Chapter 7

3544 Words
Chapter 7   In Which Her Ass Was Involved   I woke up not feeling so light dahil hindi na ako nakatulog kagabi, tinanghali pa ako nang gising. I really don't like the feeling that I get everytime I oversleep. Parang imbes na maramdaman kong bawi ako sa tulog ay mas lalo pa akong nakakaramdam ng pagod.   "Ang tahimik ng bahay..." Puna ko dahil hindi ko naririnig ang boses ni Colton.   "Oo, umalis kasi sina Colton at Yael... Mag gi-gym daw." Sagot ni mama na kasalukuyang kasama si manang Sally. Abala na naman ang dalawa sa pagluluto.   "Kumain ka na, Beatrix... May natira pang omelette at longganisa sa may dining table. Mamaya pa maluluto itong sinigang na baka." Abalang sabi ni mama.   "Okay po..." Sagot ko na lang at nagtungo sa may fridge upang uminom ng cowhead ngunit saglit akong natigilan nang biglang pumasok sa aking isipan ang mga nangyari kaninang madaling araw. I remembered how a man who's committed to someone else kissed me. I remember how cheap I am.   "Ma..." Tawag ko bigla at ikiniling ang ulo ko sa gawi niya.       "Hmm?" She's still busy.   "Bakit nga pala nagsama si Colton ng kaibigan dito?" Pasimple kong tanong pero sa totoo lang ay medyo kinabahan ako nang itanong ko 'yon kay Mama. Baka kung ano kasi ang isipin niya. Dapat nga ay hindi na siya isinama ni Colton. Sana hindi na lang sila naging magkaibigan.   "Binili daw kasi ni Yael yung isang condo unit na katabi ng unit ng Kuya mo. Ngayon, ipinare-renovate kaya isinama na muna ng Kuya mo si Yael dito."   So, magiging magkapitbahay na sina Colton at Yael? Ibig sabihin kung pupunta ako sa unit ni Colton ay mas malaki ang posibilidad na makita ko siya?   Good... Now I don't have a reason to visit Colton in Clark. Hindi naman talaga namin siya dinadalaw doon dahil siya ang parati naming inaantay na dumalaw sa amin dito.   "Sana nag stay na lang sila sa unit ni Colton while waiting for the unit next door to be renovated." Sinubukan kong itago ang pagiging matabang ko sa aking boses ngunit parang lumilitaw pa rin.   "We should be grateful that your brother is here... Mabuti nga ay ito ang naisipan niyang gawin at hindi iyong naiisip mo."   "Yeah... right. Uhm. Anyway, magpupunta po ako sa bahay nila Jess mamaya. Baka may gusto kayong ipabili mamaya pag pauwi na ako."   Right. Pupuntahan ko na lang si Jess tapos ay babalik na lang ako mamayang gabi after dinner para sigurado na na hindi ko makikita si Yael Salcedo.   Sa wakas ay hinarap niya na ako. "Sembreak na sembreak mo bakit hindi ka pumirmi dito sa bahay?" Kunot noo niyang tanong.   "Wala rin naman akong ginagawa dito e. Sumasakit lang ang ulo kakahiga." Panganagatwiran ko. They won't let me do the dishes or clean the house dahil may mga katulong naman daw.   "No, h'wag ka munang magpunta kina Jess habang nandiyan ang kuya mo. Si Jess na lang ang papuntahin mo dito but if you really want to go out, do me a favor and go to the grocery for me." Aniya. Napangisi naman ako sa sinabi ni Mama. Mukhang umaayon ang takbo ng pagkakataon sa akin. Kahit hindi ako magpunta kina Jess ngayon ay makakaiwas pa din ako kay Yael.   "Sige, Ma. Pero ako na lang ang pupunta kina Jess bukas." Sabi ko.   "Bukas na ang alis ng Kuya mo at ni Yael. You should spend some quality time with your brother." Aniya. Kaya nga aalis ako bukas at babalik na lang ako kapag nakaalis na sila. Dapat lang na iwasan ko si Yael hangga't maari. I don't want to do or say stupid things that I will regret afterwards.   May nobya siya hindi ba? Kaya hangga't maari ay iwasan ko na siya. Kasi kahit na nagmukha akong cheap sa ginawa niya alam ko na deep down ay malakas pa rin ang epekto niya sa'kin. Ang sabi niya ay tutulungan niya akong makalimot pero sa ginawa niya ay parang lalo lamang akong nasiraan ng bait.   Isa pa, ayoko rin namang makasira. Kasi kung ako ang magkakaroon ng boyfriend and if I found out that he's kissing girls behind my back, ipapasagasa ko siya sa eroplano na minamaneho ni Colton.   "Saglit lang naman ako, Ma. Kaysa naman si Jess ang papuntahin ko dito habang nandiyan si Colton eh 'di nagsabong na naman ang dalawa." pangangatwiran ko.   "'Kuya' nga ang itawag mo sa Kuya mo, Beatrix. Pati kay Yael." Suway niya saakin. Napangiwi ako. Kuya? Si Yael?   A brother's friend shouldn't be kissing his friend's younger sister. At hindi ko iku-kuya ang lalaking hinalikan ako.   "Ma, paki lista na lang ang mga kailangan kong bilhin. Maliligo lang ako." Pang-iiba ko ng topic.   "Okay. Bilisan mo, ha?" Aniya. Tumango na lang ako at patakbo na umakyat papunta sa kwarto ko.   --   Siguro ay tatlong oras din akong namamalengke dito dahil sinasadya ko talagang bagalan at isa pa, marami-rami din kasi ang nasa listahan ni Mama. Kumuha na rin ako ng mga kakailanganin ko na wala sa listahan tulad ng toothbrush, napkin, shampoo, and conditioner.   Nang makumpleto ko na ang nasa listahan ay pumila na ako sa counter. Pumila talaga ako kung saan maraming nakapila.   Noon ay naiirita ako sa tuwing mahaba ang pila at hindi ko akalain na darating ang araw na nagpapasalamat ako sa mahabang pila sa counter.   Hindi ko na nabilang kung ilang minuto akong nakapila doon and now it's my turn. Isa-isa kong inalis sa cart ang mga pinamili ko while the cashier is doing her job and her back up is packing all that I bought. Nang lumabas na yung total ay kaagad kong kinapa ang bulsa ko para kunin 'yung pera na pinadala ni Mama.   Lahat ng bulsa ko sa shorts ay kinapa ko na pero wala pa rin talaga! Napatapal ako sa noo ko nang maalala ko na hindi ko pala iyon nakuha kaninang ipinatong ko sa may drawer sa sala. Tangina! Natusta na ba ang utak ko dahil sa init ng mga halik niya?   "Ma'am, may problema po ba?" Tanong ng cashier. Nahihiya ko siyang tinignan at pinagpapawisan pa ako nang malamig.   "Miss, I'm sorry. Pa hold muna yung mga pinamili ko. Ipapahatid ko lang yung pera sa Mama ko." Hingi ko ng pasensya. Tumingin ako sa likod ko, may babaeng mga kasing edad ko na nakapila rin at maraming pinamili. Mukhang kanina pa nga inip na inip.   "Okay po, ma'am." Sabi no'ng cashier at tinignan yung babae na nakapila sa likod ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinuha ko na ang phone ko at kinontact si Mama. Naipunas ko pa ang pinagpapawisan kong palad saaking shorts habang hinihintay na sumagot si Mama.   "Hello, Ma!" para akong nabuhay nang sagutin niya ito.   "Tsk! Naiwan mo yung pera." sabi niya kaagad at alam na alam na niya kung ano yung itinawag ko. Napakamot ako ng ulo.   "Kaya nga, Ma e. Sorry." Nahihiya kong sabi.   "Sige na, sige na. Ipinadala ko na diyan. Hintayin mo na lang." Aniya. Nakahinga naman ako ng maluwang.   "Thank you, Ma." I said, relieved.   "Sige na." Iyon lang ang sinabi niya at siya na ang nagbaba ng tawag. Muli kong tinignan 'yung cashier.   "Miss, ipapadala na daw. Pasensya na talaga." Nahihiya kong sabi. Ngintian niya ako at tinanguan. Muli kong nilingon yung babae sa likod na kasalukuyang tinitignan ang wrist watch niya. Ang sarap niyang irapan pero hindi ko na lang ginawa dahil ako naman ang may kasalanan dahil sa katangahan ko. Tumingin ako sa may entrance ng supermarket para tingnan kung nandiyan na ba si Colton o baka si Manang Sally. Either of the two.   Muli kong kinuha sa bulsa ang phone ko at nag simulang mag type ng message kay Mama para itanong kung anong oras niya ipinadala yung pera. Nahihiya na kasi ako dahil lalo kaming tumagal dito.   Pero pera na lang naman kasi ang hinihintay and we're good. Habang nagta-type ako ng message ay panay pa rin ang sulyap ko sa may entrance.   Nagbalik tingin pa ako nang may isang pamilyar na lalaki ang papasok ngayon sa entrance.   Biglang nagawala ang puso ko at napanga-nga ako nang makita ko si Yael na palinga-linga rin at mukhang may hinahanap.   He's just wearing a white shirt, navy blue sweatshorts, and black flipflops. Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin. Wala siyang reaksyon sa kanyang mukha. Nakita ko pang napabuntong hininga siya sa malayuan nang makita na niya ako at mabalis na naglakad sa gawi ko.   Nang makalapit na siya sa akin ay kaagad niyang dinukot sa bulsa niya yung pera at iniabot sa akin. Hindi ko na siya kinausap pa at kaagad ko ng hinarap yung cashier at iniabot ang bayad.   "Sorry for the inconvenience." I apologized again.   Ngumiti yung cashier at saglit na sinulyapan ang lalaking nasa tabi ko bago ako muling tinignan at nginitian. "Ayos lang ma'am." sagot niya.   Habang nagbibilang siya ng isusukli saakin ay tinignan ko yung babae sa likod na inip na inip na kanina.    Biglang kumulo ang dugo ko nang tila ba parang nawala ang pagkabagot sa mukha niya at panay ang titig niya aa lalaking nasa tabi ko.   Tiningnan ko si Yael para i-check kung tinitignan niya rin ba yung babae pero napagtanto ko na ako pala ang tinitingnan niya. Imbes na ma relief ako ay lalo pa akong kinabahan doon.   Nag-iwas ako kaagad ng tingin at kinuha na yung sukli at resibo sa cashier. Nauna ng naglakad si Yael palabas ng counter at tumulong na doon sa lalaki para ilagay yung mga pinamalengke ko sa cart.   Napamura ako sa aking isip. I can't believe he's here. Bakit siya inutusan ni Mama dito? Bakit kung sino pang iniiwasan ko?   Nang matapos na sila ay tiningnan niya ako at sinenyasan na umalis na kami. Napakagat ako sa ibabang labi ko at pumunta na ako sa gawi niya.   Siya na ang nagtulak ng cart at tumigil kami saglit doon sa may exit para ipa-check sa guard yung mga pinamili ko.   Nang maibalik na sakin yung resibo ay tuluyan na kaming lumabas. Sinalubong ako ng init ng tirik na tirik na araw. Napakunot ang noo ko pero sinundan ko lang siya. He's pushing the cart while I'm following him from behind.   Tumigil kami sa sasakyan ni Colton na nakapark. Dinukot niya ng susi sa bulsa niya at pinatunog ang sasakyan bago binuksan ang likod.   Isa-isa niyang sinasampa sa likod ang mga pinamili ko at tinulungan ko na siya. Dahil puno na ang dito sa may bandang harapan ay medyo napatuwad pa ako para mailagay sa dulo yung isang plastic ng pinamili ko.   Muli nanamang nagtama ang mga braso namin. He stopped for a while and looked at me.   "Ako na dito. Pumasok ka na sa loob." Sabi niya at iniabot sa akin ang susi. "Turn on the AC..." Utos pa niya. He still looks firm and casual, parang walang nangyari kagabi.   "I-It's okay, I'll help. Para matapos na agad." protesta ko. Ang dami-dami rin kasi nitong mga pinamili ko. Naabala na nga siya hindi ko pa tutulungan...   He clicked his tongue at looked at me, annoyance starting to invade his features.   "Ako na nga sabi. You're just making a scene." Sabi niya. Kunot noo ko siyang tiningnan. Kailan pa gumagawa ng eksena ang pagtulong?   "What scene?" I asked,  full of confusion.   "Boys over there are looking at your bum." He said through clenched teeth. Awtomatiko namang nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya at napatingin doon sa mga lalaking sinasabi niya. Ngayon ko lang na realize na siguro tiningnan nila nang mapatuwad ako kaninang tinutulungan ko si Yael.   Nang makabawi ako sa pamumula ay muli ko siyang tinignan ng diretso. "Hayaan mo, hindi naman nila makukuha." sabi ko. What's big deal the about it? I already wore thong bikini bottom on the beach before. Ano pa kaya itong shorts ang suot ko at hindi naman talaga kita?   Pinangkitan niya ako ng mga mata at sa hitsura niya ay parang gusto na niya akong isako at ipasok sa loob ng kotse para hindi na ako makapalag.   "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? You're not a brother, Beatrix. You don't understand the feeling of seeing your sister being checked out by some assholes. What do you think Colton would feel if he sees someone checking on his sister's ass? Kung sa kapatid ko ginawa 'to kanina pa 'ko nanapak."  Seryoso niyang sabi habang matiim na nakatingin sa akin.   He's saying 'ass' like it's the dirtiest word in the world. I was surprised that he have a sister pero mas nangingibabaw ang takot ko dahil sa dilim ng kanyang mukha.   "A-alright, alright." I surrendered nervously as I snatch the keys from his hand.   Sumakay na ako ng front seat and I let him do what he wants. I want to think that he's being protective of me but who am I kidding? He's just being a good friend to Colton. He's just doing the things that Colton couldn't while he's not around. At isa pa, may girlfriend siya. I shouldn't forget that.   Hindi na ako naghintay ng matagal dahil ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan ng driver's seat at umupo na siya doon. Nakakunot pa rin ang noo niya dahil siguro galing siya sa initan o baka sadyang irita lang siya sa presensya ko.   Hindi siya nagsalita at inistart na ang sasakyan. Hanggang sa makaalis na kami ng tulyan sa supermarket ay hindi pa rin siya nagsasalita.   "Salamat nga pala sa pagpunta. Pero sana si Colton na lang ang pinapunta mo." I'm grateful that he went there just to hand me the money at ngayon hindi na ako kailangang balikan ng driver dahil dumating siya pero kung labag naman sa loob niya ay hindi na dapat siya nagpunta pa.   "Naliligo pa si Colton nang makita ng Mama mo na naiwan mo yung pera." Paliwanag niyang hindi detalyado pero sapat na para maintindihan ko.   Siguro ay pagkadating nilang dalawa galing sa pag g-gym nila ay naligo na sila at naunang natapos si Yael. Ang tagal pa namang maligo ni Colton, akala mo dalaga siya e.   Pero hindi rin mabuti 'yong naliligo sila kaagad matapos nilang mag-pagod. Dapat sana ay nagpahinga sila kahit ilang minuto lang para hindi nabibigla yung katawan nila.   "You know, you two should at least waited for 20 minutes before taking a shower to avoid health risks." I said.   "We did." Tipid niyang sagot at muli na namang napuno nang katahimikan.       "May kapatid ka pala." Sabi ko na lang. Wala akong pakialam kung mairita pa siya, hindi ako makakatulog kakaisip kung ano ba yung kapatid niya, kung isa lang ba, kung kasing edad lang ba siya ni Cole, o ano.   Hindi niya ako tiningnan pero tumango lang siya. This is just a casual conversation. Walang malisya.   "Bata lang ba?" Nakangiti kong sabi. I can picture her little sister in my head. Kamukha siguro siya ni Yael.   "Dalaga na. Kasing edad mo siguro." Nakita ko naman ang pag-iiba ng eskpresyon niya. Biglang nawala ang pagkakunot ng kanyang noo. Looks like he has this soft spot when it comes to her sister. Si Colton kaya ay ganyan din saakin? I doubt it. Gago yon e. Pinahiya nga ako kagabi sa hapag kainan.   "Talaga? Anong course niya?" Hindi ko tuloy maitago ang tuwa sa boses ko. Ano kaya ang hitsura ng kapatid niya?   He glanced at me and raised one brow before answering me. "Architecture." Aniya at muli ng ibinalik ang tingin sa daan.   "Wow. Gusto ko din ng Architecture noong junior ako, pero hindi ako magaling mag drawing. Tsaka narealize ko no'ng senior ako na nursing talaga ang gusto ko." Pagkukwento ko. Iniisip ko pa lang kasi no'ng senior ako na magsusuot ako ng puti at nasa hospital ako ay natutuwa na ako.   "Hindi mo itutuloy?" Tanong niya at nag-igting pa ang bagang niya habang diretso ang tingin sa daan. Para ba'ng gusto niya ulit bawiin yung tanong niya pero wala na, nasabi na niya. Napangisi ako.   "Ng doktor?" tanong ko kahit alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Hindi siya sumagot o kahit tumango man lang. I cleared my throat at tumingin na lang din sa daan.   "Gusto ko sanang ituloy ng Pediatrician, pero masyado namang matagal." Pagtutuloy ko kahit hindi niya ako sinagot ng 'oo' o 'hindi' kanina. 10 years? Magkaka-anak pa kaya ako no'n?   "Kung gusto mo talaga mabilis lang ang sampung taon. Masyado ka lang mainipin." Aniya. Sa parte niya siguro ay nasasabi niya na mabilis ang sampung taon dahil tignan mo naman, isa na siyang piloto. Nakuha na niya ang trabahong gusto niya.   "Hindi naman sa gano'n. Gusto ko kasing magtrabaho kaagad." sabi ko. Lalo na ngayong graduating na ako, mas lalo akong nai-inspire dahil mas masarap sa pakiramdam kapag ikaw na ang nag-aabot ng pera sa mga magulang mo. I mean, alam ko naman na hindi nila kailangan ng pera ko, I just wanna show my gratitude to them.   Muli ko siyang tinignan para hintayin ang sagot niya pero hindi na siya muli pang nagsalita at binasa na lang ang kanyang pang-ibabang labi niya. Napakurap ako doon sa ginawa niya at kaagad na nag-iwas ng tingin.    Nakalimutan ko na naman na may girlfriend siya! Pati ang pagka-irita ko sakanya ay nakalimutan ko rin sa isang iglap lang.   He's a pilot and his girlfriend is a flight attendant. They're just so perfect for each other. At ako? Panggulo lang ako. I should know my place. Kahit na nakakalimutan ko ang lahat kapag nandiyan siya ay mali pa rin na magustuhan ko siya.   Maayos naman kasi ang lahat nang hindi ko siya nakita e. Hindi ba dapat si Brody ngayon ang gusto ko? Dapat siya ang naiisip ko. Dapat hindi ako nagpapaka cheap at nagpapakabaliw sa isang pilotong may nobya na. At isa pa, he's way older than me. Ilang taon ba ang tanda niya saakin? Five years? Six years? I should be liking guys same as my age... at yung mga single dapat.   Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa bahay namin. Nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin ay kinalas ko na ang seatbelt na suot ko. Saktong bababa na sana ako nang marinig akong nag ring.   Akala ko nga ay yung phone ko iyon pero napagtanto ko na kay Yael iyon dahil kasalukuyan niyang inislide yung screen ng phone niya at sinagot ang tawag. Hindi siya nagsalita at parang hinihintay na magsalita ang tao sa kabilang linya.   "Honey..."   I bit the inside of my cheek after hearing his endearment to his girlfriend. Hindi pa sila tapos mag-usap pero walang sabi-sabi ay kaagad na akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko nga magawang tumingin sa kanya knowing that he's talking to his girlfriend. How could he talk to her casually after kissing another girl?   "Tulungan ko na kayo..." Si Colton ang bumungad sa akin na kakalabas lang. Narinig niya siguro ang tunog ng sasakyan.   Nagkibit balikat ako. "Salamat." Walang gana kong sabi at nagtungo sa likod ng sasakyan niya. Sumunod saakin si Colton. Sinubukan kong buksan ang pinto.   "Ayan." Sabi ko na lang at akmang aalis na pero hinarangan niya ako. Inis akong nag-angat ng tingin sakanya.   "Galit ka sa'kin?" Aniya.   "Ba't ako magagalit?" Bwisit kong sabi. Nakakainis, paharang-harang pa siya e gusto ko nang pumasok dahil ang init-init dito sa labas!   "Sorry na..." Paglalambing niya. Unti-unti namang lumambot ang ekspresyon ko at biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Biglang naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko.   Nando'n na 'yung disappointment sa sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili ko na magpahalik sa lalaking may girlfriend na, nando'n din yung pagka overwhelm dahil nag so-sorry si Colton sa ginawa niya no'ng isang gabi.   "Dapat hindi ko sinabi 'yon, alam ko na napahiya ka. You're my sister and I should be always on your back kasi kapag ako ay pinagtatakpan mo ako- at kahit na hindi mo pa ako pagtakpan dapat hindi ko sinabi 'yon. That was below the belt. I'm sorry, Trix."   Kumawala ang isang luha sa kabila kong mata pero kaagad akong tumingala para pigilan ang tuluyan kong pag-iyak.   "Ugh! Damn you!" gigil at natatawa kong sabi para h'wag akong tuluyang maiyak. Tumawa lang siya at hinila ako para yakapin.   "Love you too." Natatawa niyang sabi. I hugged him back at ilang sandali lang ay siya na ang unang kumalas. Nagkatinginan kami.   "Let's not do that again." Nakangiwi niyang sabi at parang hindi pa siya makapaniwala na niyakap niya ako.   Tumawa ako. "True." I agreed.   Nawala ang mga ngiti ko nang makita ko si Yael na kanina pa yata nakatingin saamin. Tinignan ni Colton kung sino ang tinitignan ko at nang makita niya ang kaibigan niya ay kaagad niyang nilapitan ito. Hindi na siya nakaharang sa harapan ko kaya naglakad na ako pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ng nagsalita si Colton.   "Thanks for saving my sister's ass there, Yael..."   Namilog ang mga mata ko at nagkatinginan kami ni Yael. Alam ko wala namang ibang ibig sabihin ang sinabi ni Colton pero may nangyari din kasi kanina in which where my ass is involve.   Nag-iwas nang  tingin si Yael.     "No big deal..." Sagot niya. Tuluyan na akong naglakad paalis at narinig ko pa na nag-usap ang dalawa habang ibinababa ang mga pinamili ko kanina.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD