STEPHANIE POV
Abala ako sa pagliligpit ng pinagkainan kanina ni Sir Harrison nang hindi ko namalayang lumapit pala sa akin si Sir Benny.
" Stephanie?" Biglang tawag niya sa akin.
" Ay palaka ka!" Gulat na sambit ko, napalingon ako sa kanya. Napangisi ito.
" Ang gwapo ko namang palaka"
" Expression ko lang po yun, Sir Benny. Sorry po, kasi naman po nakakagulat kayo eh"
" Sorry. Pwede ba kitang makausap saglit?"
" Ay opo, Sir. May gusto ho ba kayong inumin o kainin ? Ipaghahanda ko po kayo?"
" No, don't bother. Saglit lang naman ito, hindi naman ako magtatagal"
" Ay sige po" Umukupa kami ng mauupuan.
" Bakit po pala, Sir?"
" May out of town case ako, inaya ko na rin si Kiel na sumama sa akin"
" Naku, Sir. Ibig sabihin, matatagalan ho kayong mawawala?"
" Tayo, Stephanie"
" Po? Kasama ho ako?"
" Yes, isasama kita dahil bilang personal maid ni Kiel dapat ka ring isama dahil sa kanya ka naka-assign. Mas kailangan ka rin niya doon, so are you coming?"
" Eh, kung papayag ho siya"
" Wala naman siyang magagawa, ako mismo ang nagsabi na isama ka. Prepare your things, mamayang gabi tayo aalis. After mo magligpit sa gamit mo, umakyat ka na rin sa taas at gamit naman ni Kiel ang ihanda mo. Susunduin ko kayo by Ten PM "
" Sige po, Sir"
" You don't have to call me Sir, just Benny"
" Ay naku, maid lang po ako. Hindi ho ata pwede"
" Ako na ang nagsasabi. Call me by that name. No buts, I have to go"
" Ingat po"
Umalis na nga ito, nagtungo na ako sa kwarto at isinilid ang mga gamit ko sa bag. Saan kaya kami papunta?
Pagkatapos ko'ng magligpit ng gamit ko, nagtungo ako sa kwarto ni Sir Harrison. Kinatok ko yung pinto, walang tao sa loob. Mabuti naman wala, sinilip ko ang banyo. Wala rin. Sakto makakapagligpit ako ng maayos. Dumiretso ako sa closet niya at pinili ang mga gusto niyang damit.
Nang masagi ang mukha ko sa salamin bigla kong naibaba ang tingin ko sa mga labi ko. Napalinga-linga ako, yung kiss na yun. Bakit hindi maalis sa isip ko? Kasi naman first kiss yun, eh. Para sana yun sa lalaking gusto ko! Tapos nanakawin niya.
Ugh! Nakakainis.
HARRISON KIEL POV
Pinatahan ko muna si Anny bago ko tinanong kung bakit siya umiiyak.
" Okay ka na ba?" Napatango ito nang marahan.
" Thank you, Kuya. You are here to comfort me"
" Ofcourse, baby girl kaya kita"
" Kuya, I'm not baby anymore kaya kami nagkahiwalay kasi tingin niya baby parin ako"
Kumunot-noo ko.
" What? He broke up with you?"
" Yes, Kuya. He choose his ex between me"
" Thats...bastard!" Naikuyom ko yung isang kamao ko, lumabas na rin ang ugat ko sa nakayukom kong kamao. Hinawakan iyon ni Anny, napatingin ako sa kanya.
" Don't mind him, Kuya. May kasalanan rin naman po ako, wala akong masyadong time sa kanya. Palagi kasi ako'ng may pending cases kaya minsan lang ako nakakapag-spend ng time sa kanya. Kaya madali sa kanya ang hiwalayan ako"
" But, Anny. Hindi naman yun reason para"
" Its fine, Kuya. Okay na din naman ako, eh. Thank's to you" Niyakap ko siya.
" I'm so sorry, Bunso" Hindi na ito kumibo.
" Siyanga pala, baka gusto mo'ng sumama sa akin"
" Bar hopping ? no thanks, Kuya. Alam mo naman na wala akong hilig diyan"
" I know, hindi naman ito nar hopping eh. Inaya ako ni Benny may out of town case daw siya, mapapagaan natin yang loob mo if sasama ka with us"
" I loved too, Kuya. But may pending cases pa akong dapat asikasuhin, kayo nalang muna"
" Bunso, huwag masyadong workaholic. Makakasama yan sa health mo"
" Nakakapagpahinga rin naman ako, Kuya. By scheduled naman ang cases na hinahawakan ko, I'm fine. Don't worry"
" Anny"
" Kuya, trust me. Okay?"
Hindi na ako kumibo. Hindi ko na rin siya kinulit, hinatid ko na siya sa room niya. Nagpaalam na rin ako, kayat nagbalik ako sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto, I saw my maid.
Natutulog sa...kama ko?
Balak ko sana siyang gisingin kaya lang naghihilik pa ito. Tinitigan ko siya, hmmmp..siguro kapag naayusan ito maganda ang babaing ito. What Am I thinking? Bumuntong-hininga ako at hinayaan nalang siyang matulog sa kama ko. Nahiga ako sa sofa at doon umidlip, its the first time na may maid na natulog sa kama ko. Siguro napagod siya, ano ba kasing ginawa niya buong araw at tila pagod na pagod?
STEPHANIE POV
Tumupad ako sa usapan namin ni Madam, nagtungo ako sa garden at doon siya hinintay. Alas siyete singkwenta na, alas otso ang sabi niya pero nagpaaga na ako. Wala rin naman akong gagawin.
Makaraan ang ilang oras.
" Stephanie" Tawag ni Madam ng makalapit siya sa akin.
" Kanina ka pa ba?"
" Opo, Madam. Alas nuwebe na po eh, kanina pa po kasi ako alas siyete dito. Pero okay lang po, Madam. Amo po kita, handa po akong maghintay" Napangit siya.
" Here" Iniabot niya sa akin ang isang supot.
" Bagong cellphone, Madam?"
" Yes kagaya ng ipinangako ko sayo, just promise me na kukuhanan mo ng litrato ang bawat ngiti ng anak ko"
" Masusunod, Madam. Siyanga po pala, aalis kami mamayang ten PM. May out of town case po raw kasi si Sir Benny inaya niya si Sir Harrison. Isasama rin daw po nila ako"
" Siguro makakatulong iyon sa recovery niya, basta yung bilin ko ha?"
" Opo, Madam"
" Inilagay ko na diyan ang number ko at ang email ko. Just message me okay?"
" Opo, Madam. Salamat po dito"
" Youre welcome, say my goodbye to my son. May night out kami ng mga amega ko baka hindi ako makapagpaalam sa kanya "
" Ipagpapaalam na ho kita sa kanya, Madam"
" Thank's, I have to go"
" Ingat po kayo, Madam" Pagkaalis niyay nagtungo ako muli sa loob ng bahay, ngunit napatampik ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Sir Harrison.
" Sir Harrison naman eh, nanggugulat ka naman eh" Naiinis na turan ko sa kanya.
" Anong kailangan ni Mommy sayo? And what is that?" Taanong niya saakin
" Binilhan niya ako ng cellphone, kailangan ko kasi ng kontak sa pamilya ko. Bakit ? Masama ba yun ? Bawas naman ito sa sweldo ko eh"
" Bakit hindi mo sinabing wala kang cellphone ? Sana pinagbili na rin kita"
" Bakit ? Nagtanong ka ba?"
" Kahit kailang talaga pilosopa ka"
" Sorry, Sir. Maghahanda na po ako para sa pag-alis, maghanda na rin po kayo, Sir. Kasi ilang minuto nalang susunduin na tayo ni Benny"
" What did you call him?"
" Benny po . Sabi kasi niya Benny lang daw itawag ko sa kanya"
" Aba ! Close ba kayo ng pinsan ko'ng yun ha?"
" Opo, kasi po mabait siya"
" What are you trying to say na masama ako?"
" Wala naman po akong sinasabing ganoon, Sir. Sige po, maghahanda lang po ako. Bye, Sir"
Hindi ko man nakita pero ramdam ko na nainis siya, buti nga sayo.
Napatawa ako ng tahimik..
Ang sarap pala niyang inisin ana? Parang granada na sasabog sa sobrang inis. Sorry nalang siya minsan talaga pilosopo ako sa mga taong hindi maganda ang ugali.