Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa mga kinilala kong mga magulang, pero alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa. Nasasaktan pa din kasi ako sa mga nalaman ko. Tila ba kasi napakadaya ng tadhana at naiparanas niya sa akin ang pighati at sakit. Sobrang ang hirap kalimutan ang nakaraan. Lalo na kapag iniisip ko ang estado ng buhay ko ngayon kumpara noon. Pain, sacrifices and everything. Umuukilkil pa din sa isip ko ang lahat ng naranasan ko sa kanila mula noong bata pa ako hanggang sa magkita ulit kami ngayon. Oo, nagpatawad na ako---pero kung iisipin, I didn’t deserve their treatments to me back then. Lahat ng pasakit na binigay nila sa akin noon. Pero anong magagawa ko---nangyari na ang nangyari at hindi na iyon maibabalik pa ang lahat. Past can't be undone. It's the real

