Alam ko na ang hirap ng sitwasyon ni Lailanie ngayon. But I can't help to agree dahil iyon ang desisyon niya. Alam ko na alam niya kung ano ang makakabuti sa kanya. Kahit na hikayatin ko siyang hiwalayan na si Henrico---maninindigan, pa rin ito sa hindi. She wanted to close their story by being friends. Pero sa ugali ni Henrico? Sigurado akong hindi iyon papayag na mawala na lang basta basta si Lailanie sa buhay niya. At paniguradong---mag iinarte na naman siya. Hindi ko naman sinasabing inarte ang sakit niya noon. But now that he's okay? Ano pa bang rason niya para panatilihin si Lailanie sa kanyang tabi?
Sa pagkakaalala ko, ang usapan nila ay hanggang sa gumaling siya. He's okay now, alive and kicking. Bakit hindi pa niya pakawalan si Lailanie?
Masyado kasi siyang selfish. Gusto niyang angkinin ang taong hindi na sa kanya. Kung sana pinahalagahan niya si Lailanie noon---hindi sana ito nagmahal ng iba. Saka, God knows that he's not the right guy for her. Mapilit lang si Henrico at ginamit ang kahinaan ni Lailanie.
That's what I hate about it. Ginamit niya ang sakit niya para ikulong sa kamiserablehan ang kapatid ko.
"Hey, ang lalim na naman ng iniisip mo. Hindi na naman masisid." Si Bryle na bumababa ng hagdan. Lagi kasi niya akong naaabutang natutulala at wala sa sarili.
Sino ba naman ang hindi mapapaisip kapag ganoon ang nangyayari? Kapatid ko si Lailanie at ayoko siyang nagiging miserable.
"Iniisip ko kasi ang mga sinabi ni Lanie. It's been so long pero bakit tila naging mas mahirap ang sitwasyon niya doon sa lalakeng iyon? Noon pa man ay alam kong mali talaga ang pakasalan niya si Henrico, but Lanie is Lanie. Hindi iyan matatahimik hangga't alam niyang may mapapahamak ng dahil sa kanya. Ayaw na ayaw niya iyon. Hangga't maaari ay gagawa siya ng paraan para makatulong. Just like what she did in the past and until now. Magaling na si Henrico, pero bakit pinipili niya pa din ang manatili doon?" Napapabuntong hiningang siwalat ko.
I'm torn in doing things that can Lanie leave Henrico. The right things. Oo, sinabi niyang aayusin niya ang nangyayari pero hindi ako matahimik hangga't hindi ko siya kasama. Nag aalala ako. I don't know but I feel worried.
"Isang sabi niya lang na babalik na siya kay pinsan." Saad niya at umupo sa tabi ko. "Magagawan niya agad ng paraan iyan. Alam mo naman ang kayang gawin ni Isaiah. Lalo na kapag para kay Lanie na ang pinag uusapan. Kaso Isaiah respects what Lanie's decision. Ayaw niyang suwayin ito. Pero kapag nakahanap siya ng dahilan---hindi niya din mapipigilan si Isaiah. At alam mo ang kaya niyang gawin. No one can stop him and you see everything he can do for the sake of Lanie." Mahabang litanya niya. Ni hindi ito nag aalala.
Tama naman ang asawa ko. I know what Isaiah can do kahit noon pa man. Kung pwede nga lang na gatungan ko si Isaiah para bawiin si Lanie ay gagawin ko. But I respect Lanie too much. Ayoko namang magalit siya sa akin dahil pinangungunahan ko ang desisyon niya.
Gusto kong magsalita kay Isaiah para mabawi na niya si Lanie pero hindi maalis sa isip ko nagmamakaawang mukha ni Lanie. Nahihirapan tuloy ako.
" Kailangan nating sundin si Lanie sa ngayon, panget. Hindi tayo pwedeng kumilos ng hindi natin siya iniisip. Based on Isaiah's perception---we need to observe first. Kaya kapag tumawag siya ay pipilitin ko itong magkuwento. Kahit alam kong mahihirapan ko itong paaminin. Lalo na sa bagay na iyan," ani ko. Hindi siya magsisianungaling sa akin. Idedeny niya sa una pero alam kong hindi niya kayang magtagal na nagsisinungaling sa akin. Magsasabi at magsasabi siya dahil makokonsensiya siya.
" Yeah, kahit na si Isaiah ay hindi makakilos para bawiin siya dahil nangingibabaw ang respeto nito para kay Lanie. Pero kapag nagsabi lang si Lanie---baka wala pang isang segundo. Nabawi na siya ni Isaiah sa lalakeng iyon." Puno ng kumpiyansang sambit niya. Parehas namin alam ng asawa ko ang kayang gawin ni Isaiah. Pero si Lanie lang ang pinoproblema namin.
Sa ugali naman ni Isaiah kasi ay hindi malayong gawin niya nga iyon. Naghihintay lang siya ng tamang panahon. Alam ko na nanggagalaiti ito dahil sa nangyaring pananakit nito kay Yanyan at Lanie. Pero nirerespeto niya pa din ang desisyon ng huli, kaya ang hirap din itong kumilos.
Kung pwedeng ako na ang bumawi sa kanya ay ginawa ko na. Kaso ayaw niya na mangialam ako. Nakakafrustrate ang ganito. Alam mo na may nangyayari sa kapatid mong kakaiba pero wala kang magawa.
If I know, patago nang kumikilos si Isaiah. Hindi din iyan mapakali sa nalaman niya. At hindi na ako magtataka kung may mga plano na iyang nabuo. Even Bryle, alam ko na may alam ito kaya ganyan na lang siya kakalmado. Ang hinihintay na lang talaga nito ay ang go signal na magmumula kay Lanie.
"Do you think, Panget? Sinasaktan kaya siya ni Henrico?" May pag aalalang tanong ko dahil sa nakita kong pag uugali ng lalake. He's up to something and I don't know what it is. Pinapanalangin ko na lang na sana ay manaig ang pagmamahal niya kay Lanie. I know Henrico loves Lanie so much. Pinapanalangin ko na lang na sana ay hindi niya kayang saktan ang huli. Dahil kapag nalaman ko---ako mismo ang babawi sa kanya mula dito.
"Subukan ng hayop na iyon. Maski ako ay pipilipitin ko ang kanyang leeg hanggang sa mabali. Hinding hindi ko na ipapahintay pa kay pinsan. Huwag na huwag ko lang talaga malalaman. He's an asshole and a bastard." May galit na saad ni Bryle. Isa din ito sa gigil na gigil kay Henrico. Nandiyan na kasi siya noon pa lamg at nasaksihan niya ang ginawa ni Henrico. At nandiyan siya noong naging miserable ang buhay ng pinsan niya.
Maski ako ay galit din, pero gusto kong malaman ang dahilan niya. Alam ko na hindi ganoon si Henrico. But his action on hurting Yanyan is unacceptable. Doon palang ay nag umpisa ng mamuo ang galit sa aking loob para sa kanya. Ang saktan ang isang walang kamuwang muwang na bata ay kasalanan sa Diyos. At ang kaisipang anak niya pa ito ay mas nagpapagalit sa aking loob.
Kung noon ay isinasaalang alang ko pa ang matagal naming pagkakaibigan---ngayon tila nawawala na iyon. At umuusbong na sa aking dibdib ang galit.
"Sa pananakot niya sa bata? Hindi ako magtataka na may gawin ito kay Lanie. The way he acts when he's here? Hindi ko na siya kilala. I can't see the Henrico that I once knew. Para siyang ibang tao na hindi ko pa nakikilala. And I pity him for that." I sighed in frustration. Masakit sa akin na ang itinuring kong kapatid noon ay nagbago na.
Yumakap ako kay Bryle at isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Nangangamba ako ngayon at hindi ko alam kung ano ba dapat ang susundin ko. Ang kapatid ko o ang sarili kong desisyon?
" Nag aalala din ako, Panget. Pero wala tayo magagawa dahil iyon ang hiningi ni Lanie sa'yo. Pagkatiwalaan na muna natin siya sa ngayon. Pero kapag nalaman namin na sinasaktan siya---walang sali-salitang babawiin namin siya. Kaya huwag ka ng mag alala pa, panget." He caressed my hair. Napapikit na lang ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Mahirap gawin pero pinipilit ko. Dahil iyon ang mabuting gawin sa ngayon.
Hahayaan na muna namin siya, pero huwag lang talaga naming malalaman na sinasaktan siya. Ibang usapan na iyon---hinding hindi niyq na ako mapipigilan.
Hinalikan nito ang tuktok ng aking ulo kaya napatingin ako sa kanya.
" I Love you, panget." Buong pagmamahal na saad ko. Thankful ako na mayroong kagaya niyang lalake na nagmamahal sa akin.
" I love you more, panget." nakangiting saad niya at hinalikan ako sa aking labi.
Parehas kaming napatingin ng magring ang telepono ko sa mesa. Wala namang tatawag sa akin na iba kung hindi si Isaiah at Lanie lang.
Agad kong tinignan nang makita kong si Lailanie ito. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagtawag niya. Kanina pa ako naghihintay para mapanatag.
"Thank God! What happened? Bakit umalis kayo agad? Did he hurt you?" Nag aalalang bungad ko.
"Don't worry, I'm fine. Kumusta si Yanyan?" She answered, but her voice seems off. Bumubulong lang ito.
"Ayon ang daming tanong pero pinaliwanag ko naman nang mabuti. Bumalik pala ang asawa mo dito kagabi." I heard her sighed. Ibig sabihin ay alam niya na pumunta dito si Henrico.
"Sinabi nga niya, sorry about that." Napatango tango ako sa aking narinig. No choice din siyang sabihin dahil sa sugat nito sa gilid ng kanyang labi. Hindi ako nagsisi na sinuntok siya ni Bryle kagabi dahil na rin sa asta at ugali niya. He deserve it.
"Gusto ko din siyang intindihin, Lanie pero bakit ang hirap? Masyado na siyang matigas at walang pinakikinggan. Tama bang palayuin niya ako sa iyo at hindi na makipagkita pa? He's insane, Lanie! That's ridiculous! Kaya ayon---nasuntok siya ni Bryle dahil sa mga pinagsasabi niya." Galit na bulalas ko. Pasalamat nga ako at naawat ko pa kahit papaano si Bryle sa pagsugod sa kanya. Kung hindi---ewan ko na lang kung anong nangyari. Baka sa hospital ang bagsak niya.
" Hayaan niyo na, Marianne. Medyo nagkatampuhan lang kami kaya ganoon ka-grumpy iyon. Marerealize din niya ang mali niya in time. Hayaan muna natin siyang makapag isip. I can change him in time, Marianne, kaya wag ka na mag alala pa." I don't like what she's pointing out.
Parang gusto niyang hayaan na lang namin ang ginawa ng asawa niya.
What more can we do? Hindi ko naman mahindian ang babaeng ito. Kahit ayoko---mas nangingibabaw pa din ang pagiging kapatid niya sa akin. Napanatag ako na hindi siya sinaktan ni Henrico. I'm okay now.
I sighed.
" Kung kailangan mo ng tulong, andito lang kami. Huwag ka magtiis sa gagong iyan." Dagdag ko pa. Gusto ko siyang matauhan kahit papaano. Henrico's behaviour is nothing to compare now. He's a beast.
" Tama na, Marianne. I called, because I wanted to say something." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"At ano naman iyon?" Nako-curious na tanong ko. Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.I know she has plans in her mind.
"Ganito kasi iyon..." umpisa nito at tumikhim. "Ito kasi ang makakabuti sa ngayon. Hindi muna ako magpaparamdam at tatawag sa inyo for a couple of months. Hayaan niyo muna akong resolbahin ko ang problema sa pagitan namin ni Henrico."
Napamata ako sa mga pinagsasabi niya. Tila pinagsakluban ng mundo ang dibdib ko. Is she for real? Parang sumang ayon ito sa kagustuhan ng lalakeng iyon. That bastard!
"Are you f*****g out of your mind, Lanie? Sumasang ayon ka ba sa plano ng gagong iyon? Are you planning to avoid us completely?" Hindi ko itinago ang galit sa aking boses. Nababaliw na ba siya para sang ayunan ang gagong iyon?
Nakakagago talaga.
"Listen, Marianne. Hindi ako sang ayon sa plano niya dahil hindi kita kayang iwasan at kalimutan kahit kailan. Kapatid kita at hindi na iyon mababago pa. I just needed time to change him and bring him back to the old Henrico we used to know. At alam ko na makakaya ko iyon. He's changing a lot lately at nangangamba ako." Paliwanag niya. Gusto ko siyang intindihin pero bakit napakahirap?
Isa din ito sa sakit ng ulo. Nakapag isip na naman siya ng kung anong makakabuti sa iba. Hindi man lang niya isipin ang kanyang sarili.
" Pero, Lanie---makakasiguro ka bang kaya mo pa siyang baguhin? " Nag aalangang tanong ko. Sa ugali niya kagabi? Parang napakahirap ng gawin iyon.
" Maybe, Marianne, hindi ko alam pero gagawin ko ang lahat. Pero kapag dumating ang araw na hindi ko na kaya---ikaw ang unang hihingan ko ng tulong at alam mo na ang gagawin mo. Just let me handle this for now. Sana maintindihan mo ako." She's trying to explain everything for me to understand. Maintindihan ko man o hindi, sigurado naman ako na susundin niya ang iniisip niyang makakabuti sa lalakeng iyon.
Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kung hindi ang sumang ayon na lang sa kanya.
" Okay, as you wish, Lanie. Basta siguraduhin niya lang na hindi ka niya sasaktan dahil mananagot siya sa amin. If you have time balitaan mo ako kahit palihim lang." Sumusukong pagsang ayon ko. Kahit naman hindi ako pumayag ay wala din akong magagawa.
" I will, Marianne salamat sa pag intindi. Kailangan ko ng patayin ang tawag. Madami pa akong gagawin dahil pupunta kami sa mga magulang niya. Ingat ka lagi diyan and kiss Yanyan for me. Tell him that I love him so much at magkakasama din kami pagdating ng araw. Ikaw na muna bahala sa kanila. Bye, Marianne and I love you." Paalam niya.
" I love you too, Lanie. Mag iingat ka diyan. Ako na ang bahala sa kanila. Basta kapag makapuslit ka---maghihintay ako lagi. Bye..."
Nang mamatay ang tawag ay napabuntong hininga talaga ako at mas isiniksik ang katawan sa katawan ni Bryle. Nakakafrustrate talaga ang nangyayari. I slowy close my eyes to calm. Ai Bryle naman ay hinahagod lang nito ang aking likuran at panay panay ang halik nito sa tuktok ng aking ulo.