed hard as I try my best to keep still. He is topless in front of me and it took every ounce in me to stop myself from staring at those abs.  His set of pair piercing brown eyes are looking at me and I quickly looked away... Yes, you are doing good, sweetheart. Act cool. Kunwari wala lang.  Our bare shoulders brushed nang lampasan ko siya, I'm sure that I stopped breathing from that second that my skin touched his. My heart even skipped a beat! s**t naman! Nagsisi tuloy ako kung bakit ako kaagad na nagpaakyat. My parents are still enjoying down there. Nang tuluyan ko na siyang malampasan ay saglit akong napapikit nang mariin. "FML." I whispered discreetly to myself.  "No! Ayoko po!" Natauhan lamang ako nang marinig ko ang isang pamilyar na sigaw. Hinananap ko kaagad ang boses at nakita ko si Jason! He's crying and doesn't want to dive. Sinubukan siyang aluin ng mama at papa niya pero wala pa ring tigil. Kaagad akong lumapit sa kanila. Nasa kabilang side sila, doon sa isa pang area kung saan nagda-dive.  "Ate Beatrix!" Umiiyak niyang sabi nang makita ako. Marahas niyang inagaw ang kamay niya mula sa hawak no'ng isang guide. Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. I hugged him back. I looked at his parents, trying to ask them what happened using eye contact. "Takot e... Kanina pa namin sinusubukang pakalmahin pero ayaw." "Gano'n ba?" May pag-aalala sa tono ko. Saglit kong tiningnan si Jason na mahigpit pa rin ang yakap sa'kin. "Nakakahiya man pero pwede bang pakitignan na muna siya, Beatrix? Kami na lang ng daddy niya ang bababa." Pakiusap niya. Mabilis naman akong tumango. "Sure, sure. No problem..." Nginitian nila ako at pinasalamatan, ngiti at tango lang naman ang isinagot ko. Umupo kami ni Jason sa isang mahabang upuan habang pinapanuod namin ang mama at papa niya na bumaba. He's still sobbing while watching at his parents go down. I caressed his hair softly. "Tahan na, Jason..." "Will they be okay?" Tanong niya sa akin at sinipat pa ang mga ito. Tumango ako at malamlam na ngumiti. "Oo naman... masaya sa ilalim at maganda. Bakit ayaw mong bumaba?" Marahan kong tanong sakanya. "Kasi natatakot ako. Baka may shark pa doon ate! Napanood ko yung Jaws. Sharks eat humans and I don't want my mommy and daddy to be eaten by sharks!" Nagsimula na naman siyang umiyak.  "Mommy, daddy.." He called them. Alam kong nag-aalala siya sa dalawa. "There are no sharks down there." Pareho kaming napatingin ni Jason sa lalaking nagsalita.  Ako ang pinaka nagulat nang makita ko si nameless guy! Umupo pa talaga siya sa tabi ni Jason! Nakahanda na pa naman ang dapat kong sasabihin kay Jason para gumaan ang pakiramdam niya pero biglang nagbuhol ang dila ko at nablangko ang utak ko sa bigla niyang pagsulpot. What is he doing here? I almost forget that he's here, too!  "Bakit mo alam?" Tanong ni Jason habang sumisinghot. He's sitting there without agitation while his knees are propped under his elbows, he tilted his head to meet Jason's eyes.  Pareho silang nakatingin sa isa't-isa. Nameless guy is half smiling at Jason and I swear to God the sight of them almost took my breath away. Parang iyong iritasyon ko ay parang bula na biglang naglaho. He looks so damn good with kids... and that is one of my weaknesses-- A guy who knows how to handle kids.  "Because I went there before... There are a lot of fishes and corals. I even saw Nemo." My ears almost tickled when his smoky voice reached them... Napakagat ako sa ibabang labi ko. Tangina! Namangha si Jason. "Talaga kuya? Si Nemo nandoon? Favorite ko yun!" Tumigil na sa pag-iyak si Jason. He's enjoying nameless guy's company. "Then you should go down there... this is your chance to meet him. You can even feed him if you'd like to."  Aniya at nginitian niya ito.  Fuck! f*****g hell! I didn't know that he actually knows how to smile! Sana hindi ko na lang siya nakita kung paano niya nginitian si Jason...  "But I'm scared..." Muling lumungkot ang boses niya. "You have nothing to be scared of... sasamahan kita." I felt like an ice cube under the sun upon hearing that. He's not a jerk after all... "Really?" "Yeah. I'll go first and then I'll wait for you down there... how's that sound?" Sabi niya. "Sounds... I don't know but will I be okay?" Paninigurado niya. "Well, your ear will hurt a little but it will go away eventually. Kaya mo naman 'yon." Pinalakas niya pa ang loob nito. Jusko, hindi na ako nakapagsalita at pinanood ko na lang sila. Tiningan ako ni Jason. "Ate Beatrix, I wanna go." Sabi niya bigla. Napangiti naman ako, "Really?" Nakangiti kong sabi at sinulayapan si nameless guy. Hindi na siya nakangiti nang magtama na ang mga tingin namin. Kaswal lang siyang nakatingin.  I was intimidated kaya muli kong ibinalik ang tingin kay Jason. Sa mga bata lang ba talaga siya mabait at ngumiti? I suddenly wished na sana bata na lang din ako. "That's a decision that you will never regret... Mag enjoy ka!" Sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam kung madadatnan mo pa ako pag-akyat mo so might as well hug me now?" sabi ko sa kanya at bahagyang tumawa. I spread my arms wide kaagad niya naman akong niyakap nang mahigpit. He even kissed my cheek. I kissed his cheek, too. I got carried away kaya hindi ko namalayan na pinapanuod na pala kami ni nameless guy. Saglit kaming nagkatitigan at naramdaman ko ang pagka tense sa aking katawan ngunit siya ay parang kalmado lang kaya bago pa ako magmukhang tanga ay nagsalita na lang ako. "Guess, we're quits now..." Sabi ko at sinamahan pa iyon ng isang ngisi. 'Di ko nga alam kung paano ko nagawang buo ang boses ko. Bahagya lang kumunot ang noo niya.  "You eavesdropped, too while Jason and I were talking!" Sabi ko sa kanya at hindi ko na nakita pa kung ano ang reaksyon niya dahil tinawag na siya nung guide. "Sir, kayo na ho next." Tawag no'ng lalaki sakanya. "Right. I'm with this boy." Turo niya pa kay Jason. Napakamot ng ulo yung guide.  "E ser, umiiyak yan kanina pa." "Ayos na. Hindi na siya iiyak."  Iyon ang huling beses na nakita ko siya. Tumayo na siya at hindi na sinuklian ng reaksyon ang pagsusubok kong bumuo nang matinong pag-uusap sa pagitan naming dalawa. Pinanood ko siya kung paano siya maglakad palayo.  Habang pababa siya sa hagdan ay hindi ko alam kung lutang pa ako ngunit parang sa akin siya nakatingin... I didn't look away, hindi ko inaksaya ang ilang segundong natitira sa kahuli-huliang pagsilay ko sa kanyang mukha.   Nang tuluyan na siyang nilamon ng tubig ay nakaramdam ako nang kakulangan.  Ilang beses ko na ba siyang nakita? Ilang beses na siyang nasa malapitan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya maabot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya... but one thing's for sure.  Alam niya ang pangalan ko. Jason called me twice and it's up to him kung tatandaan niya ang pangalan ko o hindi. And I know he won't but I'm hoping that he will. Kahit pangalan ko na lang ang tandaan niya kasi ako, mukha pa lang ang alam ko sa kanya ngunit ito'y kabisadong-kabisado ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD