Chapter 8
0 0 0 0
Kasalukuyan kong kausap si Mama habang nasa dining area kami nang biglang pumasok sina Colton at Yael dala-dala ang mga pinamili ko kanina. Habang inilalapag nila yung mga plastic bags nalipat ang atensyon ni Mama kay Yael.
"Yael, salamat nga pala hijo at pinuntahan mo si Beatrix kanina. Bisita ka dito pero nautusan pa kita." Sabi ni Mama at sinulyapan ako nang may kaunting sama ang tingin.
Napasimangot naman ako. Hindi ko naman sinasadya na nakalimutan ko yung pera.
Tumigil saglit si Yael at nginitian si Mama. "Wala pong problema, tita." Sagot ni Yael at itinuloy na ang ginagawang paglapag ng mga plastics sa mesa.
"Ako na sa box." Presinta ni Colton kay Yael. Tumango lang si Yael at lumabas na si Colton para kunin yung isang box na natitira sa likod ng FX ni Colton.
"Beatrix, ilagay mo na sa cabinet yung mga de-lata." Utos ni Mama nang mailapag na ni Colton sa baba yung isang box na puro de-lata ang laman.
Halos condensed milk at evaporated milk ang mga nando'n dahil mahilig si Mama sa desserts. Kumuha ako ng upuan at itinapat sa may cabinet dahil masyadong mataas yung cupboard at hindi ko iyon abot.
Si Colton naman ay naging maagap at inaabutan ako ng mga de-lata para hindi ko na kailangang mag akyat-baba sa upuan na sinasampahan ko.
"Magtira kayo ng mga tatlong condensed milk at isang evaporated milk. Pati yung fruit cocktails h'wag niyo nang isampa. Gagawa ako ng crèma de fruta." Bilin ni Mama sa amin ni Colton.
Napakamot pa ng ulo si Colton dahil halos naisampa na naming yung mga sinabi ni Mama e. Muli kong kinuha ang mga iyon sa cabinet at iniabot kay Colton.
"Kumakain ka ba ng gano'n hijo?" Pahabol pa na tanong ni Mama kay Yael.
"Opo," narinig kong sagot ni Yael. Hindi ko siya matingnan dahil itinutuon ko talaga ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Sira ang can opener natin, Helen. Kutsilyo na lang ang ipagbubukas ko ng mga de-lata." Dinig kong sabi ni Manang Sally.
Naku, matanda na pa naman si Manang Sally at mahina na ang mga kamay niya at baka masugatan pa siya. Sasabihan ko sana si Colton na siya na lang ang magbukas para kay Manang Sally pero naunahan na ako ni Yael.
"Ako na lang po, Manang Sally." Presinta ni Yael.
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang mga ngiti ko pero kaaagad ko din naman iyong piniling nang maisip kong may girlfriend nga pala siya at kausap niya pa lang ito kanina sa phone niya.
Binalingan ko nang tingin si Colton para humingi pa ng de-lata na inaabot niya and then I found him looking at me with confusion.
"Ano?" patay malisya kong sabi.
"Anong 'Ano'?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Ewan ko sayo." Sabi ko na lang.
"Ah!" sabay kaming napatingin ni Colton nang marinig namin ang mahinang daing ni Yael. Kasalukuyan niyang hawak-hawak ang index finger niya at hindi ko alam kung pinipisil niya ba ito o sadyang malalim lang ang sugat niya.
"Ayos ka lang, hijo?"
Kaagad akong tumalon mula sa upuan na sinasampahan ko at nilapitan siya. Tumabi naman si Mama at Manang Sally para bigyan ako ng daan.
"Let me see." Sabi ko at kinuha ang kamay niya para inspeksiyonin ito. Small cut, deep wound.
"Wala lang 'to." Sabi niya at sinubukang bawiin ang kamay niya pero mariin ko itong hinawakan. Wala raw e ang lalim ng sugat! Sinulyapan ko yung kutsilyo na ginamit niya at nakita ko na medyo may kalawang na ito.
"Beatrix, I'm fine. Really." Aniya.
"Tsk!" I clicked my tongue at hinila ko siya papunta sa may lababo para hugasan ang kamay niya.
"I can do it." Sabi niya at marahang binawi ang kamay niya mula hawak ko at siya na ang naghugas nito.
Medyo napapangiwi pa siya dahil sa hapdi. Alam ko na pinapanuod nila kami ngayon kaya tuluyan ko na silang hinarap para h'wag silang magduda.
O baka hindi naman talaga sila nagdududa sa naging reaksyon ko dahil alam naman nilang nursing student ako at ako lang ang nag-iisip sa sarili ko na may kaduda-duda?
"Ma, may kalawang na 'yong kutsilyo." I inform them.
"Really? Hindi namin napansin ni manang Sally!" Gulat na sabi ni mama at binalingan nang nag-aalalang tanong si Yael.
"Pasensya na, hijo... Nasugatan ka pa tuloy."
Ikiniling ni Yael ang ulo kay mama at matipid na ngumiti. "Wala poi to..."
"Ipatingin mo na kay Beatrix 'yan, Yael. Baka ma-infect ka pa." Si Colton na ang nagsalita habang naka-pamewang na nanonood saamin.
"Hindi na. Malayo 'to sa bituka." Tanggi ni Yael. Binalingan ko siya ng naniningkit na mga mata.
"Say that to the tetanus..."
Kinunotan lamang niya ako ng noo. I sucked an air in and looked at him in the eyes.
"Bakit ba parang mas takot ka pa sa'kin kaysa sa maari mong makuha diyan sa sugat na iyan? It's not like I'm gonna eat you." Medyo naiirita ko ng sabi
I'm a nursing student at may alam ako sa first aid tapos tumatanggi pa siya. I'm just doing what I have to do. Medyo lumawak ang mga mata niya sa sinabi ko at namula pa siya ng kaunti.
Hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan dahil nandito ang Kapatid at Mama ko at nanonood saamin o ano. Ah basta, hindi na ako interisado na malaman iyon.
"Fine." He surrendered. Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran na sila para kunin ang first aid kit sa kwarto ko.
Nagulat ako nang sumunod siya sa likod ko. Dapat sana ay hinintay na lang niya ako doon. Hindi na ako pumalag at hinayaan na lang siya. Tumigil kami sa tapat ng pintuan ng kwarto ko at binuksan ko na ang pinto. Pagpasok ko ay hinarap ko siya ngunit nakatayo pa rin siya sa labas at kunot noong nakatingin saakin.
"Dito?"
"Kukunin ko lang sana yung first aid kit. Dapat sana doon na lang pero ikaw itong sumunod e," sabi ko. Nag-igting naman ang kanyang bagang at hindi nakatakas sa akin ang pamumula niya. The f**k? He's such a blusher.
I bit the inside of my cheek to prevent myself from smiling. Nakakainis! Bakit ba kapag sa kanya ay ang dali-daling mawala ng pagkairitra ko?
"Babalik na lang ako sa baba. Doon na lang kita hihintayin." Sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"What's the difference? Kahit saan naman kita lapatan ng first aid ay makakaramdam ka pa rin ng hapdi." Medyo nang-aasar kong sabi.
"It's not that." Medyo inis niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay habang nagpipigila ng tawa. "Then what is it?—Oh, don't tell me dahil sa tingin mo ay hindi magandang nakikitang pumapasok ang lalaki sa kwarto ng isang babae?"
Hindi niya ako sinagot pero sapat na iyon para malaman kong tama ang sinabi ko. Oh God. Tuluyan na akong natawa nang bahagya sabay iling.
"Seriously, Yael? We're living in the 21st Century! Ang mga magkakaibigan nga lang ngayon ay nagtitikiman na."
Umigting ang kanyang bagang habang matiim na nakatangin sa akin na naging dahilan upang matahimik ako.
"I-It's true... I-I'm just trying to make you realize na wala naman tayong ginagawang m-masama." Kinakabahan kong bawi.
"Out of the way, I'm going in." Napatanga ako at napalunok sa sinabi niya. Damn! That smoky voice managed to make his sentence sounds sexy! f**k! Kaagad kong kinompose ang aking sarili at tumabi upang papasukin ang aking pasyente.
Pinaupo ko siya doon sa may tukador at kinuha yung first aid kit ko sa isang drawer.
"Your hand." sabi ko. Walang gana niya itong ibinigay sa akin. I just disinfected it using dextrose. Pansin ko ang pagtataka sa mukha niya na pilit niyang itintago ngunit hindi naman nakatakas sa'kin.
"It's not safe to put alcohol directly to the wound... mas lalo lang kasing lalalim. Dextrose at betadine ang mas advisable." I explained while briefly glancing at him.
Hindi naman siya umimik kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawa ko.
Maliit lang yung sugat sa index finger niya pero malamim ito. I'm standing in front of him while he's sitting. Nakaupo na nga siya pero hanggang collarbone ko pa ang ulo niya.
Siguro noong nagpaulan ng tangkad ang Diyos pareho silang nagtatampisaw ni Colton. This man could break me if he would want to... body and soul.
Mabuti na lang at hindi ako nanginig habang hawak-hawak ko itong kamay niya, e.
Habang dini-disinfect ko ito ay palihim ko siyang sinusulyapan para makita ang reaksyon niya. Tiim bagang lang siyang nakatingin sa kung ano ang ginagawa ko.
Nang matapos ko iyong idisinfect ay kinuha ko ang isang band aid na my design na hearts. Hindi ko pa nagagamit ito. Binili ko lang ito dahil na cute-an ako.
"All done." nakangisi kong sabi. Inangat niya ang daliri niya sa ere habang nakakunot ang noo niya at pinagmamasdan ito na para bang may alien sa kamay niya. Bakit? Ayaw ba niya ng hearts?
Sa bandang huli ay napabuntong hininga na lang siya at napakagat sa ibabang labi. I'm glad he didn't protest.
"Salamat." iyon lang ang sinabi niya at tumayo na. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita pa dahil mabilis siyang umalis sa kwarto ko. Bumuntong hininga na lamang ako. He's so out of reach.
Like an airplane to the blue sky, he's so fascinating to look at but way too out of reach and so rapid to pass by. Isang kurap mo lang maaring wala na siya.
--
"Umiinom ka ba, Yael?" Biglang tanong ni Papa. Kakatapos lang naming mag-dinner at kinakain namin ngayon ang crema de fruta na ginawa ni Mama (at naging dahilan ng pagkasugat ni Yael) bilang dessert.
Saglit na tumigil si Yael sa pagsubo niya. Kitang-kita ko mula dito sa harapan niya ang index finger niyang mayroong band aid. Hindi niya pa din inaalis. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ano naman ngayon, hindi ba? Is it big deal? No. Of course not.
"Moderate po." Sagot niya habang nakatingin kay Papa then he ate the last piece of his dessert. Kaya pala nakakalimang martini na ako no'ng nasa Boracay tapos siya ay hindi pa niya nauubos ang kanyang whiskey.
"Mayroon pa akong whiskey doon. Ayos lang ba na tulungan niyo ako ni Colton na ubusin iyon?" Papa asked.
"Oo naman, Tito. Walang problema." Of course he'll say yes. He can't say 'no' to my parents. Saakin lang naman siya palaging humi-hindi.
"May coke pa ba sa ref, Ma?" Tanong ni Colton kay Mama. Colton likes his whiskey with coke.
"Meron pa yata. Tingnan mo mamaya." Sagot niya kay Colton.
Nang matapos naming kumain ng dessert ay yung tatlo ay kaagad na tumayo.
"Colton, kunin mo na lang yung whiskey. Alam mo naman kung nasaan 'yon." Utos ni Papa kay Colton.
Tumango naman ito at pinagpatuloy na ni Papa ang pakikipag-usap kay Yael habang papalabas sila.
Sigurado ako na sa veranda ang punta nila.
They could go in the lanai pool area too kung gugustuhin nila. Ang kaso walang tubig ang pool.
Madalang na lang mabigyan simula nang mag college si Colton dahil palaging busy at wala na akong kasamang mag swimming doon.
But sometimes, my cousins and I would take a dip there. Kung minsan ay si Jess ang kasama ko pero sobrang dalang na lang talaga dahil mas gusto pa naming mag bar.
That was my favorite spot in this lot. Sayang nga lang at hindi makikita ni Yael ang ganda nito. Pero sigurado naman ako na mayroon pa siyang mas magagandang tanawin na nakita.
Si Colton ay ginawa na ang inuutos ni Papa at kumuha pa siya ng bucket of ice. Ako naman ay tumulong na lang sa pagligpit ng mga pinagkainan namin kahit na sinabihan ako ng kasama naming sa bahay na h'wag na.
"Beatrix, pagkatapos mo diyan magdala ka ng tatlong baso sa veranda." Utos niya sa akin habang bitbit sa dalawang kamay ang whiskey na kaunti lang ang bawas,bucket of ice, at coke.
"Ano?" I said with a straight face.
"Please." He added while rolling his eyes. Alam niya kasi na iyon ang kulang sa pag-uutos niya kanina.
I grinned. "Okay." Sabi ko. Napailing na lang siya bago tuluyang umalis.
Pagkatapos kong tulungan sina Manang Sally ay sinunod ko na ang utos ni Don Colton. Nagdala ako ng tatlong baso na pinilit kong ipagkasya gamit ang mga kamay ko. Papalapit pa lang ako doon ay dinig na dinig ko na ng boses ni Papa.
"Ahh, so my Beatrix and your sister are just in the same year then?" biglang kumalabog ang puso ko nang marinig ko iyon. Pinag-uusapan ba nila kami no'ng kapatid niya?
I calmed myself at patay malisya akong nagtungo sa veranda ng tuluyan. Inilapag ko sa mesa ang mga basong dala ko. Ramdam ako ang tatlong pares ng mga mata na nakatitig sa'kin pero isang pares lamang ang may kakayahan na pakabahin ako ng ganito.
"Speak of the bad girl and the bad girl shall appear." Dinig kong komento ni Colton. Nag-angat ako ng tingin sakanya para irapan lang siya.
Humalakhak naman ang Papa ko.
"You should bring your sister some other time. Ipakilala mo kay Beatrix nang mabawasan ang paggigimik." Pabirong sabi ni Papa.
I frowned. "Pa naman..." Sabi ko na lang. Sinulyapan ko nang mabilis si Yael na ngayon ay tipid lamang na nakangisi habang nakatingin sa akin. Mabilis din akong nag-iwas nang tingin sa kanya dahil narinig ko na ang sunod na banat ni Colton.
"That's a good idea, pa. Isama mo na rin si Jess nang magtino naman siya."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Si Jess na naman ang nakita mo." Puna ko. "Alam mo kung hindi lang kita kilala iisipin kong gusto mo siya."
Simula kasi elemntary pa lang kami tapos si Colton naman ay highschool na, pero madalas silang magbangayan. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sa isa't-isa.
Humalakhak si Colton. "You know, when I think about Jess Travieso I can't help but to touch myself," He paused and I gasped in horror, not knowing if I want to hit him or what.
His hand connected on his temples. "Right here in my f*****g temples... Sakit niya sa ulo!" Natatawa niyang pagtutuloy habang minamasahe ang kanyang sentido.
Bigla namang natawa si Papa at maging si Yael ay nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang ngunit nando'n ang ngiti na humahaplos sa kanyang mga labi.
"I will tell Jess about this! Akala mo!" Sabi ko kay Colton. Nagkibit balikat lang naman siya.
Sigurado ay marami nanaman siyang ico-comment. Natatawa kasi ako kapag ganoon siya. At aaminin ko na rin sa kanya mamaya ang tungkol kay Yael. Ikukwento ko lahat simula no'ng papunta kami ng Boracay hanggang dito.
Hindi ko dapat finilter ang mga kwento ko sa kanya. Dapat ay una pa lang ay sinabi ko na ang tungkol kay Yael dahil alam ko na matutulungan niya ako. Magaling kasi si Jess magbigay ng payo at wala itong pagka bias.
"Tignan mo 'tong mga anak ko. Ang ta-tanda na pero parang mga bata pa rin kung mag-away." Sabi ni Papa kay Yael habang kasakalukuyang nagsasalin ng whiskey sa kanyang baso.
Tumawa nang bahagya si Yael. "Naglalambingan lang siguro, Tito..."
Tapos ay nagsalita ulit si Papa hanggang sa maisipan ko na silang iwanan. Ang awkward na tumayo doon. Si Yael na pinapagulo ang isipan ko kasama ang dalawang mahalagang lalaki sa buhay ko. Ayoko nang madagdagan pa kung ano man 'tong nararamdaman ko.
Because looking at the three of them gives me the desire to get Yael... by hook or by crook. At hindi ko gusto iyon. Lalo na iyong panghuli. They just look so good. Parang pakiramdam ko tuloy ay bagay na bagay si Yael na maging parte ng pamilya namin at hindi iyon pwede.
Nanood na lang ako no'ng TV show na matagal ko nang hindi napapanood at nang magsawa ako ay umakyat na lang ako sa kwarto ko para gawin ang routines ko tuwing gabi. Nang nasa kama na ako hawak-hawak ang phone ko ay hinanap ko kaagad ang chats namin ni Jess.
Nabigla ako nang makita kong naka deactivate ito. What? Totoo ba ito o mali lang ako ng napindot?
Pero nang basahin ko ang conversation namin ay tama naman ang napindot ko. Si Jess nga ito. I checked all her social media accounts pero wala. Deactivated din. Nagsimula na akong lukubin ng pag-aalala. Ano ba'ng nangyari kay Jess?
Why did she deactivated her accounts just like that? Kaagad akong lumabas sa kwarto ko para makitawag kay Colton. Pero saktong pagkalabas ko ay si Yael kaagad ang bumungad saakin habang inalalayan niya ang mukhang lasing na si Colton habang inaalayan siya ni Yael papasok sa kwarto nito na nasa harapan lang ng kwarto ko.
Nanatili akong nakatayo sa labas ng aking kwarto hanggang sa makalabas na si Yael mula sa kwarto ni Colton. Sinilip ko ang naka-awang na pintuan ni Colton habang hindi makapakali mula sa kinatatayuan ko. Inilipat ko ang tingin ko kay Yael na tumigil sa harapan ko. He's looking at me, watching every move I make.
"Alam mo ba ang password ni Colton sa phone niya?" Tanong ko sakanya. Hindi ba ganoon naman lagi? Bestfriends know each other's password on their phones... Just like me and Jess.
Umiling siya. "Why?" Nagulat pa ako ng bahagya nang magtanong siya. Aalis na dapat ako para makitawag na lang kina Papa pero nagtanong siya bigla.
"Makikitawag lang sana ako sakanya. I can't contact, Jess. She deactivated all her accounts." I opened up. Hindi ko maitago ang pag-aalala sa mukha ko at sa aking boses.
"Use mine." Aniya at kinuha ang phone niya mula sa bulsa ng kanyang nike shorts bago ito iniabot saakin. Sandali akong nagulat doon pero mas nangibabaw ang pag-aalala ko kay Jess kaya tinanggap ko na ito. Nang sindian ko ito ay yung text ng girlfriend niya ang kaagad na bumungad saakin.
May password ang phone niya pero visible pa rin mula sa lockscreen ang nilalaman ng text nito.
Honey:
H'wag masyadong damihan ang inom.
Yan ang nakasulat doon pero hindi na ako nag-isip pa ng kung ano. Muli akong nag-angat ng tingin sakanya na nakatayo pa rin sa harapan ko at tinitignan ako.
"Password." Sabi ko sabay kagat sa ibabang labi ko at iniabot sakanya ulit ang phone niya para i-type ang password nito.
"Apat na zero."