Chapter 5
Is This A Joke?
benitezbrody accepted your follow request
benitezbrody requests to follow you
I was currently lying on my hotel room's bed enjoying the softness of my fresh sheets and comforter when suddenly that notification popped up on my screen.
Wow. What a fantastic day I'll have!
Mag-isa akong napangiti. Brody accepted my follow request at may kasama pa iyong follow back!
Brody's my crush kaya normal lang naman na sumaya ako dahil finollow niya ako, hindi ba? Pero bakit gano'n?
When I smiled after seeing his follow request it turned out to be forced... It felt like I'm obligated to feel happy with it.
In fact, I'm feeling more guilty than happy.
Pakiramdam ko ay napakatindi ng krimen na ginagawa ko. Is it because of the guy I met recently? s**t! Hindi naman siguro.
And why would I feel guilty just because of him? That guy has a girlfriend for crying out loud! Isa pa, hindi na kami magkikita no'n....
Na-attract lang siguro ako sa kanya dahil
I'll just focus on Brody. Tutal siya naman talaga ang tipo ko.
Kaagad ko siyang cinonfirm and now we're following each other. I immediately went to his profile after confirming his follow request. Isa lang ang post niya, it was a miniature of a building that I think he made. He really have this passion for his course, I must say.
Bukas ay uuwi na kami sa Angeles and I bet my life, makakalimutan ko na siya. Right, Brody is my crush and I'm just attracted to that nameless guy because he always got me puzzled.
Eventually, mawawala rin ang attraction na nararamdaman ko. At bakit ba ako na-attract sa taong may 'honey' na? f**k!
Sa bandang huli ay si Brody pa rin naman diba? Kung mailap yung nameless guy na 'yon, mailap din si Brody. Tingnan mo nga, ni hindi man lang niya ni like yung pinost ko recently.
Pero nakikita ko na kaka-like lamang niya sa post ni Messi. Hindi ko alam gusto niya pala ang football.
--
"Wala ba akong chocolate diyan, Beatrix?" Sabi ni Jess habang kunwaring hinahalukat ang bagahe ko. Pabiro ko siyang inirapan.
"Anong akala mo sa akin, Jess? Nag abroad?"
"Aba, bakit? Wala ba silang binebentang chocolates sa Boracay?" Pamimilosopo niya. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga itong babaeng 'to.
"Pero may pasalubong ako sa'yo." Sabi ko at tinaas baba ko pa ang mga kilay ko.
Mga dalawang araw na ang lumipas simula nang makabalik kami at ngayon lang sinapian nang kasipagan si Jess para magpunta dito at kamustahin ako.
Noong isang araw ko pa ito inaaya na puntahan ako ngunit parati siyang tinatamad, kesyo ang init-init daw at parang lumulusong siya sa impyerno everytime na lumalabas siya.
"Anong lahi? May abs ba?" Aniya. Ngali-ngali ko siyang batuhin ng kahit anong maabot ko.
Ang sabi niya kasi ay kahit daw Canadian na lang ang pasalubong ko sa kanya. Gusto niya ay 'yong may abs pa at kamukha ni Shawn Mendes.
Loka-loka talaga siya. Hindi talaga natanggal ang pagka crush niya kay Shawn Mendes. Kunsabagay, masisi ko ba siya? E ang gwapo-gwapo kaya ni Shawn! Kaya lang kung out of reach si Brody ay mas out of reach si Shawn Mendes.
"Ewan ko sa'yo." Iyon na lamang ang sinabi ko at inilapag sa harapan niya ang isang paperbag. Iba't-iba ang laman nung paperbag. May t-shirt, may keychains, at mayroon ding dried mangoes. Halos lahat ng makita kong pwedeng ipasalubong ay binili ko na.
"OMG! Thank you, Trix!" Aniya at kaagad akong niyakap ng mahigpit. I hugged her back and chuckled.
"I really appreciate this kahit na hindi si Shawn Mendes ito." Sabi pa niya.
"Bakit kasi hindi mo na lang bilihin si Shawn Mendes? Aba, gamitin mo ang yaman ng mga Travieso!" Biro ko sa kanya. Hindi rin biro ang yaman ng pamilya ni Jess.
She's the one and only daughter of Mr and Mrs Travieso. She's the kind of girl that can get what she wants in an instant, too.
"Kahit sabuyan ko pa 'yon ng pera kung hindi naman ako mahal, wala rin. 'Yon lang ang hindi nabibili ng pera, e— pagmamahal."
"May point ka... Material things are so easy to get when you have the money pero ang isang tao? Kahit na tumambling ka pa kung hindi ka talaga gusto ay hindi talaga..."
Saan ko ba galing ang hugot kong iyon?
"Nag Boracay ka lang natuto ka nang gumanyan!" She joked.
Malamlam akong ngumisi. "Have you ever wanted something so bad but no matter what you do, you know that you will never have it?"
Bigla siyang natahimik at unti-unting nawala ang kanyang mga ngiti. Ang kanyang ekspresyon ay naging seryoso at napansin ko rin ang bahid ng isang lungkot mula doon.
"I don't know... I guess not."
Noong una ay kumunot ang noo ko ngunit 'di nagtagal ay pinalitan ko iyon nang isang pilit na tawa.
"Right. Don't mind me... I was just curious. Na jetlag yata ang utak ko." Biro ko na lamang.
She smiled and snapped her fingers at me. "But are you really okay, though?"
"O-Of course! Duh!" I let out a forced laugh before rolling my eyes at her.
Nagtawanan na lang kaming dalawa at nagkwentuhan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binabanggit sa kanya ang lalaking nakita ko sa eroplano at sa Boracay. Bakit pa? Sinabi ko na, gusto ko na siyang maalis sa isip ko.
Mga bandang alas dos na nang tawagin kami ni Manang Sally para kumain at kaagad naman na kaming bumabang dalawa dahil parehas kaming nagutom sa pagka-catch up.
"Jessica, kumain ka pa." Sabi ni mama kay Jess at inalapit sa kanyang ang isang bowl na may lamang Asado.
"Naku, tita salamat po pero busog na po ako." Tanggi ni Jess. Kanina pa parang fiesta dito dahil sa dami ng niluto nila manang Sally at mama.
Dadating kasi si Colton kasama yung kaibigan niya at tatlong araw sila dito. At ito namang si mama, kunwari pang nagtatampo kay Colton pero ang dami ng niluto niya, para namang sampung taong nawala ang panganay niya. Sabagay, madalang lang naman talaga itong umuwi.
Mas madalas pa rin siyang umuwi sa pad niya. Mas malapit kasi siya sa airport kapag nandoon siya.
"Gagabihin daw ang kuya mo, Beatrix. Mamaya pa daw kasi ang dating no'ng kaibigan niya..." Pagkukwento ni mama.
Oo nga pala, iyong pangako ni Colton ay ngayon niya na tutuparin. Depende lang kung magbabago na naman ang isip niya. Baka mamaya tumawag siya na hindi na pala sila matutuloy.
Panigurado, pati apelyido niya ay burado na kapag nagkataon. Pero kung titingnan sa kabilang banda, hindi naman siya matitiis ni mama. Colton could commit murder and our mother would still love him the same.
"Sige ma, sure ka 'di na maji-jinx 'to?" Biro ko.
"Ano naman ang pinagsasabi mo?" Kunot noo niyang sabi. Tinawanan ko lang siya at inilingan.
"Wala ma, wala..."
Umiling lamang siya at umalis upang sagutin ang tawag sa landline. I bet that's my papa. Uuwi din daw siya ngayon galing Manila... Sa wakas ay makukumpleto kami ngayon. Ang tagal na rin pala.
"Teka, papi ba 'yang kaibigan niyang si Colton?" Tanong kaagad ni Jess nang makaalis si mama.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, hindi naman niya nababanggit ang kaibigan niyang ito. Recently niya lang sinabi." Sagot ko.
I can't remember a time that Colton mentioned about this friend... Bukod sa madalang siyang umuwi ay hindi naman siya mahilig magkwento sa personal niyang buhay.
Actually, he's more interested in my personal life than in his. Napaka tsismoso niya pagdating sa buhay ko. Gusto niya alam niya lahat.
"Sabagay maging ako ay nagtataka dahil may kaibigan pala 'yang si Colton..." Aniya sabay subo subo nung patatas mula sa kanyang plato.
"Hoy grabe ka sa kapatid ko! Mabait naman 'yon at may iilang naging mga kaibigan." Pagtatanggol ko sa kapatid ko.
Mainit talaga ang dugo nila sa isa't-isa ever since. These two live for each other's misery. They like pressing each other's button until one of them finally snap.
"Oo si Ciel at Cyprian lang yata..."
"Cyprian? Hindi masyadong gusto ni Colton si Cyprian... He's just being civil to him..." Sabi ko.
Tsaka, sina Kiel at Phil talaga ang main ni Colton ngunit ngayon ay hindi na sila madalas magsama dahil nga may kani-kanila na silang trabaho.
"O, kita mo? Ang laking asshole niyang kapatid mo... ayaw sa lahat ng tao. Pinaglihi yata 'yan sa 'f**k off'."
I burst into laughter after hearing Jess' statement. What the hell!
"Grabe ka 'te! You know Colton's personality can be rough sometimes but that asshole that you hated so much will raise hell if one of us gets hurt."
Natigilan siya ngunit nang makabawi ay natawa nang bahagya. "Then I guess he should start raising hell against himself now. Siya itong nanakit sa'kin."
"Ewan ko sa inyo... Kailan kaya kayo magkakasundo!"
--
Mag a-alas kwatro na nang umalis si Jess ng bahay namin. Pag-alis niya ay kaagad na akong umakyat sa kwarto ko.
Kung ano-ano lang ang ginawa ko out of boredom. Nagbabad lang ako sa social media. Sakto namang nag pop up ang message ni Ryan. Nireplyan ko siya ng ilang sandali pero kaagad din akong humanap ng paraan para matapos kaagad ang usapan namin.
Alas sais na ng gabi nang marinig ko ang isang tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay. A gush of excitement rose from my stomach up to my chest.
Colton is here!
Sumunod do'n ang pagkatok ni manang Sally sa aking pintuan. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nakaramdam ng pagkahilo dahil sa matagal na oras kong paghiga.
Kaya kung minsan ay mas gusto ko pa iyong may ginagawa ako e. Nang mawala ang hilo ko ay kaagad ko ng binuksan ang pintuan.
"Si Colton 'yun?" Tanong ko kaagad kay manang Sally. Couldn't even hide the excitement in my tone.
Tumango siya. "Oo, nandiyan na ang kuya mo kasama ang kaibigan niya at handa na rin ang pagkain kaya bumaba ka na..."
Malapad akong napangiti.
"Pogi ba manang?" Biro ko. I'm just so happy and excited to see Colton.
"Ha?"
"Yung kaibigan niya..." Pagtutuloy ko sa biro ko. 'To naman si manang oh.
Noong una ay umawang ang kanyan bibig ngunit iling-iling na lamang niya ako tiningnan sa bandang huli. "Ewan ko sa'yo bata ka. Kapag narinig ka ng kuya mo siguradong pagagalitan ka no'n."
"Joke lang naman manang, e." Nakanguso kong sabi.
"Osiya, siya na... bumaba ka na lang."
"Okay po, manang! Salamat!"
Tumango naman siya umalis na ulit.
Sinarado ko ang pintuan ako at inayos saglit ang sarili ko at pinalitan ko ng t-shirt ang manipis na sando na suot ko kanina.
Nakakahiya naman kasi doon sa kaibigan ni Colton tsaka kahit naman hindi ako magpalit ngayon ay mapipilitin pa rin akong magpalit ngayon dahil kapag nakita ako ni Colton na ganito ay uutusan niya rin naman ako na magbihis.
In order to avoid hassle you must be good at predicting and memorizing the people around you.
Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng kwarto ko bago ko tuluyang naisipang lumabas na. Baka akyatin na naman ako ni manang Sally.
Paglabas ko ay si Colton kaagad ang napansin kong kakalabas lang din sa guest room na katabi nitong kwarto ko. Siguro ay sinamahan niya sa loob yung kasama niya.
He's wearing a plain v-neck navy blue shirt and a grey sweatshort. He's currently saying something but stopped mid sentence when he noticed me.
I was about to welcome him with a touch of my sarcasm but I didn't get the chance to when a guy coming from the guest room suddenly appeared.
My jaw dropped as my eyes widened in disbelief. Woah, what is this? Am I hallucinating? I can't believe what I'm seeing right before my eyes. Pakiramdam ko buong katawan ko ay binalot ng semento dahil bigla akong hindi makagalaw.
I wanted to slap cheek to wake myself up but I'm too stunned to do so. Totoo ba talaga itong nakikita ko? Ito ba talaga ang lalaking nakita ko sa eroplano at sa Boracay?
Is he really standing next to my brother in that damn pilot suit? Holy s**t! Isa rin siyang piloto! He's standing there with a strong and firm posture as his uniform perfectly hugged his ripped body. His demeanor is somewhat a mixture of calmness with a touch of danger in it.
Three words. Drop. Dead. Gorgeous.
Shit! Gusto kong sapakin ang sarili ko bigla lalo na nang mapansin kong nakatingin rin pala siya sa akin. He doesn't even look surprised! Not even one bit. Those deep soft brown eyes are just looking at me casually, not even showing a single reaction in his beautiful features.
"Beatrix..." Colton's deep voice sucked me back in reality. Kaagad ko siyang tiningnan at hindi nakatakas sa'kin ang pagtaas ng kanyang kilay at ang bahagya niyang pag-iling.
I swallowed and composed myself before raising a brow at him, too. "What?" Mataray at maang-maangan kong sagot. Alam kong napansin niya ang pagka mesmerized ko sa kaibigan niya.
Nagbuga siya ng isang maliit na buntong hininga. "This is Yael and Yael, this is my sister—Beatrix." Colton introduced him to me and me to him.
Yael. Yael. Yael. For a few seconds his name alone managed to occupy my brain, hitting every neurons, making sure that I will never forget those four letters that starts with 'Y' and ends with 'L'.
This guy and I didn't start off the right... Maybe we can redo it again with a casual handshake.
"Yael... pleased to meet you." His name felt soft on the tip of my tongue. Gusto kong ulit-ulitin iyong bigkasin. Yael—my favorite name.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, he briefly glanced at my hand as one of his brows slightly lifted. It didn't take long enough for his eyes to fixed at me again.
Tumiim ang kanyang bagang bago niya tinanggap ang kamay ko. Our bodies are made up of atoms but when his palm hit my palm and his thumb touched my knuckles, mine suddenly turned into liquid. Like my body is made up of H20 alone instead of atoms.
"Likewise, Beatrix..." Halos mapasinghap ako nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. The way his smoky voice joined his tongue in saying my name sent thousands of volts into my body. Hindi ko alam kung bakit ganito. My name never sounded this good in someone else's lips before. How could he manage to do this? To make me feel this way?
He was the first one who broke away from the handshake. Para akong batang inagawan ng lollipop nang humiwalay na ang kanyang kamay mula sa kamay ko.
"Let's go downstairs. They must be waiting for us." Colton said before putting his hands inside his pockets.
Si Colton na ang naunang bumaba.
Walang pakialam na nag-iwas nang tingin sa akin si Yael (Damn, I still can't believe that I know his name now) at sumunod na kay Colton.
I was still stunned for a moment here this felt like I'm lucid dreaming. Piniling ko ang ulo ko at tinampal-tampal ang pisngi ko. I laughed while shaking my head.
God must be bored that's why He decided to turn this moment like I'm in a rollercoaster ride.
"Beatrix! Bababa ka ba diyan o ano?!" Narinig ko ang sigaw ni Colton na kasalukuyang nakatingala ngayon sa akin.
"Woah! Relax! Heto na!" Sabi ko na lang upang maitago ang pagkatanga ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari. I'm still mindblown and flabbergasted!
Good things happen when you don't expect them to happen—wait, is this even a good thing? Pakiramdam ko kasi magsisimula nang gumulo ang mundo ko.
I mean, what a small world! Bakit sa dinami-dami nang pilotong maaring maging kaibigan ni Colton ay siya pa? And Jesus, I've never thought that being a pilot is sexy until he came to the picture wearing that damn pilot suit!
Kaagad na akong bumaba dahil hinihintay ako ni Colton habang nakakunot ang noo niya.
Sabay na kaming nagpunta ng dining area at mabuti na lang hindi niya pinupuna ang kinikilos ko ngayon.
"Nagkita na kayo ni mama?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Yep."
"Pinagalitan ka diyan?" May pang-aasar sa tono ko.
"Asa." Natatawa niya namang sabi.
"Ayan! Mapagsamantala ka talaga! Porket alam mong hindi ka natitiis ni mama ginawa mong libangan ang paggawa ng kagaguhan!" Sabi ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mga bata.
"Aba't! I'm still older than you, Beatrix. Six years! Anim na taon! Tandaan mo 'yan." Aniya at idunuldol pa talaga sa mukha ko ang six sa fingers niya at pagkatapos no'n ay pinisil niya nang mariin ang magkabila kong pisngi.
"Aray! Colton ano 'ba! Para kang bata!" Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ano ba kayong dalawa? Mamaya na 'yan at kumain na muna tayo." Tumigil lang si Colton nang sawayin siya ni mama. Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala sila nakatingin sa'min.
Nahihiya akong napayuko nang makita kong pati si Yael ay nakatingin sa'min. Siguro iniisip niya na ang childish ko. Nakakainis naman!
All in all we have six chairs in our dining area. Si papa ay nakaupo sa pinaka unahan at sa right side niya nakaupo si mama. Sa left side naman ay si Colton. Usually, ako ang katabi ni Colton pero dahil nandito si Yael ay sila ngayon ang magkatabi kaya umupo na lang ako sa tabi ni mama.
Ngayon ay magkaharap kami ni Yael at parang malalagutan na naman ako ng hininga.
How am I going to eat properly when he can see every move I make? Ngayon pa lang ay naco-conscious na 'ko.
This is so strange... Bakit labis-labis na lamang ang pagiintindi ko sa kung anong iisipin niya sa mga bawat ikinikilos ko?
I was never this worried and conscious around my crush. Maybe I get worried sometimes pero hindi iyong ganito na hanggang sa pagkain ko!
Nagsimula na kaming kumain at sa umpisa ay balot pa nang katahimikan ang hapag.
Nang sipatin ko si Yael ay pansin kong siya ang pinaka tahimik at mukhang nahihiya pa.
Halatang-halata iyon sa kanya dahil ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa kanyang plato. I watched his jaw clenched as he chew the particles of his food gracefully.
Sinunod niyang balatan ang hipon sa kanyang plato gamit ang kutsara at tinidor. Ang effortless lang kung gawin niya 'yon... Bigla tuloy akong natakam sa hipon pero hindi ko naman pwedeng kainin dahil allergic ako doon.
"Yael, kumain ka pa." Sabi ni mama kay Yael at inilapit pa yung plato na punong-puno ng shrimp.
"Salamat po." He smiled sheepishly at my mother pero hindi na siya kumuha pa ulit ng hipon.
"Ubusin niyo na yung hipon, Colton. Alam mo namang hindi kumakain ang kapatid mo niyan." Sabi ni mama kay Colton.
Sandaling nag-angat nang tingin sa akin si Yael at nagtama ang mga tingin namin pero kaagad din naman niyang ibinalik ang tingin niya sa plato niya.
Bakit pati tingin ay ipinagdadamot niya? Ang pagtingin ba sa nakababatang kapatid ng kaibigan niya ay isang pagtataksil? Tangina!
"Busog na kami, ma. Pwede pa naman siguro 'yan bukas." Si Colton ang sumagot.
"Matagal ka na rin ba sa trabaho mo, hijo?" Tanong ni papa bigla.
Nag-angat naman nang tingin si Yael at tiningnan si papa.
"Opo, matagal na rin, sir..."
Bahagyang humalkhak si papa. "Drop the formality. Just call me tito, tutal ay matalik naman kayong magkaibigan ng panganay ko."
"Ah, sige po, tito..."
My heart twitched when I heard him call my father 'tito'. I hate how responsive my body is to every single damn thing that he do.
"Ano nga ulit ang apelyido mo, hijo?" Biglang nagsalita si papa sa ilang minutong pananahimik.
"Salcedo po." Sagot niya.
Salcedo. Hmm... My favorite word next to 'Yael'. Yael and Salcedo.
Medyo nagulat si papa. "Are you somehow related to Viktor Salcedo?" Tanong niya.
"He's my father." Magalang nitong sagot.
Biglang humalakhak si papa na may halong pagkamangha.
"What a coincidence! Ako ang kinuhang engineer ng ama po para itayo ang isang branch ng Luxury Hotel sa makati." pagkukwento ni papa at mukhang natutuwa siya. Parang maging ako ay natuwa rin dahil mukhang nagustuhan ni papa si Yael.
I stopped myself. Anong nakakatuwa do'n, Beatrix? I'm sure the father of his honey likes Yael, too for his daughter. Sino ba namang hindi matutuwa kay Yael?
"It's an honor to meet a great engineer like you, sir." Magalang na sabi ni Yael at bakas pa rin ang pagkamangha sa kanyang mukha.
Muling tumawa si papa. "What happened to the tito, Yael?"
Napakagat si Yael sa kanyang pang-ibabang labi at nahihiyang nginitian si papa.
"Ah, right, tito..."
"You know, I heard a lot from you. Madalas kang ikwento ng ama mo noon sa'kin hanggang sa matapos ang kontrata namin..."
Nahihiyang natawa si Yael. "I just hope that they're all good..." Pabirong sabi ni Yael. s**t, marunong pala siya no'n.
Ang atensyon ngayon dito sa hapag ay nasa kanilang dalawa ni papa.
"Well, I can say that your father and I can relate to each other... Nabanggit niya kasi na ayaw mong sundan ang kanyang yapak dahil pagiging isang Piloto ang nais mo. Nagkataon naman na parehas kami nang sitwasyon dahil ang panganay kong si Colton ay ayaw din sundan ang yapak ko, ayaw maging Civil Engineer. " Pagkukwento ni papa at pati mga mata niya ay nakangiti.
Natawa ng bahagya si Yael at napakamot sa kanyang batok.
Si Colton naman ay napangisi lang at uminom ng tubig.
Hinihintay kong sumagot si Yael pero panay lamang ang ngiti at tawa niya na may halong pagkahiya.
"Pero tingnan mo naman ang pagkakataon, ngayon ay naging magkaibigan pa sila... How did you two met? Naging magkaklase ba kayo?" Si mama naman ang nagsalita.
Maging ako ay napaisip do'n. What a bizarre coincidence. Bakit parang kahit saang anggulo tingnan at pansinin ay may koneksyon kami sa isa't-isa? It's as if our worlds were meant to collide from the very beginning.
I shook away my thought. What is this Beatrix? A teleserye? Drama-rama sa hapon? May girlfriend nga 'yung tao 'di ba!
"Ah, hindi po... Sa Manila po ako umattend ng Aviation School. We met because he once became my co-pilot and we work for the same airline."
"Ah, so hanggang ngayon ay nagiging co-pilot mo pa itong si Colton? I mean, paano ba ito... I don't understand how the aviation world revolves."
"Hindi, ma I was already promoted as a Captain. Hindi na 'ko pwedeng mag co-pilot... Pero mas naunang napromote si Yael sa'kin kaya naging co-pilot niya 'ko sa isang flight at kaya na rin naging malapit kami and shortly after that na promote din ako... " Si Colton na ang sumagot.
Yeah, I actually understand that. I remember Colton explaining that to me before...
Tumango-tango si mama. "May mga ganyan pa pala... Akala ko kapag naging piloto ka na ay hanggang gano'n lang. May mga ranggo pa pala 'yan."
"Pero kung yapak namin ang sinundan nila ay siguradong mataas na kaagad ang posisyon nila... Sayang lang ang mga nasimulan namin. Wala naman kaming pagpapasahan." Biro pa ni papa. I know that he's kidding. Kahit kailan naman ay hindi niya kami pinilit sa mga bagay na 'di namin gusto.
Binalingan ako nang tingin ni Colton.
"Ayan, pa, si Beatrix ipakasal mo sa isang engineer." Ngisi ni Colton. Ngayon naman ay nasaakin na ang atensyon.
Maging si Yael ay napatingin rin sa akin dahil sa biglang pangha-hot seat sa'kin ni Colton. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nang magkabila kong pisngi dahil sa atensyon na natatanggap ko.
"A-Ayoko nga!" Mariin kong tanggi.
"Akala ko ba may nagugustuhan ka ngayon? Civil engineering ang kurso hindi ba?"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at kaagad na tiningnan si Yael para makita kung ano ang reaksyon niya.
Nakatingin lang siya sa akin at mukhang nag-aabang ng sagot.
Nagsimula na akong pagpawisan nang malamig dahil pakiramdam ko walang tamang sagot... Parang lahat mali.
"K-Kanino mo naman nalaman 'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay at sinubukang tapangan ang mukha ko kahit na ramdam ko ang bigat sa mga titig ni Yael Salcedo.
"Hindi na importante 'yon."
Mariin kong kinagat ang labi ko at inirapan siya. Damn him! Bakit bigla niyang inilipat ang usapan sa'kin? At
sa lahat nang pagkakataon ay dito pa talaga! Ngayong nandito si Yael!
"Nanliligaw na ba iyon sa'yo? Bakit hindi mo siya imbitahan dito minsan, Beatrix? I would love to meet your suitors... Hindi naman ako istrikto sa mga ligaw-ligaw." Si Papa na mukhang interisado.
"Oo nga naman, Beatrix. Hindi ka nagsasabi may manliligaw ka na pala... Wala namang mali kung magpaligaw ka dahil graduating ka naman." Ginatungan pa ni mama.
Hindi ako makatingin kay Yael ngayon. Bakit ganito? Bakit ganito ang ikinikilos ko! Ako lang naman ang nag-iisip nang ganito dahil sa totoo lang ay wala namang pakialam sa akin itong si Yael Salcedo dahil may girlfriend na siya!
Maybe to him it was nothing but my heart couldn't help but to feel guilty... Pakiramdam ko mali ang ginagawa ko. Gusto ko na lang na lamunin na 'ko ng lupa ngayon!
"Mama, hindi... Walang nanliligaw sa'kin. I-Isa pa, h-hindi niya naman ako gusto." Sagot ko at uminom na lang ng tubig tapos ay matapang kong binalingan nang tingin si Colton para patigilin na siya.
Hindi ko alam pero hindi talaga ako natutuwa na nagbabanggit siya ng mga ganitong bagay sa harapan ni Yael. I don't like it! Naiinis ako! Pakiramdam ko ay naiipit ako.
"Paano kung nagustuhan ka? Panghahamon niya pa. Hindi ba talaga ito titigil?
"Will you drop it, Colton?" Inis kong sabi sa kanya.
He grinned at me. "Come on, sis... Answer me. Paano kung nagustuhan ka niya at bigla kang ligawan?"
"Hindi ko pa rin siya papapuntahin! Walang ibang lalaking pupunta dito, Colton! Hinding-hindi ako magpapaligaw! Happy? Now shut up!"
Bigla siyang natawa na para bang proud na proud pa siya sa sinabi ko.
"See? That's my sister! Kaya nga hindi ko na kailangang maging overprotective sa'yo sa takot na baka paiyakin ka lang ng mga lalaking natitipuhan mo. No man is capable of breaking your heart because you're the real heart breaker here, Trix... When they liked you back, you turn your back."
____________________________________
I am really making huge revision in every chapter... I hope you guys notice. :(