" Honey, don't say that. Malay mo nagbago na nga ang Panganay mo " " Nagbago ? Kalokohan . Tara na, baka masira pa ang gabi ko sa batang 'to " Hinila na nga niya si Mommy papasok ng kotse. " It means, hindi talaga totoo na pinapauwi na ako ni Mommy ? So she lied ? Dahil ba sa halik kaya niya ako nagawang lokohin ? Damn it ! " Padabog akong umakyat sa taas para magpahinga na. Ngunit natigil ako sa pagpihit ng doorknob ng kwarto ko nang magkasalubong kami ni Benny. Napasandal ako sa pinto ng kwarto ko, napansin ko na napatingin siya sa buong paligid. " Hinahanap mo ba si Stephanie ? " Hindi ito nakakibo. " Kahit hindi mo sabihin alam ko na si Stephanie ang hinahanap mo. Sorry but she's not here, she decide na umuwi na sa province nila. Nagpaiwan siya dun " " Galing kayo sa province

