Chapter 6

2932 Words
Chapter 6   Cheap   Colton's words are like a sniper and I'm the target. It shoots straight to my guts... Para akong binuhusan ng isang plangganang punong-puno nang kahihiyan.   Hindi ako nakasagot at kitang-kita ko sa mukha niya na walang halong biro ang sinabi niya. He said that not to annoy me but so that he could state a fact.   Humigpit ang hawak ko sa aking kutsara at tinidor. "Bakit mo alam ang lahat nang iyan?" Matalim ang titig na ipinukol ko sa kanya.   I don't like the way he used the pieces of information the he got from whoever-the-f**k-his-spy-is against me. Naiirita ako dahil sa lahat nang pagkakataon ay ngayon niya pa ito naisipang banggitin!   "Because I'm your brother, Beatrix."   Natawa ako nang pagak. "No, Colton. It's because you're always sticking your nose in my life! Akala mo ba hindi ko alam? May mga mata ka para isumbong sa'yo lahat ng mga ginagawa ko! Anong akala mo sa'kin? Kriminal?"   Lahat ay biglang natahimik... Tanging mga mabibigat kong paghinga lamang ang aking narinig. Both of my cheeks are turning red in annoyance and embarrassment.   Heto na naman. Ipinapahiya ko na naman ang sarili ko. f**k me!   Colton's mouth slightly parted ngunit muli rin naman niyang itinikom ang kanyang bibig kasabay nang pag-igting ng kanyang bagang.   When no one dared to talk I did the best thing that I could do to save myself the humiliation... and that is to push my chair backwards, rise from where I'm seated, and walk away.   Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin nila mama ngunit 'di ko na lang pinansin. Nahihiya ako. Nahihiya ako kay Yael dahil kailangan niya pang makita iyon.   Nagmadali akong umakyat sa aking kwarto at pabagsak na isinarado ang pintuan. Pumikit ako nang mariin at tuminga saka isinuklay ang aking mg daliri sa aking buhok.   I bit my bottom lip. Every word that Colton said leaves this unexplainable pinch on my chest and ego.... Maybe it's because he was right.   Gano'n naman talaga 'di ba? Kapag pinupuna nila ang mga bagay-bagay sa'tin na hindi natin tanggap sa ating sarili ay nasasaktan tayo. When people smash the bitter truth about ourselves, our egos get bruised.     Noong grade 7 ako ay madalas akong magkagusto sa mga hindi ko kaklase dahil pakiramdam ko ay mas safe kapag ganoon.   Safe sa kahihiyan at hindi ko na kailangang mailang o kabahan sa tuwing nagrereport ako sa harapan.   Pero napaka ironic dahil ilang linggo lang ay kakalat na sa buong section na may gusto akong isang lalaki tapos ay makakarating iyon sa taong gusto ko.   And what always happen is they will try to hit on me the moment they know about my feelings towards them, they will start showing their interests in me.   And instead of being grateful I will start to lose interest. Their presence will start to irritate me. Hindi ko alam kung bakit gano'n. Hindi ko alam kung bakit ganito ako.   I don't like the idea of being liked back... I don't want to be the one who's being chased. I don't like knowing the end before it even begins. I want something unpredictable... something that could make my bones shake with excitement.   My mind and soul always crave for the wicked plot twist.   "f**k!" Pasalampak akong umupo sa may desk ko habang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang eksenang ginawa ko kanina.   Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Yael— Yael na naman! I silently groaned before reaching for my phone. Hindi dapat siya ay iniisip ko! Nasa Angeles na 'ko! Si Brody ang gusto ko!   Si Brody lang!   Why do I have to convince myself with what I'm really feeling inside? This never happened before... Kapag ayaw ko na sa isang lalaki, ayaw ko na. Hindi ko na ipagduduldulan pa sa sarili ko na siya talaga ang gusto ko.   Maybe I'm just confused... Madalas akong magpalit ng gusto ngunit kahit kailan ay hindi pa ako nagkagusto nang sabay. Oh, damn! I just admitted to myself that I'm into that pilot, didn't I?   I tried... I tried getting rid of his hot damn sexy features inside my mind but for some reason I couldn't! Bakit ba kung kailan may ipinipilit nating iwasan ang isang bagay ay iyon pa ang nangyayari?   Why does his face keeps on lingering on my mind? Pati ang kanyang amoy ay nakabisado ko na. When it comes to him I'm turning into a flashdrive sucking and storing all the pieces of information about him and there's no way you can reformat me. Putangina!   This whole f****d up situation is making me mad and frustrated. Sa lahat ng estrangherong nakita ko ay siya ang pinakatumatak sa'kin... lahat ng pagkatao ko ay inookupa niya hanggang sa wala nang matira para kay Brody.   I was never like this... Si Ryan ang huli kong nagustuhan bago si Brody. At madalas ko nang makita si Brody noong mga panahong gusto ko si Ryan at hindi niya ako pinapansin ngunit hindi ako nagkainteres kay Brody dahil si Ryan ang gusto ko sa kasalukuyan.   Nagustuhan ko lang talaga si Brody nang magsimula na akong mairita kay Ryan dahil sa pagiging clingy niya. Oo, madalas akong magpalit ng gusto pero hindi pa nangyari iyong may gusto ako sa kasalukuyan tapos ay maattract ako sa iba. Madali akong magpalit ng gusto but I can asure you na kapag may nagugustuhan ako, siya lang talaga... pero ngayon ay nagulo ang lahat.   I hate how this Yael Salcedo keeps on stealing the place of Brody without even doing anything! Pagdating sa kanya ay para akong isang alipin na walang kalaban-laban. Isang tingin niya lang ay handa akong sumunod at mawasak.   Captain Yael Salcedo you will be the end of me... He's giving me this rollercoaster feeling that my body is craving for. He's my lifeline and the cause of my death, there's no in between.   --   It was already 3 in the morning and my mind is tired but my senses are wide awake. Gusto ko nang matulog! I've been waiting for this sembreak to shut my mind off from the stress ngunit parang kabaligtaran ang nangyayari!   Naisipan ko na lamang lumabas ng kwarto upang uminom ng gatas. Maybe that will cool my mind off. Siguro naman ay makakatulog na ako pagkatapos kong uminom ng gatas.   Ilang oras na rin kasi akong paikot-ikot sa kama ko at naghahanap ng posisyon para matulog pero hindi pa rin talaga ako makatulog.   I hate to admit this but Yael is the number one cause of my insomnia.   Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin upang maalis siya sa isipan ko ngunit patungkol pa rin naman sa kanya ang mga iniisip ko. So ironic. So frustrating.   I silently went down stairs and made my way to the kitchen. I was just at the frame door when I saw silhouette of a man sitting at the bar counter. I nearly had a heart attack ngunit nang tinitigan ko ito ay napagtanto ko na si Yael pala iyon. He's wearing a plain grey shirt and a nike sports shorts.   Tanging ilaw lang ng buwan na nakasilip sa bintana ng kusina ang nagsisilbing liwanag niya. The moonlight illuminated his physique perfectly. It was so dramatic, like in a movie scene.   Both of his elbows are rested on the marble counter tapos ay may isang baso ng pineapple juice sa kanyang harapan.   Oh great. Just great. Alam mo kung minsan gusto ko na lang maglihim ng hiling sa tadhana dahil kung ano pa ang mga hinihiling mo ay siyang hindi niya tinutupad.   My soul jumped on my own skin when his head jerked towards my direction. Alam kong nakita niya ang pagkagulat kong iyon ngunit gaya nang madalas niyang ginagawa ay walang pakialam siyang nag-iwas nang tingin.   Ah gano'n? Two can play this game, Yael. Kung wala kang pakialam sa'kin ay wala rin akong pakialam sa'yo! Maraming gwapo sa mundo at mga piloto rin gaya mo!   I began taking poised and casual steps inside the kitchen. Palihim akong napasinghap nang madaanan ko ang nakatalikod na Yael upang mabuksan ang refrigerator. Sumindi ang ilaw no'n and I was tempted to look at him over my shoulders... Gusto kong makita kung ano ang hitsura niya kung ang liwanag na nanggagaling sa ref ang magsisilbing ilaw niya.   Mariin kong sinaway ang sarili ko. What was I thinking? He's not some kind of art for f**k's sake!   Kinuha ko na lamang ang isang low fat cowhead at isinara na ang pintuan ng ref. Nang maisara ko na iyon ay muli akong napaharap sa kanya na ngayon ay nakataligid sa akin.   Kaswal pa rin siyang nakaupo doon habang pinaglalaruan ang baso sa harapan niya gamit ang kanyang mga daliri... I suddenly felt envious how his fingertips brush on the glass gently. Ha, bullshit, Beatrix. Malala ka na talaga.   Naglakas loob akong lumapit sa kinaroroonan niya. Kumuha ako ng isang baso na nakalagay sa bar counter kahit meron naman no'n sa cupboard. My arm slightly brushed on the fabric of his sleeves and I gasped secretly.   Calm the f**k down, Beatrix, will you? Stay casual. Siguro kapag naging kaswal ka at pinkitunguan ka niya nang maayos at pinansin ay mawawalan ka na nang interes sa kanya. He's just one of the hundreds of challenges that you're craving for right?   Ipinatong ko ang baso sa ibabaw ng marmol na mesa na ilang pulgada sa kanyang braso.   "You should've turn the lights on para mas makita mo ang mga ginagawa mo." Kaswal kong sabi habang nagsasalin ng gatas sa baso ko.   Gusto kong saluduhan ang sarili ko dahil sa wakas ay naging buo ang aking boses.   "I can go on with or without seeing." Tipid niyang sagot at ni hindi man lang ako tinitingnan.   A laugh was trapped on my chest and it didn't escape from my lips. "That a pilot thing?" I found myself asking while twisting the cap back.   Tiningnan ko siya upang abangan ang kanyang reaksyon.   Ipinihit niya ang kanyang ulo sa akin saka nakangusong nagkibit balikat. His soft and deep piercing brown eyes bore into mine. Mataman lamang siyang nakatingin sa akin.   His stares are enough to put me in a place where I should be... out of his life. Sa paraan nang pagtitig niya sa'kin ay para akong isang boring o di kaya'y isang kasuklam-suklam na bagay.   "Ganyan ba talaga kagaspang ang pag-uugali mo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na maitanong.   How could he make me feel so low of myself? You know, I hate confrontations but I think it's time to face my fears. I'm doing a confrontation with this guy right now, right here in this kitchen!   Tinaasan niya ako ng isang kilay habang ang kanyang bagang ay naka-igting.   "Oh, wait... let me rephrase that. Ganyan ba talaga kagaspang ang pag-uugali mo sa'kin?"   Hindi nagtagal ay binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi at bahagyang yumuko habang bahagyang umiiling. I saw a smile formed on his lips— it's more like a mocking smile.   This whole reaction of him is like telling me how stupid I am to start a confrontation with him like this when in the first place ay wala naman siyang pakialam sa akin. He's treating me like I'm some ridiculous thing!   Naiinsulto ako dahil sa pagta-trato niya sa'kin nang ganito! Ni minsan ay hindi ako tiningnan ng isang lalaki sa paraan nang kanyang pagtitig!   "God gave you a tongue to use it in speaking... feel free to use it next time." Matabang kong sabi sa kanya at hinawakan ang baso ko na nasa ibabaw pa rin ng marmol na mesa upang kunin na sana at isama sa'kin paakyat sa kwarto ko ngunit muli lang akong natigilan nang tingnan niya ako nang diretso.   "I'd rather use my tongue in other ways, Beatrix. At ano ba ikinagagalit mo? Some people click, some people don't. And I don't really click with girls like you. Accept it, move on."   "Some people click, you're being a d**k!" Nagpupuyos ang damdamin kong ganti sa kanya. Kapal mo Yael Salcedo!   "At anong gusto mong palabasin? Girls like me? Bakit, anong klaseng babae ba ako sa paningin mo?!"   "Immature. Childish. Juvenile." Walang kaemo-emosyon niyang sagot. Napaawang ang bibig ko dahil 'di ako makapaniwala sa kanyang sinabi.   He's really aggravating the s**t out of me! And that's a good thing! Go on, Salcedo. Bwisitin mo lang ako hanggang sa iritasyon na lang ang maramdaman ko para sa'yo.   "You know, I really like you, Yael ngunit sa ipinapakita mo sa'kin? I might change my mind."   Umigting ang kanyang bagang saka niya ako nginisian nang simple ngunit puno nang angas. "Oh, so you like me now, huh? Bakit, Beatrix? Nag-uumpisa na bang magpakita ng interes sa'yo ang Civil Engineering student na kinahuhumalingan mo?"   Natigilan ako at mukhang napansin niya iyon. Pinakawalan niya ang basong pinaglalaruan niya mula sa kanyang mga kamay at ipinihit ang kanyang upuan at katawan paharap sa'kin. Ngayon isang braso na lamang niya ang nakapatong sa marmol na mesa.   Humigpit ang hawak ko sa baso ko at saglit niyang sinulyapan ang kamay ko na iyon bago muling ibinalik an tingin sa akin.   His stares are daring me to speak up but my brain and tongue failed me to do so.   Muli siyang napangisi dahil doon.   "You see, Beatrix, girls like you are attracted to the things that they can't have. You're obsessing over the things that are out of your reach but when you finally got them, you'd just dispose them to find another thing to obsess about. You're persistent but never consistent."   His words are like a wrecking ball, one hit and my ego collapsed juts like that. I've never felt insulted in my whole life... ngayon lang. Tangina niya!   That was a painful insult, I know, but it can also be true. At sa oras na ito? Mas nangingibabaw ang tapang ko kaya hinding-hindi ko siya aatrasan.   Ako lang naman ang nahihirapan dito kaya gagawin ko na ang lahat para mawala siya sa isipan ko. Kung totoo ang sinasabi niya then I have to do something to get rid of him!   Buong tapang ko siyang tiningnan. "If that's the case then do something to stop my obsession with you! You'll be doing us both a huge favor here. Tutal ay mukhang naiirita ka na rin naman sa'kin. I dare you, Yael Salcedo, kill this attraction that I have towards you."   He's been messing with my mind the first time I saw him. Ako lang ang nahihirapan dito. Ako lang!   Nakatingin lang siya sa akin at bawat titig niya ay ramdam ko ang bigat. Of course, I would just get another insult from him right? Baka nga hindi na childish ang itawag niya sa'kin kung hindi desperada na!   Umawang ang aking bibig nang bigla siyang bumaba mula sa pagkakaupo niya.   Ang buong akala ko ay lalayasan niya ako dito dahil sa pag-aakala na nababaliw na 'ko ngunit nagulat ako nang bigla niya akong itulak pasandal sa pintuan ng refrigerator. Gumalaw ang baso na hawak ko nang mabitawan iyon at positibo ako na umapaw ang gatas mula doon.   He placed his palms on my sides to trap me and then his eyes went up to me.   His soft brown eyes were just the total opposite of the color of his eyes because they aren't looking at me softly right at the moment. They're looking at me darkly and dangerously with his jaw firmly clenched.   My heart is just thumping on my chest. Sobrang lakas ng pagtibok nito at maging ako mismo ay naririnig ko na! My stomach is feeling something unexplainable and I can feel my throat losing moisture.   "Gladly, Beatrix." Seryoso niyang sabi habang nakatingin ang mga mata niyang malalalim at mabangis sa mga mata ko.   Wala pa rin akong ka ide-ideya kung ano ang binabalak niyang hanggang sa marinig ko na lang ang sarili kong pagsinghap dahil walang babala at kalaban-laban niyang sinunggaban ang aking mga labi.   Sa unang dampi pa lamang ng kanyang mga labi sa aking mga labi ay mapupusok at mararahas na halik na kaagad ang kanyang ibinigay sa'kin. I was still stunned while his lips continued assaulting my lips.   Hindi ito ang unang beses na nahalikan ako ng isang lalaki pero tila ba isa akong dalaga na nahalikan sa unang pagkakataon dahil hindi ko siya nagawang sabayan.   And I should be pushing him away, right? I should be because the kisses that he's giving me are harsh and disrespectful! Pero hindi ko magawa dahil para akong tuod na 'di makagalaw.   He forced his tongue inside my mouth and I felt my knees getting weaker and weaker. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mga mata habang hinayaan siyang gawin ang mga gusto niya sa aking mga labi. After brushing his tongue on my tongue he stopped and gave my bottom lip a hard bite before finally leaving my swollen and soppy lips. Napadaing ako dahil sa sakit at hapdi ng kanyang ginawa. Hindi ko alam kung ilang segundong tumagal ang kanyang halik ngunit hingal na hingal ako habang pinipigilan ang damdamin ko.   Maging siya ay hingal na hingal rin habang nakaawang ang bibig at masamang nakatingin sa'kin.   "Hope that helps..." He said mockingly before wiping my bottom lip using his thumb. His soft brown piercing eyes looked in mine for the last time before leaving me here... alone, dumbfounded, and cheap.   Nanghihina akong napaupo sa sahig at wala sa sarili kong hinawakan ang mga labi kong kakatapos lang niyang halikan at dinama ang pagtulo ng isang luha ko sa aking kaliwang mata. Beatrix Hayle Ponce de Leon, you are so cheap!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD