STEPHANIE POV
Habang nasa biyahe kami, tumunog yung selpon ko. May nagtext, binuksan ko iyon at binasa. Si Madam, nagtext.
SEND ME PIC IF YOU TAKE A CAPTURED OF HIS SMILE. GOODLUCK AND TAKE CARE.
Napangiti ako. Kunsabagay, isang kaligayahan na rin ang makita ng isang ina ang ngiti ng kanyang anak.
" Binili ba yan ni Kiel para sayo?" Tanong sa akin ni Sir Benny, napabaling ako sa kanya.
" Hindi po, si Madam po ang bumili nito para sa akin"
" Ah I see, bakit ? Hindi ka ba binilhan ni Kiel?" Nilingon ko si Sir Harrison sa backseat ng sasakyan, nakapikit ito habang suot ang headset nito. Binalingan ko muli si Sir Benny.
" Nagtalo nga kami kagabi eh, kasi hindi ko raw sinabi na wala pa akong selpon"
" Really ? Nakipagtalo ka sa kanya ? Amazing." Napakunot-noo ako.
" Bakit?"
" Eversince kasi walang nakipagtalo kay Kiel maliban sa mga magulang nito na palagi siyang napagsasabihan. Pero ikaw na personal maid niya nagawa mo'ng makipagtalo sa kanya. Nakaka-impress naman"
Napalunok ako ng marahan.
" Kasi naman denedepensa ko lang ang side ko, hindi kasi ako pinalaki ng mga magulang ko na maagrabyado. Hindi ko naman sinasadya na sumagot sa kanya, oo wala akong karapatan kasi maid lang ako at amo ko siya. Pero hindi ko naman kasi gustong hindi naririnig ang side ko"
" You are a strong woman, hindi na ako magtataka kung mapaamo mo ang pinsan ko"
" Mapaamo?"
" Yes as like what you said, nagawa mo nang makipagtalo sa kanya. Without knowing what will happend next, napakatapang mo sa bagay na yun." Napangiti ako ng kusa.
" Kahit kailan hindi ako mapapaamo ng isang maid, Benny. Tandaan mo yan." Napakagat-labi ako. Nakikinig pala ang bruho, kasi naman akala ko abala ito sa pakikinig ng kung ano sa headset niya.
Nagkatinginan kami ni Benny bago ito nagpasyang abalahin ang sarili sa pagmamaneho.
" Kiel, what I mean is baka siya na ang makakapagpagaan ng loob mo. Like makakaintindi sa sitwasyon mo, brokenhearted ka diba?"
" Hindi siya makakatulong sa recovery ko, Benny. Sa mga gawain sa bahay, oo meron. Pero sa buhay ko, hindi. At sino ba siya para pumayag ako na manghimasok sa buhay ko?"
" Dude, your too harsh. Dinibdib mo naman agad, if nga hindi ba?"
" Kahit if pa yan, wala parin siyang maitutulong" Sumusobra na talaga siya. At anong akala niya sa akin, interesado akong halungkatin o alamin ang dahilan ng pagiging broken hearted niya? Hindi no. Kahit pa maglupasay siya sa tindi ng sakit hinding-hindi ko siya dadamayan..hindi kahit kailan.
" Sorry, Stephanie. Hindi mo dapat iyon naririnig mula sa kanya"
" Huwag ho kayong magsorry, Sir Benny"
" Oops, anong sabi ko?"
" Ay Benny pala, kasi naman sinasanay ko pa ang sarili ko na tawagin ka ng ganoon"
" Isa pa yan, Insan. Hinahayaan mo ang maid ko na tawagin ka lang Benny?"
" Ofcourse, Kiel. We're friends, anong masama dun?"Hindi ito nakakibo. Ipinikit na niya muli ang mata niya at umidlip nalang.
" Minsan talaga, napakaseloso ng pinsan ko'ng ito. Ni isa kasi sa naging maid niya hindi siya pumayag na tawagin akong Benny lang. Pero ikaw, okay lang din naman sa akin. Magaan nga ang loob ko sayo eh"
Napangiti ako ng kaunti, talaga?Hindi ko inaasahang marinig yun. Una palang kasi, magaan din ang pakiramdam ko sa kanya. Pero sa mokong na ito? Diyos ko! Parang gusto ko nalang manakal ng tao.
" Were here" waring saad ni Benny nang dumating kami sa lugar na pupuntahan namin. Isang resort iyon, napakunot-noo ako.
" Benny, akala ko ba may kaso kang hinahawakan ? Hindi ba dapat sa hall of justice tayo ? May hall of justice ba rito?"
" Meron, pero diyan kami magkikita ng client ko. Kukuha tayo ng room diyan, gisingin mo na si Benny para makapag-occupied na tayo ng rooms natin." Nilingon ko si Sir James. Tinapik ko siya.
" Sir Harrison, gising na po. Nandito na po tayo." Napaunat ito. Hmp! Tamad talaga. Kung makaunat parang siya yung nagda-drive.
Lumabas na kaming tatlo sa sasakyan at nagtungo na sa loob.
" Miss room for three"
" Naku, Sir. Dalawang rooms nalang po ang available, marami po kasi kaming turista na nagtungo rito." Binalingan ni Sir Benny si Sir Harrison.
" Is it okay with you, Kiel. Iisang kwarto lang kayo ni Stephanie?" Nagcross ang magkabilang kilay ni Sir Harrison.
" What ? Hindi ako papayag! Ayoko" At ano akala niya, papayag din ako? Hindi no.
" O sige tayo nalang ang magkasama sa iisang room. Si Stephanie naman sa isang room. Okay ba sayo, Stephanie?"
" Oo, Benny. Okay lang kaysa naman makasama ko yan" Bulong kong sabi.
Nang makakuha kami ng kwarto, pumasok na ako sa loob ng kwarto at inayos ang mga gamit ko. Ang ganda ng room na ito, masyadong malaki para sa akin. Pero okay lang kaysa naman makasama ko sa iisang kwarto ang bwesit kong amo.
HARRISON KIEL POV
Binalibag ko yung dala kong bag sa sofa ng room kung saan kami nakapag-occupied. Napahilata ako sa kama.
" Bakit ba mainit ang dugo mo kay Stephanie ? Is it because sinasagot-sagot ka niya?"
" Hindi lang yun. Napakatapang, hindi yata natatakot mawalan ng trabaho, eh"
" Kiel, she was just defending herself"
" Defending? From what?"
" From you. Kilala kita alam ko napakahilig mo'g mag-accuse ng tao, lalo na sa mga maid na naka-assign sayo. Ngayon nakahanap ka na ng katapat mo"
" Sinong katapat? That maid now? Huh, hindi niya alam kung ano ang kaya ko'ng gawin"
" Binabalaan kita, Kiel. Malaki ang pangangailangan ni Stephanie. She need this job, be good to her naman." Tumaas ang isang kilay ko.
" Bakit ba napaka-concern mo sa kanya ? Don't tell me may gusto ka sa maid na yun."
" Ofcourse not, ang sa akin lang naman. Sana makita mo kung gaano kahirap kumayod para mabuhay at mabigyan ang mga magulang ng pangangailangan nila. You are blessed nga, eh. We are blessed kasi nakapag-aral tayo at nagkaroon tayo ng mataas na trabaho. Aside from you, hindi ko ba alam kung ano ba ang plano mo sa buhay. Kung sinunod mo lang kasi ang gusto nina tito at tita, baka magkasama na tayong lumulutas ng isang kaso."
I rolled my eyes.
" Sabi ko na nga ba diyan din tayo pupunta. Alam mo naman na wala akong passion sa pagiging lawyer. I most love cooking, I want to be a chef"
" Oo nga gusto mo yun, pero ka nag-aral para maging chef. Paano mo matutupad ang passion mo kung hindi mo naman ito pinu-pursue?"
" Yun na nga eh, kapag nalaman nila na nag-aral ako nun sapak na naman ang matatanggap ko kay Dad. At mura naman kay Mom, huwag na hahayaan ko nalang na maging blacksheep sa pamilya kaysa sumunod sa gusto nila."
" Paano kung ipatapo ka nila sa farm na pag-aari ng pamilya niyo at yun ang ipatakbo sayo?"
" Ay hindi naman ako papayag diyan, magkakamatayan muna kami"
" Look at me, hindi ba gusto ko'ng maging teacher. But Dad wants me to be a lawyer, kahit mabigat at ayaw ng kalooban ko. Ginawa ko ang gusto nila, tingnan mo ako successful lawyer na."
" Masunurin ka kasi eh ako kahit pa itulak nila ako para sa gusto nila, ayoko parin."
He lend his hand on my shoulder.
" Alam ko na mahirap maging kontrolado sa gusto ng mga magulang natin. Pero ginagawa lang naman iyon para sa ikabubuti natin, parent's know's best. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo ngayon sa mundo."
Hindi ako makakibo. Kahit na, alam ko na malaki ang utang na loob ko sa kanila. Alam ko na marami na silang naibigay para sa amin ni Anny. Pero hindi iyon magiging sapat para pati gusto ko, kontrolin nila. Mahal ko sila, pero hindi ako mapapanatag kung hindi ang gusto ko ang masusunod.
" Alam mo, naiinggit ako sayo." Napaismid ako.
" Naiinggit ka sa blacksheep? Bakit naman?" Napangisi ako.
" Kasi..matapang ka. Kinakaya mo na hindi sila sundin"
" Anong ibig mo'ng sabihin?"
" Kasi bata palang ako nais na talaga ni Dad na maging lawyer ako kahit ayoko, but I don't have a choice. They want to sent me somewhere, kaya lang hindi ko kayang malayo kay Mommy nun. So I decided na sundin ang gusto ni Dad." I chuckled.
" Pero hindi tulad ni Dad si Tito. Oo, gusto niya maging lawyer ka. But I haven't heard na pinahiya ka niya sa harap ng maraming tao. Sa akin? He did. Kaya nga kami nagkahiwalay ni Pearl dahil doon."
" I am so sorry, Kiel. Wala akong nagawa that time."
" Sus wala yun. Matagal na rin yun, kalimutan na natin."
" Rejection is hard, kaya ba ayaw mong sundin ang Daddy mo dahil doon?" Napatango ako ng marahan.
" Get some rest, bababa lang ako. May client ako today, mag-uusap kami sa cafe. Do you want to come?"
" No, I want to stay here"
" Call Stephanie kapag may kailangan ka."
" I will" Hmp! Hindi ko tatawagan ang babaing yun. Naiinis ako sa kanya, napakadali niyang sagut-sagutin ako. Eh maid ko lang naman siya, she don't have the right para sagut-sagutin lang ako. Hmp! Alam ko na, kapag sinasagot-sagot niya ako. Pagbabantaan ko na naman siya na hahalikan ko muli siya, about that kiss. Infairness malambot ang labi ng bruha. Pinkish yung lips niya, ilang lalaki na kaya ang tumikhim sa labi niyang yun? Tumaas ang isang kilay ko. Bakit ko naman iniisip yun ? Hindi naman ako interesado sa kanya.
Hindi ba? Oy, hindi talaga. Baliw!