Chapter 3

2134 Words
Inaasahan ko na ang pagtawag ni Marriane pagkauwi ko. But Henrico didn't let me answer it. Binantaan niya pa akong hindinko makikita si Ella kapag sinagot ko ang tawag niya. He's been like that. Tapos, kinonfiscate pa niya ang phone ko at nilayasan na lang ako bigla sa sala. No words. He's being that rude again and again and again. Hindi ba siya nagsasawa sa kasungitan niya? Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang pigura nitong paakyat ng hagdan. Basta nilayasan niya na lang ako at umakyat na sa taas. Napaka niya talaga. Ang sarap niyang sampakin pero wala naman akong kagawa. Gusto kong intindihin ang pinanggagalingan niya pero ang hirap, eh. He's being stubborn and hardheaded. Wala siyang iniisip kung hindi ang sarili lang niya. Naging kaibigan niya din si Marianne, pero sa inaasta niya. Parang kalaban na ang tingin niya dito. He changed into someone, we don't totally know. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama at pagkukulang. I followed him always. Wala akong sinuway kahit isa sa mga sinasabi at inuutos niya. Ngayon lang dahil sobrang miss ko na ang pamilya ko. Pati sina Nanay at Tatay ay hindi ko din pwedeng makita. Bawal lahat at kailangan na alam nito ang bawat kilos ko. Sinusubukan ko namang magpaalam sa kanya lagi kapag may gagawin ako. Pero ano? Hindi pwede, bawal kang lumabas. Dito ka lang sa bahay, walang magbabantay kay Ella. Ang dami niyang dahilan. I sighed. Pasalampak akong naupo sa malaking sofa at napasandal. Namomoblema ako kung paano ko siya kakausapin nang maayos. Napapagod na talaga akong ganito. Gusto kong dagdagan pa ang mahaba kong pasensiya. Kaso masyadong matigas si Henrico at ayaw magpaawat. Sige pa din nang sige ng hindi man lang nag iisip. Kaya minsan ay natututo na din akong lumaban. Sumosobra na kasi siya. Umusbong mas lalo ang galit ko nang maalala ko ang inasal niya sa bahay nina Marianne. Para siyang walang pinag aralan sa inasal niya. Hindi man lang niya kinonsider ang pagkakaibigan naming tatlo noon bago niya ako sinaktan. Tapos ngayon---mas nagiging malala na siya. Imbes na manggalaiti ako dito---mas minabuti kong umakyat sa kuwarto ng anak ko. Pangpawala ng sama ng loob at galit. My daughter is my happiness while I'm with him. Si Ella ang nakakatanggal ng mga hinanakit at galiy ko. Pagdating ko sa loob ng kuwarto ng aking anak. Payapa na itong natutulog sa kanyang higaan. Mabilis akong lumapit at hinaplos ang kanyang buhok. Sa ganitong paraan man lang ay maibsan din ang pangungulila ko sa isa ko pang anak na matagal ko ng hindi nakakasama. "Magkikita din kayo ng kapatid mo anak ko. Hindi man ngayon pero malapit na. Aayusin lang ni Mama ang gulong napasukan niya. Ayokong maging magulo ang buhay ninyong dalawa kaya gusto kong itama ang lahat. Mahal na mahal ko kayo ng kuya mo." At hinalikan ko na ito sa kanyang noo. Balak kong matulog na lang dito pero kailangan ko munang magbihis. No choice ako kung hindi ang pumunta ng kuwarto para mag ayos saka babalik na lang dito sa kuwarto ng anak ko. It would be better if I stay here for the time being. Iwas away at gulo. Hinalikan ko muna ulit sa noo ang anak ko bago ako lumipat sa aming kuwarto. Iignorahin ko na lang si Henrico. Yun ang pinakamagandang gawin. Pagkabukas ko pa lang ng kuwarto namin ay nakita ko na siyang nakaupo sa sofa. Nagbabasa ito ng kung ano sa kanyang laptop. Hindi ko siya pinansin at nagtully tuloy ng pumasok sa loob. Dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Habang nasa ilalim nang malamig na tubig. Iniisip ko kung ano ba dapat ang aking gagawin. Paano ko aayusin ang magulo ng sitwasyon namin ni Henrico? Kaya ayoko munang umuwi ng Pinas dahil hindi pa ako handa at inaasahan ko na ang mga ito. Alam kong may dahilan si Henrico kung bakit kami umuwi. He has no business here anymore. Gaya ng sinabi ng mga magulang nito ay binenta na niya lahat dahil ang usapan nila ay doon na ito maninirahan. Pero, hindi ito tumupad sa mga magulang niya. Even his parents are worried. Naging grumpy na ito at paiba iba na ng mood. Hindi ko na din alam ang gagawin ko sa kanya. Kahit anong pagpapaliwanag ang gawin ko ay hindi ito nakikinig. Mas pinipili nitong pakinggan ang baluktot niyang dahilan at pananaw. Naging matigas na din ito. Alam ko na may kasalanan din ako pero---hindi ako nagkulang. Kahit na nga dapat ay naghiwalay na kami gaya ng pinagkasunduan noon. Pero hindi ko ginawa dahil umaasa akong mababago ko pa siya. Inisip ko na lang na kinasal pa din kami at kailangan ko munang ayusin ang buhay niya bago ko siya iwan. May responaibilidad ako sa kanya na dapat kong tuparin. Ayoko siyang ganito. Mahirap ang magkaroon ng galit sa dibdib at lalong lalo na ang mabulag sa katotohanan. Unti unti kong ipapaintindi sa kanya ang lahat kahit alam kong napakaimpossible ng mangyari. "I'll bring him back to the way he was. Alam kong may tinatago pa din siya kabaitan sa puso niya. Napapangunahan lang siya." Napabuga na lang ako ng hangin sa tubig at naligo na. ~~~~ Lalabas na sana ako muli ng kuwarto ng magsalita ito. His words---totally unbelievable! " You're not going back there." He said still looking at his laptop. Napataas ang aking kilay, "at sino ka para pagbawalan ako? Asawa lang kita, Henrico. You have the right to tell me what's right and wrong. But you have no right to control my decision. Stop acting like a child, Henrico. Grow up." Payo ko dito na ikinatingin niya sa akin nang nakangisi. "You are mine, Lailanie. And I can decide for you. Baka nakakalimutan mong nangako kang gagawin mo ang lahat para sa akin?" He said seriously and closed his laptop. "You promised me that you'll follow everything I wanted and say." Dagdag pa nito. "That's not what I meant for that. Susundin kita kapag nasa tama ka, Henrico. Pero sa ginagawa mo? Wala ka sa tama. Nasa mali ka. Nilalayo mo ako sa mga taong dapat ay nasa tabi ko at hindi ikaw. Oo kasal tayo, pero sana maisip mo din na karapatan ko ding magsalita at magdesisyon para sa sarili ko. Huwag mo naman akong ganituhin, Henrico. I've been trying to hold on, but I guess I cannot take it anymore." Naiiling at malungkot na saad ko dito. " Sorry to burst your bubble, Lailanie. Wala ka ng kawala sa akin at mananatili ka sa tabi ko. No matter what happens---I will never let him have you. Never! " Galit na sigaw nito at napatayo pa. Nagulat ako sa galit na lumukob sa kanya. He's really mad at halatang kaya nitong manakit sa uri ng galit na namamayani sa puso niya. " Henrico, think. Walang magandang patutunguhan 'yang galit mo. Sinisira mo lang ang buhay mo sa walang basehan na pananaw mo. May oras pa para ayusin ang lahat, Henrico. Please... pakinggan mo lang ako." Nakikiusap kong hiling dito. Gusto kong maayos ang lahat sa pagitan namin sa lalong madaling panahon. Ang hirap ng ganito kapag nasa iisang bahay lang kami. Kailangan ko na namang magpakumbaba para hindi na lumala pa. Kaso napapatid din ako. " It's too late for that, Lailanie. You had the chance back then. But you choose him." May diin ang bawat salita nito. Napabuga ako nang marahas na hangin. Kailan ba siya titigil? "I choose you, Henrico. Hindi na natin siya kailangan pang isali sa bawat pagtatalo natin. Kung siya ang pinili ko---dapat wala ako sa tabi mo ngayon. Mag isip kang mabuti. Stop acting like a kid and grow up." Nawawalan na ako ng pasensiyang magpaliwanag sa kanya. Masyado nang matigas ang puso niya. Pati ang utak niya sarado na din. Kung ano ano na lang ang iniisip. " You?" Tinuro niya ako at mas lumapit pa sa gawi ko. "You choose me?" Tumawa ito nang malakas na ikinagulat ko. Bigla na lang nagbabago ang emosyon niya. "Sige nga, Lailanie. Tell me---why did you choose me?" He asked sarcastically. Ako naman ay tila nawalan ng dilang magsalita. Bakit nga ba? Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya ang pinili ko. Dahil na rin sa panggigipit nila sa akin noon. "See? Hindi mo masagot ang tanong ko. Simpleng tanong lang iyan pero wala kang maisagot. Tell me, Lailanie? Should I trust you?" He asked again and looked at me in my eyes. "Noong pinili kong magpakasal sa'yo, I never cheated, Henrico. Alam mo iyan. Ni minsan ay hindi ako gumawa ng mali. Lahat ginawa ko. Lahat sinakripisyo ko. Lahat- lahat ng sinasabi mo, sinusunod ko kahit labag sa kalooban ko. Gusto kong maayos ang pagsasama natin. Pero ikaw ang lumalayo, Henrico." Umiling ito at napa-smirk. Ayoko siyang sisihin pero siya talaga ang may pagkukulang. " Ako ang lumalayo? Are you sure? Baka nagkakamali ka." Tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang kinauupuan. Sinundan ko siya. Gusto kong magkaliwanagan kami ngayon para maayos pa ang lahat. "Yes, Henrico. Nilalayo mo ang sarili mo sa akin. Mas pinipili mong manatili sa galit na nararamdaman mo. Nag umpisa na tayo noon, masaya tayo. Bakit ganitonna ngayon?" Mas lumungkot ang boses ko, lalo na ng maalala ko ang mga panahon na magkasama kami. Panahong masaya lang ang lahat at walang pagtatalo. " That was in the past. Gusto mo ba talagang maayos ang relasyon natin?" Bigla nalang itong humarap na ikinatango ko. Siyempre, gustong gusto ko. Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon. Mabilis akong tumango. "The prove it." Biglang ani niya. "Paano?" Naguguluhang tanong ko. Paano ko papatunayan kong noon pa man ay alam kong napatunayan ko na sa kanya. Ano pa bang pagpapatunay ang gusto niyang mangyari? "Sundin mo lahat ng gusto at sasabibin ko. Magiging maayos tayo." Sabi niya at dinampot ang papel sa kanyang harapan. "Sinusunod ko naman lahat, Henrico. Ano pa ba ang hindi ko pa nasusunod? Tell me." Grabe na ang pakikiusap na ginagawa ko sa kanya ngayon. Para lang maayos ko ang gusot sa pagitan naming dalawa. "Are you sure?" Paninigurado nito na tinanguan ko na naman. "I don't think so, dahil kung nasunod mo nga lahat ng gusto ko---hindi ako magkakaganito." Bigla ang pagbalatay ng lungkot sa kanyang mukha. Pero agad ding napalitan ng galit. "Kung sinusunod mo ako---dapat ako na ang mahal mo at hindi siya!" Sumigaw na naman ito sa akin. Natahimik ako. Hindi naman ganoon kadali ibigay ang pagmamahal na sinasabi niya. Simula noon kilala na niya ang ugali ko. Alam niya na kapag nagmahal ko---totoo. Pero sinira niya ang tiwala at pagmamahal na nilaan ko sa kanya. "I did once, Henrico. At alam mo iyan." Sabi ko at nilabanan ang mga titig niya ng may lungkot sa aking mga mata. "Minahal kita ng sobra sobra. Binigay ko lahat sa'yo. Wala akong tinira. I even begged in my knees para lang hindi mo ako iwan. Pero anong ginawa mo? Tinalikuran mo pa din ako at iniwang nasasaktan. Ni hindi mo ako nilingon. Your reason isn't enough in the past, Henrico. Dapat bumabawi ka sa akin at hindi ang mas lalong pasakitan ako. Tama na, Henrico. Let's fix this." Natahimik ito at bigla na naman akong tinalikuran without a word. "We started way back pero nagbago ka Henrico. Biglaang pagbabago na ikinagulat ko. We are okay that time pero bakit ka biglaang nanlamig sa akin? Mas pinili mong magbago kaysa ang magandang relasyon na itetreasure natin. We even promised to each other na aayusin natin ang pagsasama natin bilang mag asawa. Tuparin mo ang pangako mo, Henrico. Kahit ngayon lang. " Huling sabi ko bago ako tumalikod. Pero bago ako naglakad paalis ay nagsalita akong muli para magpaalam. " Sa kuwarto ako ni Ella matutulog at mag iistay. Think Henrico. Mag isip kang mabuti para sa ikabubuti nating lahat, hindi yung para sa ikabubuti mo lanh. Good night, Henrico." At mabilis na akong umalis sa kuwartong iyon. Malapit nang malaglag ang luhang tinitimpi ko. Nasasaktan ako sa nakikita kong pagbabago niya. Matagal na akong nagtitiis at hindi ko na kaya pa. Nagmamatigas at sinasagot ko siya pero nasasaktan ako ng sobra sa loob ko. Gusto kong maayos na pagsasama pero hindi niya iyon maibigay. Mas gugustuhin nitong naghihirap ang kalooban namin. Parang gusto nitong maging miserable ang buhay naming lahat. He's conceited. Nang makapasok na ako sa kuwarto ni Ella ay kinarga ko siya. Gusto ko siyang katabi sa kama. Gusto kong kumuha ng lakas sa kanya. I wanted to cry and cry. Kaso kahit umiyak ako nang umiyak---wala ding mangyayari kung ayaw niyang magbago. I'll let him decide. Kung saan siya sasaya---tatanggapin ko. Kahit na ang pinakamiserable pang pagsasama ang ibigay niya. Hanggang sa marealize niya ang mga pagkakamali niya. I'll just let him...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD