STEPHANIE POV Dalawang linggo na kami rito pero hanggang ngayon wala parin si Benny, ang sabi niya babalik siya kaagad? bakit hanggang ngayon wala parin siya? Tumunog yung selpon ko at nagningning naman ang mga mata ko nang masilayan kung kaninong pangalan ang nakatatak sa screen. Sinagot ko agad ito. " Benny"masayang sambit ko sa pangalan niya. " Stephanie, sorry kung hindi ako agad nakabalik diyan. Hayaan mo bukas na bukas din babalik na ako diyan, kamusta ka ba diyan?" " Okay lang ako, Benny. Tsaka wala namang ginawang kalokohan si Sir James, mabait na ho siya ngayon" " Its good to hear that, its getting late bakit hindi ka pa natutulog?" " Nagbabakasali kasi akong tatawag ka, hinihintay ko kasi talaga ang tawag mo" " Bakit ? May gusto ka bang sabihin sa akin?" Bumuntong-hininga

