Pagdating namin sa bahay nina Marianne ay naghihintay na talaga ito sa may garahe. Hindi halatadong excited ito sa pagdating namin. Ni hindi na ata nakapagbihis dahil nakapajama lang ang loka. Nakakataba ng puso ang ganitong eksena. Tapos kapaparada pa lang ng aming sasakyan ay ito na mismo ang nagbukas ng pinto at hinila ako pababa. Hindi ko nakita kanina ang umbok nitong tiyan. Nagulat talaga ako ngayon sa malapitan. I didn't know that she's pregnant. Ang laki na ng tiyan nito. Maybe nasa five or six months na siguro. I'm happy for them. Pagkababa ko ay talagang yumakap ako sa kanya. Siyempre, iniwasan kong mapitpit ang kanyang tiyan. Gosh! Bakit walang naikukwento si Isa sa akin about sa pagbubuntis ng babaeng ito. Mamaya ka lang na lalake ka. Hindi man lang ibinalita sa akin.

