I hate seeing her talking to someone else. Kailangan ay ako lang ang makakausap niya. I don't care kung sinong pontio pilato ang kausap niya. Hindi dapat ito nakikipag usap.
Ang hindi kasi alam ni Lailanie ay nilagyan ko ng cctv ang buong bahay. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya. Wala akong tiwala sa mga tao sa nakalipas niya. Pwedeng pwede nila akong siraan kay Lailanie. At gusto kong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
Kaya tama lang ang desisyon ko na palayuin siya kay Marianne. I know she's not a good company to Lailanie. At hindi siya magandang impluwensiya dito. Susulsulan lang siya nito na layuan ako at iwanan. At hinding hindi ko iyon hahayaang mangyari.
"Anong balita?" Tanong ko sa aking kaharap. Nakipagkita ako sa isang imbestigador ko na sumusubaybay at nag aalam ng mga ginagawa ng kalaban ko. It's better to know what my enemies are capable of. Mahirap na.
"May kinikita siyang isang tao na hindi ko alam kung sino. Lagi silang nagtatago sa isang hindi kilalang hotel. Pero ang hirap makapasok. Hindi ko din alam kung babae ba o lalake ang tinatagpo niya. Basta, boss, nagtatagal sila doon ng higit isa't kalahating oras." Imporma nito sabay abot sa akin ng isang sobre.
That's too long. Imposibleng lalake ang kinikita niya kung ganoon katagal? Maybe, she's seeing someone. And that's a good news. Madali na lang siyang siraan kay Lailanie. Mas maganda kapag may picture sana.
Napangisi ako nang kunin ang sobre at tinignan.
It's a picture of my damn enemy. Nagmamaneho ito ng kanyang sasakyan at ang ilan naman ay papasok na ito sa isang hindi masyadong kilala na hotel.
Nagtataka ako kung bakit hindi nakapasok ang informer ko? Kung hindi pala. Masyadong kilala ang hotel na pinasukan niya. Something is fishy going on in here.
"Nagkikita ba sila ng asawa ko?" Tanong ko habang busy pa din sa pagtingin sa mga larawan. Gusto kong makasigurong hindi sila nagkikita at alamin ang bawat kilos ng lalake. Wala akong tiwala sa pagmumukha ng gagong ito. I know, he's planning on taking Lailanie back. At bago pa mangyari iyon---sisigurafuhin kong hindi na babalik sa Lailanie sa kanya. Let's see...
"Hindi sila nagkikita." Sa sinabi niyang iyan ay gumaan ang pakiramdam ko. "At mas lalong hindi po ito umaaligid sa asawa niyo. Parang wala naman po itong alam sa pagdating niyo." Kung ganoon, that's good. At pananatilihin kong hindi nito malalaman ang pagdating namin.
"Mabuti naman kung ganoon. Keep an eye on him always. Hindi dapat mawawala amg paningin mo sa kanya. Kailangan lahat ng impormasyon tungkol sa kanya---ay nasa akin. Kahit ang pinakamamaliit na butas ng pagkatao niya." Nakangising saad ko habang nakatingin sa kanyang larawan.
Maghintay lang siya dahil pababagsakin ko siya sa lalong madaling panahon. Hihilahin ko siya pababa at ipaparamdam ko sa kanya kung paano maagawan ng mga bagay na pinaghirapan niya at lalo na ang pinakamamahal niya.
I will not let him go near Lailanie, ever again. At kung mangyari man iyon---papatayin ko siya.
" Opo, Boss. Wala na po ba kayong kailangan?" Tumngin ako sa labas ng restaurant at napaisip saka umiling. Sa ngayon ay iyon muna ang ipapagawa ko. Ang manmanan ang kalaban habang wala pa itong alam.
"Tatawagan kita kapag may ipapagawa ako. For now, bantayan mo na muna siya. Alam ko na lalapitan niya ang asawa ko. Kapag nangyari iyon---tawagan mo ako agad."
"Opo, Boss. Mauna na po ako," paalam nito na tinanguan ko. Nagmamadali na itong naglakad paalis, tila may lalakarin pa.
Nang maiwan akong mag isa ay napatingin akong muli sa larawan. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako kayang mahalin ng asawa ko. Siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin si Lailanie. At siya din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kaibigan lang ang turing niya sa akin. Damn it!
Ginawa ko naman ang lahat para mapaibig iting muli. Madali na lang gawin iyon dahil alam kong may natitira pa itong pagmamahal para sa akin. At iyon ang araw araw kong pinanghahawakan.
Hangga't nabubuhay ang lalakeng ito ay alam kong hindi niya ako kayang mahalin. Kilala ko ang ugali ni Lailanie. At kung nagmahal ito, talagang totoo. Sadyang gago lang ako noon kaya ko siya iniwan ng basta basta. And now---ang laki ng pagsisisi ko.
Alam ko naman na kung hindi dahil sa sakit ko ay hindi siya magpapakasal sa akin. All through this years---umasa akong mamahalin niya ako pero hindi pala. Lahat ng pinakita niya sa akin ay mga kasinungalingan lamang. He loves this bastard and not me!
Sa mga unang buwan ay naging masaya naman kaming dalawa at sobrang saya ng puso ko. Until I felt something is different. Lagi itong natutulala na para bang ang lalim ng iniisip.
Ilang beses din itong nagsasalita habang tulog. Whispering that bastards name. Ang sakit para sa akin ang marinig ang pangalan ng iba habang ako ang katabi niya. It hurts like hell. At dahil sobra ko siyang mahal---hinayaan ko at hindi ko inintindi iyon. Lumipas ang ilang buwan hindi ko na nakayanan. Inumpisahan kong magbago para kahit papaano ay marealize niya na kailangan ko din siya. Na ako naman ang mahalin niya at hindi ang lalakeng iyon. Gusto kong iparealize na ako ang asawa niya at hindi ang bastardong iyon.
Binibigay naman niya ang best niya pero nakukulangan ako. O nakukulangan nga ba ako?
Ang gusto ko---sa akin ang lahat ng atensiyon niya lalo na ang pagmamahal na hindi niya kayang maibigay. Gusto kong ako ang mahalin niya at isipin.
I sighed and sip on my coffee. Hindi ko na kailangan pang magtagal sa restaurant na ito. Agad ako tumayo at umalis na.
Mas pjnili kong magtungo sa opisin. Ayoko munang umuwi hangga't gising pa siya. Gusto ko siyang iwasan dahil nagagalit ako. Nagagalit ako sa mga naririnig ko mula sa cctv. I installed a cctv and a microphone too. Gusto kong marinig lahat ng mga sinasabi niya at gusto kong malaman kung sinusunod ba niya ako.
That day na kinausap niya si Marianne? I heard everything. At nagagalit ako dahil gusto niya akong baguhin. Tapos ano? Sa huli ay lalayasan din niya ako at iiwan?
Tang'na! Hinding hindi ko iyon papayagan. Hinding hindi ako papayag na lumayo siya sa tabi ko. Hangga't nabubuhay ako ay sa tabi ko lang siya. Mamamatay muna ako o ang lalakeng iyon nago niya ako maiwan. Pinapangako ko.
Pagdating ko sa opisina ay agad kong tinignan kung ano ang ginagawa niya. Napakunot ang akingbnoo nang makita kong may kausap siya sa telepono ng mansion. Again? Hindi talaga niya ako sinusunod.
Damn it!
Sinabi ko sa kanyang bawal siyang makipag usap sa kahit na kanino at bawal siyang sumagot sa mga tawag.
And here she is, talking to someone over the phone.
Agad akong tumayo at galit na lumisan ng opisina. She'll regret disobeying me. Hinding hindi niya ako dapat sinusuway. She'll pay and she deserve to be punish.
Galit akong umalis ng kompanya at umuwi ng bahay. Siguro ay ang hayop na iyon ang tumawag at kinausap naman ng huli. Halos hindi niya patayin ang tawag. Kahit kailan ay panira talaga ang lalakeng iyon sa buhay naming mag asawa. Makakatikim din ang lalakeng iyon sa akin. Lintik lang ang walang ganti.
Ang akin ay akin lang. Huwag na huwag niyang kukunin si Lailanie sa akin dahil mapapatay ko siya.
Pagdating ko sa bahay ay agad ko siyang tinawag.
"Lailanie!" Tawag ko pero walang sumagot. Pati mga katulong ay hindi din sumasagot. "Lailanie!" Sigaw kong muli at mas malakas na iyon. Halata na din sa boses ko ang galit. Umakyat ako at tinignan sa kuwarto namin at sa kuwarto ni Ella pero wala siya.
Mas lalong umusbong ang galit sa aking dibdib. Umalis siguro ito at nakipagkita sa hayop na iyon. Makikita nila!
Pagbaba ko ay pumunta ako ng kusina. Nadatnan ko ang taga luto doon.
"Nasaan si Lailanie, Manang?" Tanong ko at hinanap pa ito sa loob ng kusina pero wala.
"Nagmamadali pong umalis, Sir."
Nagtagis ang baga ko sa aking narinig. Nagmamadali siyang umalis para makipagkita sa gagong iyon.
"Saan daw ang punta niya?" Nagtitimping tanong ko kay Manang.
"Hindi ko po alam, Sir, kasi nagmamadali po siyang umalis. Hindi na nga po nagbihis ng damit. Parang importante po ang pupuntahan niya dahil halos matisod pa siya sa pagtakbo palabas." Kuwento ni Manang habang naghahalo ng pagkain.
"Sige po, Manang. Hihintayin ko na lang po siya sa kuwarto. Kapag dumating, sabihin niyo pong umakyat siya agad." Bilin ko dito na agad nitong tinanguan.
"Opo, Sir."
Umalis na ako ng kusina at mabilis na nagtungo papuntang kuwarto. Nanggagalaiti ako sa aking loob. Kailangan atang tinatali na siya ng magtanda para hindi makalabas at makipagkita sa gago niyang kalaguyo.
Wala talagang katino tino si Lailanie. Tignan ko na lang kung lalabas pa siya pagkatapos ko siyang ikulong dito sa kuwartong ito. Hindi na din niya pwedeng hawakan ang anak namin.
Kinuha ko ang bote ng alak at uminom. Habang lumilipas ang oras ay mas nadadagdagan ang galit na naararamdaman ko. Sari saring senaryo na ang pumapasok sa isip ko.
Tang'na! Paniguradong kinama na siya ng hayop na iyon. Tinapon ko ang basong hawak ko sa galit. Kung alam ko lang kung saan ito nagpunta---baka nasundan ko na siya at napatay ang lalakeng iyon. Pasalamat siya at inutusan ko ang nagbabantay sa kanya. Ang galing ding tumayming ng gago.
Halatadong pinababantayan niya din ang kilos ng asawa ko. O baka nga ako ang pinababantayan niya at alam nitong walang bantay ang aking asawa.
May tinawagan ako at iniutos na bigyan ng leksiyon ang gagong iyon. Kahit anong leksiyon nang matuto. Sinabi kong bugbugin nila ng mabuti. Para magtanda at alam kung sino ang kinakalaban niya.
Saktong pagbaba ko ng tawag nang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa ang nakapajamang Lailanie.
Ibinato kong muli ang basong hawak ko sa malapit sa kanya. Napasigaw pa ito at gulat na gulat na naisara ang pintuan.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong nito na ikinalagok ko muna ng alak mula sa bote at pagak na natawa.
"Saan ka galing?"
"Sa labas," walang kiyemeng sagot nito na para bang hindi natatakot sa akin.
"Saang labas?" Tanong kong muli. Pinipigilan ko munang huwag masyadong magalit. Hinihintay kong magsabi siya ng kusa.
"I have to buy something." Natawa ako sa palusot niya.
"At ano naman ang bibilhin mo na wala dito sa bahay?" Nang iinsultong tanong ko. "t**i ng kalaguyo mo?"
Napamulat ito ng kanyang mga mata, halatang gulat na gulat kaya mas natawa ako nang malakas. Painosente ang babaeng ito.
"What are you talking about? Bumili lang ako---" hindi ko na siya pinatapos dahil magpapalusot na naman siya. Hindi niya kayang bilugin ang isip ko. Papunta palang siya, pabalik na ako.
"Huwag ako ang niloloko mo, Lailanie. Saan ka galing?!" Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.
"Sa labas lang at may---"
"Saan ka galing!!!" Sobrang lakas ng sigaw ko dahil sa aking galit. Magsisinungaling pa siya. Huwag ako ang gawin niyang tanga.
"Sa labas nga." Consistent ang pagsisinungaling niya.
Pagkalapit ko sa kanya ay hinawakan ko nang mariin ang kanyang baba at inilapit ito sa aking mukha.
"Huwag na huwag kang magsinungaling sa harap. Ko, Lailanie. Huling ulit ko na ito---kapag hindi ka pa nagsabi ng totoo---I'll punish you." Babala ko.
"Hindi ako nagsisinungaling---" binitawan ko siya at sinampal nang malakas.
"Sinong kinausap mo at nagmamadali kang umalis!" Hindi na ako nakatiis at tinanong siya. Kung patuloy siyang magmamatigas para magsinungaling ay mas malala pa ang aabutin niya mula sa akin.
Nakita ko ang pagyuko niya.
"Sorry, Henrico. Nagkaproblema kasi si Marianne. They rushed Marriane to the hospital because of sudden blood discharge. Nag alala ako kaya nagmadali akong umalis." Paliwanag niya na tinawanan ko lang at hinila ito sa kanyang braso.
"Ako ba'y pinagloloko mo? Huwag mong idahilan ang taong wala namang kinalaman. Saan kayo nagkita ng kalaguyo mo?!" Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang braso. Kahit umaaray na ito ay wala akong pakialaman.
Natakpan na ng galit ang isip at puso ko. Iniisip ko pa lang na ginalaw ng gagong iyon ang asawa ko ay nagwawala na ako sa galit.
" I'm telling the truth, Henrico." Umiiyak na saad niya. "Nasasaktan na ako. Maniwala ka naman sa akin." Pagmamakaawa nito na hindi ko dininig.
"Hindi ako tanga, Lailanie para gaguhin at iputan mo sa ulo." Nanggagalaiting sambit ko at sinampal itong muli bago itinulak na ikinasadlak nito sa sahig.
Iyak ito nang iyak habang nakikiusap sa akin. Sarado ang isip ko sa selos. Iniisip ko pa lang na may kinakalantari ang asawa ko at tila gusto kong pumatay at manakit ng tao.
Lumapit ako dito at sinabunutan siya para tumingin sa aking mga mata. But when, she looked at me. Tila natauhan ako nang makita ko ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
Natulala ako at hindi nakaimik. Pabalang ko siyang binitawan at iniwan ito sa kuwarto. Hindi ko alam pero para akong sinabuyan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko.
Minabuti kong umalis muna ng bahay para magpalamig. Ayokong makita muna ito dahil baka hindi lang iyon ang magawa ko sa kanya.