STEPHANIE POV Nakaayos na ako at handa nang humarap kay Benny, hinintay ko siya sa parking lot. Napalinga-linga ako, hindi mahagip ng mga mata ko si Sir Harrison. Nasaan kaya siya? Galit kaya siya sa akin? Nang masilayan ko sa di kalayuan sa kinatatayuan ko ang kotse ni Benny, kinaway ko ito. Napansin ko naman na ngumiti siya at gumanti ng kaway sa akin. Naiparada na niya ang kotse niya at bumaba na nang sasakyan. " Kanina ka pa ba diyan?" " Hindi naman masyado. Napagod ka ba sa biyahe?" " Not so, ow! You look good in that dress" Napasulyap ako sa suot kong floral dress, ito kasi ang nakita ko sa closet kanina kaya wala na akong choice kundi ito ang isuot. " Salamat. Bili mo ito hindi ba? Sinubukan ko lang sukatin " " Bagay sayo" Saglit kami nagkakatitigan. " Hindi pa ba tayo k

