“MAMA, catsh!” Humakbang ako at sinalo ang bolang ibinato ni Orion sa direksyon ko. Kanina pa siya laro nang laro at tila walang kapaguran. Nakadalawang palit na ako ng damit niya dahil mabilis siyang pinagpapawisan. Tiyak na maaga na naman ‘yan makatutulog mamayang gabi sa pagod. Nasa kid’s station kami ng mall na pagmamay-ari ng mga Santillan. Kanina nang makita kami ng mga attendant na kasama sina Violeta at Sir Gael ay puno ng pagtataka ang kanilang mga mata. Sino ba namang hindi magugulat kung parang kailan lang ay ipinapa-ban kami rito. Inarkilahan pa ng mag-asawa ang buong play station kaya’t mag-isang naglalaro si Orion. Hindi ako pumayag na hindi sumama. Pagkatapos kong talikuran kanina si Gabriel ay hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Baka nga pumasok na sa SGC dahil a

