Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak at magalit. Nagulat siya sa mga sinabi ko. Magsasalita na sana ako ulit nang angkinin niya muli ang mga labi ko, gusto ko siyang sipain at pigilan sa ginagawa niya ngayon sa akin. Pero ayaw ng damdamin ko. Hinayaan ko siyang halikan ako, at yakapin. Niyakap niya ako ng mahigpit at napahagulhol siya sa kaiiyak. Hinimas-himas ko ang kanyang likuran, humihikbi na nga ito sa kaiiyak. Naaawa ako sa kanya, bakit may mga taong minahal mo na nga sasaktan ka pa. Ilang sandali, tumahan na ito. Ako na mismo ang nagpahid ng mga luha niya sa mga mata, halos isang dipa lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Ikinulong niya ang mukha ko sa magkabilang-kamay niya. " Thank you, Maid " Kiniss niya ako ulit pero smack lamang iyon, ngayon nakahiga ako s

