Chapter 5

2203 Words
Nakatitig lang ako sa picture nanin ni Lailanie noon. It's been what? Long long years but she didn't come back yet. Naghihintay pa din ako sa pagbabalik niya. Ang tagal na ng panahon pero nanatili pa din ako sa pangako ko sa kanya. Miss na miss ko na siya pero wala akong magawa kung hindi ang maghintay sa kanya. Nangako siya sa akin at alam kong tutuparin niya iyon. Pinanghahawakan ko pa din ang mga salita niya noon. Mahal na mahal niya ako at alam kong hindi iyon mababago pa. I trust her so much. Wala lang akong tiwala sa hilatsa ng pagmumukha ng Henrico na iyon. Ang sakit makitang ikasal aa iba ang pinakamamahal mo. Ayoko mang ounayag ay desiayon niya pa din iyon. Ayokong mahirapan ito at kaya kong magsakripisyo para sa kanya. Hindi ako naghanap ng iba o lumingon man lang. Siya lang ang titignan at mamahalin ko habang buhay. Kayang kaya jong maghintay kahit na gaano pa katagal. "Daddy..." napangiti ako sa pagtawag ni Yanyan sa akin. Kahit hindi ko siya tunay na anak ay sobrang mahal na mahal ko siya. Tunay na anak na ang turing ko sa kanya at hinding hindi iyon mababago pa. I love him so much just like how I love her Mommy. He knows the truth. Wala akong nilihim sa kanya. Pati ang pagpapakasal ng Mommy niya para sa ikabubuti ng ibang tao. Ang pagsasakripisyo niya para makatulong sa taong iyon. At higit sa lahat---alam niya na pangalawang Daddy niya lang ako at makikilala niya sa tamang panahon ang totoong daddy niya. He never asked questions about her true Dad. Lagi niyang sinasabi sa akin na ako lang ang daddy niya pero pinapaliwanag ko na kailangan niya din makilala ang tunay na ama niya. Ayaw kong magsinungaling sa kanya at lalong ayokong maging masama ang tingin nito sa kanyang nanay. I know he's too young to know it all but it's better this way. Mas mabuti na ang ganito kaysa malaman niya pa paglaki niya at sa ibang tao pa. Ayokong mangyari iyon at mas lalong hindi ko kakayanin kapag magalit si Yanyan sa akin. Tanggap niya naman ako at doon ako nagpapasalamat sa Diyos. "Kumusta ang lakad niyo ng Tita Ma mo?" Nakangiting bati ko at pinalapit ito sa akin. Ayaw niya kasing lumapit kaya sinesenyasan ko siyam "It's okay naman, Daddy." Hindi makatingin ng diretso ang anak ko. Something is off. Pero hindi siya nagsisinungaling sa akin. May nangyari lang na gusto niyang sabihin pero nag aalinlangan siya. "Kumusta naman ang Tita Ma at Tito Da mo? Did they gave that all to you?" Tanong ko. Nakita ko kasi ang mga tsokolate na dala nito at mga laruan. Sobrang dami niyon na para bang nagshopping sila ng sobra sobra. Napapailing na lang ako sa kaspoilan ng anak ko sa kanilang dalawa. Binibigay din nilang lahat ang gusto ni Yanyan kahit na alam naman nila na kaya ko iyong ibigay. Hindi na lang kasi sila gumawa ng kanila ng may pagkaabalahan naman sila. Hindi iyong nanghihila sila ng anak ng may anak. May lakad sana kami kahapon pero pinagbigyan ko na lang sila. Grabe kasi ang pangongonsensiya ni Marianne na hindi ko kinaya tapos dagdagan ko pa na sinesegundahan naman ni Yanyan ang Tita Ma niya. Halatang nagkampihan kaya wala akong nagawa. "Okay naman sila, Daddy." Umupo ito sa kandungan ko at tumingin sa hinahawakan kong picture. Hinaplos niya ang mukha ng kanyang ina. He surely miss his Mommy. I promise to get her back to us. But something is off. Hindi siya ganito kapag umuuwi siya galing kina Marianne. Pero ngayon---tila tahimik at aligaga siya. Sobrang hindi siya mapakali kanina pa. I don't know but I feel strange. Kakaiba ang kilos niya ngayon. "Is there something bothering my baby?" Malambing kong tanong at inilagay sa mesa ang picture namin. "Do you want to say something to Daddy?" Dugtong ko pa. "Hmmm..." hindi na makapagsalitang sabi niya. Tila nag iisip pa nga kung magsasalita nga ba o hindi. "Magagalit ka ba Daddy if I lie to you?" Bigla itong lumingon sa akin at hinihila hila ang manggas ng damit ko. Sabi na nga ba, eh. May tinatago siya at hindi niya lang masabi. Hindi niya ako tatanungin kapag wala siyang tinatago. "Depende, baby kung gaano kalaki ang kasalanan mo. Kung maliit lang naman---I'll let it pass." Ngumiti ako na ikinangiwi niya. It means hindi lang maliit na bagay ang inililihim niya sa akin. Nacurious tuloy ako kung ano ang ililihim ng batang ito sa akin. "Will I go to hell if I lied again and again?" Halatang kinakabahan itong nagtatanong sa akin. Masubukan nga. "As I said earlier, it depends on how big or small your lie is. Malay mo, matulungan ka ni Daddy. Basta sabihin mo lang sa akin yung secret mo." Pagkukumbinsi ko pa. Nag iisip talaga ito nang mabuti. "She's gonna get angry with me too." Nagtaka ako sa sinabi niya. "Who? Sino ang magagalit sa'yo?" Hindi na talaga ito makatingin sa akin ng diretso. Bumaba nga ito sa pagkakaupo sa kandungan ko at lumipat sa sofa. Trying his self to get busy. Kahit wala naman itong pwedeng magawa sa sofa. Now, I am more curious. Para siyang hindi bata kung kumilos. Lumalaki na talaga ang anak ko. Lumapit ako dito at umupo sa kanyang harapan. "Is it hard to tell Daddy about it?" Masuyong hinaplos ko ang kamay nito. Ayoko naman siyang pagproblemahin dahil lang sa nakucurious ako sa sinasabi niya. "It's hard Daddy. I wanna say it but I'm afraid she's gonna get angry with me." Napayuko na ito. "But I wanna tell to you too, Daddy." "It's okay, baby. Come on, you don't have to tell me. Kung kaya mo ng sabihin---saka mo sabihin sa akin. Huwag mong pilitin ang sarili ko, okay?" Tumango ito. "I'm afraid of that bad guy, Daddy. Baka kung anong gawin niya kay Mo---" Bigla nitong tinakpan ang bibig niya. "Bad guy?" Nagkakaroon na ako ng hinala sa sinasabi ng anak ko. It's impossible. Paano niya makikita ang mommy niya kung wala ito dito? Is that mean that he's seeing his mommy at nakauwi na ito? "Yes, Daddy." Hindi naman ito tumanggi. "Kailan mo pa nakikita ang Mommy mo?" Biglang lumaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. "How did you know Daddy?" He asked while his biting his nails. Binggo! So, nagkita na sila ng Mommy niya. Napangiti ako pero napawi sa huling sinabi niya kanina. "Kailan kayo nagkita ng Mommy mo?" I asked again para makasigurado. "Sa bahay po nina Tita Ma kahapon." Mas nagulat ako. All along alam nilang umuwi na si Lailanie pero wala silang sinasabi sa akin. Magbabayad sa akin ang lalakeng iyon. "What did the bad guy did to your Mommy?" Bigla akong nanggigil sa kaalamang sinasaktan niya ang reyna ko. "He pulled Mom and they are arguing. Tapos bigla na lang umalis si Mommy ng hindi man lang nagpapaalam. Hindi pa nga nagtatagal si Mommy doon, Daddy. Then umalis na siya kasama nung bad guy. I hate that bad guy, Daddy, so much." Halatang galit nga ito kay Henrico. The way she said that bad guy talagang ang sama ng tingin nito. " Ano pang ginawa niya sa Mommy mo? " Tanong ko ulit. " Wala na, Daddy, because they left without a word. And then, alam mo bang bumalik si bad guy? " Napasimangot ito mas lalo. "But I got scared, Daddy. Because he shouted at me." "What?!" Tumaas ang boses ko sa sinabi niya. How dare that f*****g man shout at my baby. Tang'na niya! "Ano pang ginawa niya sa'yo?" Nagtitimping tanong ko pa. Kulang na lang talaga ay sumabog na ang tenga ko sa galit. Wala siyang karapatang sigaw sigawan ang anak ko kahit na siya pa ang totoong tatay ng bata. Damn him! "He grabbed my hand and pulled me closer to him. Kapag hindi ko daw tinawag si Tita Ma---sasaktan daw niya ako. Tapos tinulak na niya ako sa sahig." Sumbong ni Yanyan. Kulang na lang ay sumigaw ako sabgalit. Wala siyang karapatang saktan ang anak ko. Magtutuos kami ng hayop na yon! " Okay, baby, don't worry. Daddy got your back. Kukunin natin ang Mommy mo sa kanya. He don't deserve your Mommy. Hindi ko hahayaang saktan ka niyang muli at ang Mommy mo." Ani ko at hinaplos ang kanyang buhok. "For now, matulog ka ng maaga, okay? Aalis lang si Daddy dahil may aasikasuhin ako. But I'll be back. Tatabi si Daddy sa'yo, okay?" Tumango ito, "okay po, Daddy. Mag iingat ka. Sa kuwarto na po ako at papaliguan daw ako ni yaya. Nagpaalam lang ako na sasaglit dito." Ako naman ang tumango at hinalikan ito sa noo bago ginulo ang kanyang buhok. Nang makaalis na ito ay napasuntok ako sa mesa. How dare him! Hindi lang ang reyna ko ang sinaktan niya. Pati ang anak ko! Maghintay siya at hinding hindi ko ito papalagpasin. Kinuha ko ang coat ko at nagmamadaling umalis. Pupunta ako kina Marianne ngayon. She have to explain this to me. Nang makarating ako sa bahay nila ay nagulat sila pagkakita sa akin. Wala akong inaksayang oras. Pumasok ako at dumiretso ng upo sa sofa. I needed to calm down baka kung ano magawa ko sa lalakeng iyon. Baka mapatay ko lang siya. Knowing na sinaktan niya ang mag ina ko. "Napadalaw ka ata?" Tanong ni Marianne sa akin. "Kailan pa kayo nag uusap ni Lailanie?" Walang paligoy ligoy na tanong ko. I need answers dahil mababaliw na ako kakaisip. "Hindi naman kami nag uusap. Di ba nasa---" I cut her off. "Don't lie, Marianne. Cut that crap. Kailan pa kayo nag uusap ng asawa ko?" Pag uulit ko. Napahinga ito nang malalim bago umupo. "How did you know?" she asked. "Hindi na importante iyon. Kailan pa?" Tumikhim ito, "since the first time she left. Noong una madalas pa kaming nagkakausap hanggang sa padalang na ng padalang. Everytime na hinihiram ko si Yanyan sa inyo ay nakakausap at nakikita din niya ang Mommy niya. Sorry, Isa for hiding this to you. Ayaw kasi ni Lanie na magkaroon ng malaking gulo." "Kailan pa siya nakabalik?" "Kahapon lang," sagot nito agad. Buti naman ay sinasagot niya ang mga tanong ko ng walang kahirap hirap. Akala ko ay magsisinungaling pa ito sa harapan ko. "What did Henrico did to her?" May galit na tanong ko. Hindi ko mapigilang hindi kumuyom ang aking mga kamao. "Hinila niya at nag argumento sila." "Ano pa?" Gusto kong malaman lahat ng detalye dahil pagbabayarin ko ang hayop na iyon. "Wala na akong alam dahil kailangan kong i-akyat si Yanyan sa taas. Bug I heard them arguing about trust issues and being stubborn. Nag aaway sila. Pagbaba namin ay wala na silang dalawa. Umalis ng wala man lang paalam." Pagkukuwento nito. Parehas sila ng sinabi ni Yanyan. "Did Yanyan told you that Henrico hurt him?" Tanong ko, siya namang pagbaba ni Bryle galing sa itaas. Narinig niya ang tanong ko. "He hurt him?!" Galit na tanong ni Bryle. Nanggalaiti din ito gaya ko. Ibig sabihin hindi nagsalita ang anak ko. "That bastard!" Galit din na saad ni Marianne at nanlilisik ang mga mata. "That's what Yanyan confess to me. Kaya napasugod ako dito." Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko pero ang hirap. Gusto kong pilipitin ang leeg ng hayop na iyon. Nagawa niyang saktan ang mag ina ko. Tang'na niya! "f**k that bastard! Kailangang maturuan iyan ng leksiyon!" Galit na galit na saad ni Bryle at bumalik sa taas. Tahimik kaming dalawa ni Marianne na nakaupo. Akala naman namin kung ano na ang gagawin niya. Nagbihis lang pala at nagmamadaling umalis. Nasa pintuan na siya ng pinatigil ko ito. "Huwag kang padalos dalos, Bryle. Baka nakakalimutan mong hawak pa niya si Lailanie. Kung kaya niyang saktan ang anak ko---kaya niya ding gawin iyon sa kanya. We need to plan everything. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sa mag ina ko." Wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik at pasalampak na naupo sa sofa. Kung kanina ay gusto kong sumugod sa kanya---nagbago ang isip ko dahil inisip ko ang konsekwensiya. Napatingin naman ako kay Marianne na hindi umiimik. Tahimik lang ito pero makikita mo ang galit sa kanyang mga mata. " Even you, Marianne. I know you. Wag ka munang magtatangka. Huwag tayong padalos dalos baka mapahamak si Lailanie kapag kumilos tayo ng wala man lang plano. Kung ano man ang nasa isip mo---itigil mo muna dahil hindi iyan makabubuti." Payo ko. Napahinga ito nang malalim at pinipilit din ang sarili na maging okay. Ako nga na gustong gusto ng sugurin ang hayop na iyon at patayin pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang kalagayan ni Lailanie doon. Baka mapahamak siya kapag nagkataon. At ayokong mangyari iyon. Nag usap usap kaming tatlo at nag isip ng paraan para makalapit kay Lailanie, pero wala kaming maisip. Kailangan naming maghintay sa tawag niya. Lalo na at nagbanta pala si Henrico sa buhay nito. Ayokong irisk ang kaligtasan ng mga tao sa paligid ko. Mag iisip ako at sisiguraduhin kong mai-aalis ko ang reyna ko sa tabi ng demonyong iyon. Gagawin ko ang lahat. Kahit na buhay ko pa ang kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD