Chapter 9
Hirap Kausap
"Apat na zero." Imbes na kunin niya ulit ang phone niya at i-type ang password niya ay sinabi na lang niya ito saakin. Hindi na ako nag analyze sa utak ko at pinindot ang apat na zero doon. At tama nga iyong sinabi niya dahil nagbukas ang phone niya!
Kaagad kong dinial ang number ni Jess at hindi na hinayaan ang sarili ko na malunod kakaisip kay Yael ngayong nasa harapan ko lang naman siya.
Halos manlumo ako nang pati ang phone ni Jess ay nakapatay. Sinubukan ko pa itong tawagan ng isa pang beses. Hanggang sa naging dalawa... tatlo... apat... walo... labing dalawa. Pero wala pa rin talaga.
I looked at Yael helplessly who's still standing infront of me, watching every move I make.
Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. Asking what's the matter.
Umiling ako. "Nakapatay ang phone niya. Salamat na lang." Sabi ko at muli kong ibinalik ang phone niya sakanya. Tinanggap niya iyon pero hindi na niya ibinalik sa bulsa niya.
Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo sa harapan ko. We're looking at each other. Ang mukha ko'y puno ng pag-aalala... Ang mukha niya'y mukhang nakikipagtalo sa kanyang sarili. Tatalikod na sana ako sakanya dahil mukhang wala na siyang sasabihin pero bigla siyang nagsalita.
"May problema?" Parang ang tagal niya yatang pinag-isipan kung itatanong niya iyon.
"Nag-aalala lang ako. Dine-activate niya kasi ang lahat ng social media accounts niya. Tapos ngayon naman ay nakapatay rin ang phone niya." I opened up. Hindi talaga ako mapakali, I don't know what do or what to think.
Why deactivate all of a sudden?
Ngumuso siya saglit hindi rin alam kung ano ang sasabihin.
"Baka kailangan lang ng space." He guessed.
"Space saan?" Hindi ko mapigilang sabi. Nafu-frustrate na ako sa pag-aalala.
Nagkibit balikat lamang siya at mukhang kalmado pa rin. Bumuntong hininga na lamang ako.
"Siguro nga tama ka." Sabi ko na lang. Iyon na lang ang papaniwalaan ko para h'wag na akong mag-alala. Pero bukas na bukas talaga ay pupuntahan ko siya.
"Sige, Yael. Thanks for letting me use your phone." Sabi ko. Tumango lang ito at naglakad na para pumasok sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko.
Nang makapasok na siya ay pumasok na rin ako sa kwarto ko. I spend the whole night brainstorming about the possible reasons why Jess deactivated all her accounts. Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Saan ka pupunta, Beatrix?" Tanong kaagad ni Manang Sally saakin nang mapansin niya akong naka-bihis. Saktong papunta pa lamang siya ng kusina para magluto ng almusal.
"Kina Jess lang po." Sagot ko at hindi na siya hinintay na sumagot pa, kaagad na akong naglakad ng mabilis patungo sa labas. Nang makalabas ako ng village ay kaagad akong nagtungo sa malapit na 7 eleven para magpa-load tapos no'n ay sumakay na ako ng jeep patungo sa mansyon ng mga Travieso. Mahigpit ang ang bantay doon pero elementary pa lang ako ay madalas na ako doon kaya nasanay na sila sa akin.
"Kuya, si Jess?" Tanong ko sa naka duty na gwardya nila sakanilang gate.
"Naku, ma'am. Ilang araw na po silang wala dito." Balita niya. Nanlumo ako saaking narinig.
"S-sigurado po kayo, Kuya?"
"Opo ma'am." kompirma niya.
"Pwede ko bang malaman kung nasaan sila?" Tanong ko. Narinig ko ang sariling boses na gumagaralgal.
"Kabilin-bilinan ni Sir Lorenzo na h'wag sasabihin kahit na kanino kung nasaan sila. Pasensya na, Ma'am Jess."
Bigla akong nagpanic. "Huh? Bakit? Ano ba ang nangyari kuya? I-I don't understand what's happening..."
"Pasensya na talaga, ma'am Beatrix." That's all I've got from him.
Nanghihina akong napatango. "Naiintindihan ko." Sagot ko na lang. Pero sa totoo lang ay wala akong naiintindihan sa nangyayari.
Bakit bigla na lang nawala si Jess kasama ang pamilya niya? Nagtungo ba sila ng States para doon na manirahan?
Matagal ng nabanggit saakin ni Jess iyon na may plano nga sila na doon manirahan at doon papatakbuhin ng kanyang ama ang kanilang kompanya pero bakit ang bilis naman ata?
I didn't expect this. At bakit kailangan niyang i-deactivate lahat ng accounts niya? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Ganito pala ang pakiramdam nang maiwan? I thought Jess and I will stick together. Pero bakit bigla na lang siyang nawala?
"Ma'am pasensya na po talaga..." Naawa akong tinignan no'ng guard.
"A-ayos lang po." Nahihirapan kong sagot at tinalikuran na siya. Naglakad ako palayo doon sa gate at doon ko kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking shorts. I dialed Colton's number. Sa unang tawag ko ay hindi siya sumagot at nang pangalawang subok ay sumagot na siya kaagad.
"Nasaan ka, Beatrix? Ang sabi ni Manang ay basta-" Hindi ko na siya pinatapos.
"Colton, sunduin mo ako please." Hindi ko mapigilan ang paghikbi.
"Nasaan ka?" Kaagad niyang sabi.
"Kina Jess."
"Hintayin mo ako diyan. Papunta na ako." His voice was frantic at kaagad niyang pinatay ang tawag. Ako naman ay nanatiling nakatayo rito at nanlalambot ang mga tuhod. Umalis na si Jess.
Hindi man lang siya nagsabi saakin. Hindi ko inaasahan ang na darating ang araw na 'to na bigla na lang aalis si Jess na hindi man lang nagsasabi saakin. It feels like I lost a sister.
Napaupo na ako dito habang hinihintay si Colton at isinubsob ko ang aking mukha sa mga braso kong nakapatong sa mga tuhod ko.
I know, mukha na akong bata at napaka helpless ko ng tignan. Pero hindi ko iyon inalintana. Bestfriends break up is the worst break up, they say. Pero sa kaso ni Jess ay basta na lang niya ako iniwan ng walang pasabi. At hindi ko alam kung ano pa ang mas sasakit doon.
Nag-angat ako ng tingin nang may marinig akong sasakyan na paparating. Tumigil ito sa harapan ko at iniluwa si Colton mula sa driver's seat. Akala ko ay siya lang ang nagpunta pero bumukas pa ang pintuan mula sa passenger's seat at si Yael naman ang lumabas mula roon.
"Trix, what happened?" Concerned is visible on Colton's face as he tries to help me stand up. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sakanya para pigilan ang mga hikbi ko pero ang mga mata ko naman ay panay sa pagtulo ang mga luha.
He looked at me with concern in his eyes while waiting for me to say what's the matter.
"Si Jess..." Mas lalo akong naiyak nang banggitin ko ang pangalan niya at nang maalala ko na nawala na lang siya ng parang bula.
"What happened to Jess?" Nag-aalala niyang tanong at sinulyapan ang mansyon nila. Wala na kami sa harapan ng gate nila pero itong kinatatayuan namin ay sakop pa rin ng mansyon nila Jess.
"Umalis na si Jess. Hindi ko alam kung nasaan na siya." I sobbed like a 5 year-old kid na nagsusumbong sakanyang Kuya. Muling sinulyapan ni Colton ang mansyon nila Jess bago ako.
"We'll try to call Jess later. For now, let's go home." He said softly. Napatingin ako sa FX niya at nandoon si Yael. Nakatayo sa gilid ng FX habang nakapamulsa at pinapanood kaming magkapatid.
Nakakunot pa ang noo niya dahil ang araw ay direkta sakanya. Nang naglakad na kami ni Colton papalapit sa sasakyan ay kaagad na siyang pumasok sa loob dahil mukhang alam na niya na aalis na. Sa backseat ako sumakay, sina Yael at Colton naman ay sa frontseat.
Sumandal ako sa may pintuan at tumungin sa may bintana. Kung maayos lang ako ay sa gitna siguro ako nakaupo ngayon pata atleast ay may connection ako sa dalawang nasa harap.
But I chose to stay like this. Gusto kong mapag-isip. And I know they do understand that dahil hindi na ako kinausap ng kahit sino sakanila hanggang sa makarating na kami sa bahay.
Dumiretso ako kaagad ng kwarto ko kahit na akmang tatanungin ako ni Mama kung ano ang nangyari pero hindi ko na lang pinansin.
"What happened to your sister, Colton?" Dinig ko pang tanong ni Mama habang paakyat na ako.
"Hayaan mo na muna, Ma. Iniisip niya lang si Jess."
Pagkasara ng pintuan ng kwarto ko ay muli nanamang bumuhos ang mga luha ko. Where did Jess go? Bakit basta-basta na lang silang umalis? Bakit hindi man lang siya nagpasabi?
Ganoon ba iyon kahirap? Gusto kong intindihin ang side niya pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin talaga maintindihan. Was that really hard for her to text me a single 'goodbye'?
It was around 3PM when I decided to get out of my room. I haven't eaten yet but still, I'm not hungry. Mga ganitong oras ay wala masyadong tao sa sala o sa kusina. They're either on their rooms or doing something outside. Every step I take downstairs reveals the view in the living room.
That's when I saw Cole with Yael. Nakatayo sila pareho. Hawak ni Yael ang laruang eroplano ni Cole habang si Cole naman ay nakatingala kay Yael at pinapanuod ang ginagawa nito. Bahagya akong napangiti. So he really has a thing for kids huh?
"Ate Beatrix!" Tawag saakin ni Cole nang mapatingin siya sa gawi ko. Pinilit kong bigyan siya ng matamis na ngiti. He ran towards me habang si Yael naman ay nanatili sa pwesto niya at nakatingin saakin. Naibalang ang atensyon ko kay Cole nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa mga binti ko.
Lumuhod ako para makapantay ko siya at mahigpit siyang niyakap pabalik. Our hug lasted for a few seconds bago siya kumalas.
"What are you doing here, Captain Cole?" Sabi ko sa kanya. He smiled proudly at me.
"Babalikan daw ako mamaya ni Papa." Sagot niya. Tumango-tango naman ako.
"Pero okay ka na ba, ate? Sabi ni kuya Yael masama daw ang pakiramdam mo." May pag-aalala sa kanyang tono. Bahagya naman akong nagulat doon at saglit na napatingin kay Yael ngunit kaagad ding nag-iwas.
"O-Oo naman! Ate Beatrix's fine now..." Even though my heart is still aching for the fact that my best friend left me without any warning.
"Yay! Sumama ka na lang sa'min ni kuya Yael! We're going to fly an airplane and we don't want our passengers to wait. Dapat maaga pa lang nando'n na kami." Aniya na para bang isa na talaga siyang ganap na piloto. Saglit kong sinulyapan si Yael bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. Tipid ko siyang nginitian.
"Kayo na lang muna siguro, Cole." I said softly. Kaagad namang nawala ang mga ngiti niya. "Pero babawi ako. Sa susunod kahit buong araw pa tayong magpalipad ng eroplano."
Malungkot itong tumango. I smiled guiltily at him. Lumapit si Yael sa kinaroroonan namin dala-dala yung laruan ni Cole. Muli akong tumayo para harapin siya.
"You should come with us." Aniya na bahagya kong ikinagulat pero nang makabawi ako ay umiling ako kaagad.
"Oo nga ate Trix!" Cole agreed and looked up at me with pleading eyes.
Tinignan ko si Yael. Tumango siya saakin.
"Come on, we'll going to need a nurse there... We have a pregnant passenger and this month is her due month." He said. Binigyan niya ako ng titig na siguro para sa kanya ay simple lang pero para sa akin iyon ang mga titig na hindi ko kayang tanggihan.
"We do?" Manghang tanong ni Cole.
Sinulyapan ni Yael si Cole saka ito nginisian. "Yeah, we do." Said Yael before drawing his attention back to me.
"So, you coming nurse? Sagot kita." Aniya. God! His words! How could they managed to take away the breath in my lungs?
Napakagat labi ako bago tumango.
Muli kong binalingan ng tingin si Cole. "Sasama ka na ate?" Hindi maitago ang saya sakanyang boses. Muli akong tumango.
"Yes!!" Masaya niyang sabi. Natawa naman ako. Lumabas kami ng bahay, akala ko sa bakuran lang kami magpapalipad ng eroplano pero dinala kami ni Yael sa isang bakanteng lote dito sa village. Maraming damo pero hindi naman ito mataas. Inilapag ni Yael sa damuhan ang laruan ni Cole at lumayo kami para paliparin na niya ito. Hindi ko mapigilang hindi mamangha at ganoon din naman si Cole.
"I didn't know that, that thing could fly that high." I murmured to myself while looking up at the sky. Wala pa namang puno-puno dito kaya siguradong hindi ito sasabit.
"Wow! Ang taas naman niyan Kuya!" Bilib na bilib si Cole. Ibinaling ko ang tingin ko kina Yael na nakangisi habang tinitignan ang eroplano na pinalipad niya.
"Kaya mo rin 'to." Aniya kay Cole. Muli kong tinignan yung eroplano na unti-unti ng bumababa. The airplane lands on where it took off. Pati pag control niya sa laruang eroplano ay lumalabas pa rin ang pagkapiloto niya. Iniabot niya ang remote control kay Cole.
"Fly your plane, Cap." Sabi niya sa bata. Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Cole. It was a different spark. Ibang-iba sa pagningning ng mga mata niya sa tuwing ako ang tumatawag sakanya ng 'Captain'. He became more inspired to pursue his dreams the moment Yael addressed him as a Captain.
I smiled because I knew. I knew that this kid look up to Yael even if this is the first time that they've met.
Si Cole naman ngayon ang nagpalipad ng laruan niyang eroplano. I felt so proud when Cole did it successfully.
"Ang galing mo, Cole!" Halos matapatan na niya yung taas ng pagpapalipad ni Yael kanina.
"Hindi ka pa kumakain..." awtomatiko akong napatingin kay Yael. He's looking at me.
"Huh?"
Umiling lang siya at muling ibinalik ang tingin sa laruan ni Cole na nasa ere. Napasigaw si Cole nang may dumaang totoong eroplano and it looks like his toy and the real airplane was about to crash.
Medyo na tense si Cole doon at muntik nang bumagsak ang laruan niya mula sa ere pero kaagad niyang naagapan ito at muling napalipad ng maayos sa ere.
"That's cool." Yael praised Cole. The kid glanced at Yael for a brief second.
"I don't want my passengers to die." Cole retorted. Tinignan ko si Yael at nakangiti siyang tumingin sa laruan ni Cole na nasa ere at tumango. I can't help but to smile too because he looks so proud of Cole like Cole is his cousin too.
"Are we going home?" Cole asks while holding his toy. The three of us had fun. At kahit papaano ay nakalimutan ko ang lungkot na nararamdaman ko kanina.
"Ayaw mo pa ba?" Tanong ni Yael sa bata.
"Ayaw ko pa." Cole answered while shaking his head.
"Ano ka ba, Cole. Yael needs some rest dahil mamaya na ang alis nila ni Colton. At isa pa, alas singko na." Marahan kong suway sakanya.
Thinking that Yael and Colton will go back to their condo building makes me feel low again. Hindi ko na lang inisip pa ang bigat ng nararamdamanan ko.
Ano ngayon kung aalis na si Yael? Ito naman talaga ang tama. At sana, h'wag ko na siyang makita pa. 'Yan ang hiling na taliwas sa puso ko pero 'yan ang dapat na mangyari.
"It's fine, mamayang alas siyete pa naman ang alis namin ni Colton." Sagot niya at tinignan si Cole. "Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong niya pa sa bata. He's really nice when it comes to kids pero hindi ako papayag na maglilibot pa. Alas singko na at alas siyete ang alis nila! Ang bilis kaya ng oras.
"I want ice cream!" Lumiwanag ulit ang mukha ni Cole.
"Cole!" Suway ko sakanya.
Muli namang bumagsak ang mga balikat niya. "H'wag na pala, Kuya Yael." Bawi niya.
"No, we'll buy ice cream," pinal niyang sabi habang kay Cole nakatingin. Naapawang ang bibig ko at akmang magpo-protesta ako pero muli siyang nagsalita.
"Let's take ate Beatrix home first. She's the one who needs rest." He said that made me shut up. Hinarap niya ako.
"Y-you don't have to—"
"Anong gusto mo?" Putol niya sa protesta ko. I just looked at him quizzically.
"Flavor, Beatrix." He cleared.
"Y-you'll buy some for me too?" hindi ko makapaniwalang tanong. He just clicked his tongue at hindi ako na ako sinagot. Bagkus ibinaling na lang niya ang atensyon kay Cole.
"Ang hirap kausap ng ate mo." bulong niya dito na hindi naman nakatakas sa pandinig ko. Imbes na mainis ako ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad pauwi.
"Kuya Yael bakit nga pala nasa bahay ka nila ate Beatrix? Girlfriend mo ba si ate Beatrix?"
Namilog ang mga mata ko sa tanong ni Cole.
"Cole!" Namumula kong saway sa kanya. Ano ba naman 'tong mga itinatanong niya.
Bahagyang tumawa si Yael. "Hindi. Inimbitahan kasi ako ni Colton na mag stay muna sa bahay nila habang inire-renovate ang condo unit na nabili ko." Paliwanag niya.
"Akala ko girlfriend mo ang ate ko. Ang swerte mo sana. Ang ganda ng ate ko 'di ba?"
"Cole! Stop that!" Saway ko at nahihiyang tiningnan si Yael ngunit kay Cole pa rin ang atensyon niya. Muli ko na lang tiningnan ang dinadaanan namin.
"Oo..." Muntikan na akong matapilok dahil sa biglang pagsagot ni Yael. s**t! He... He thinks I'm pretty?
I inwardly shook my head. Shut up, Beatrix!
Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating na kami sa harap ng bahay namin.
Hindi na sila pumasok sa loob at ipinadala na lang nila sa akin ang laruang eroplano ni Cole kasama nung remote control. Pagpasok ko sa bahay ay si Colton ang bumungad saakin habang may kausap sa telepono.
"Please call me as soon as possible... Okay.... Yes. Thank you." Ibinaba na niya ang tawag at humarap siya sa dako ko. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako.
"Trix... Saan ka galing? Nasaan si Yael at Cole?" Sunod-sunod niyang tanong. Napanguso ako. Alam niya pala na nandito si Cole at si Yael ang kasama.
"I was with them earlier pero ngayon ay bumili sila ng ice cream. Si Cole kasi nangungulit." Paliwanag ko. Tumango siya.
"Sinong kausap mo kanina?" I asked.
Napaawang ang bibig niya. "Wala, yung sa airline lang. By the way.... Na contact mo na si Jess?"
Bumagsak ang balikat ko nang maalala ko nanaman si Jess.
Umiling ako. "Hindi pa rin." Malungkot kong sabi. He sighed and put his phone back in his pocket.
"Babalik din siya, Trix. Maybe she just needs some space." Sabi niya. Tipid akong ngumiti. Maybe Yael and Colton were right. Baka kailangan lang ng space ni Jess pero babalik din siya. And when she comes back, she'll explain everything to me.