bc

HIS EX-BRIDE SERIES 2: MY POSSESSIVE GUARDIAN

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
opposites attract
arrogant
badboy
heir/heiress
drama
bxg
secrets
like
intro-logo
Blurb

Tumakas si Tala sa mismong araw ng kanyang kasal kay Rafael. Ang kanilang nakatakdang pag-iisang dibdib ay isa lamang malamig na kasunduang nabuo dahil sa paghihigpit ng kanyang mga magulang bunga ng kanyang labis na katigasan ng ulo. Ngunit hindi lamang simpleng pagrerebelde ang tunay na dahilan ng kanyang biglaang pag-alis; tumakbo siya dahil sa isang madilim at masamang katotohanang natuklasan niya tungkol sa lihim na pagkatao ng kanyang mapapangasawa. Nalaman niyang ang pag-ibig ni Rafael ay naging mahigpit ito at may pagka-possessive na ugaling hindi niya matatanggap kailanman. Akala ni Tala ay tuluyan na siyang nakalaya mula sa mundong iyon at sa nakakasakal na anino ni Rafael, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanilang dalawa dahil ang lahat ng kanyang tinakasan ay muling magbabalik sa kanyang buhay ngayon.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: TALA MARIA SAMANIEGO 2.0
"It’s time for one of our most anticipated awards of the evening. This next individual has been a cornerstone of their organization, driving bottom-line growth while fostering a culture of creativity." "Their work is their signature—and they sign it boldly. For their outstanding commitment to success and innovation at Chic Manifesto!" Naibaba ni Rafael ang hawak na baso ng alak nang marinig ang pangalan ng magazine na iyon. "Please give a huge round of applause for Ms. Tala Maria Samaniego!" Mas naging mariin ang kapit niya sa baso sa sumunod na binanggit na pangalan. Umugong ang matinding palakpakan sa loob ng event hall ng hotel. Kung saan ginaganap ang kilalang gabi ng parangal sa kanilang siyudad. "Miss Tala?" tinanaw niya ang host na alangan ang anyo dahil wala pa rin na umaakyat na CEO. Umirap si Rafael at tinungga ang alak. "Miss Tala?" Nagbulungan ang mga bisita. Siya naman ay mayabang na napangiti. Ibinaba niya ang hawak. Pinagapang ang daliri sa bibig sa paligid ng baso. "She definitely won't dare show up here." "Not tonight, not tomorrow." Napalingon ang lahat nang bumukas ang magkabilang pinto ng event hall. Isang liwanag ang naroon at anino ng isang babae na may magandang hubog ng katawan. Napakunotnoo si Rafael sa narinig na bulungan. "Sino siya?" "Ang ganda niya." "Siya ba ang CEO ng Chic Manifesto?" "Siya iyong pinakabatang CEO rito, pero natalo niya ang lahat ng mas matanda sa kanya." "Tama ka." Huminto ang daliri niya sa pag-ikot ng daliri sa bibig ng baso nang marinig ang bulungan ng mga nasa likuran. Hanggang sa marinig niya ang takong na umalingawngaw sa paghakbang. Sa bawat tapak niyon ay pintig ng kanyang puso. "Everyone, again!" "The gorgeous Ms. Tala Maria Samaniego!" tuwang-tuwa anunsyo ng host. Napalingon ang lahat sa umakyat na babae. Sinalubong ito ng host at inabot ang award. Suot ay isang hapit na hapit na kulay pulang damit, kumkikinang din iyon dahil sa disenyo ng dyamante. Tumapat ang labi nito sa mikropono na pulang-pula din dahil lipstick. "Good evening, everyone," magaang bati ni Tala at ngumiti. Tiningan niya isa-isa ang mga taong nasa loob ng hall. "Sorry for keep you waiting. Alam niyo naman kapag bida, dapat huli para makita ng lahat," biro pa niya. Nagtawanan naman ang lahat. Nanatili ang ngiti niya. "Kidding aside," sinulyapan niya ang hawak na award. "I never expected this award. But I know I did very well with Chic Manifesto so my company and I deserve this.” Nagpalakpakan ang lahat bilang pagsang-ayon. “Hindi naging madali ang paghawak ng isang kompanya bilang 24 years old. But I'm here, telling all of you.” “Don't underestimate someone as young as me. We can do things you wouldn't expect,” huminto ang tingin niya sa lalakeng nasa dulo ng silya. Nagtama ang mga mata nila nito. Ngumisi siya sa dating asawa at itinaas ang award habang nakatitig dito. “Anyway, who needs love when you have award like this?” Sinulyapan niya ang hawak na award. “Maybe now my ex will finally realize what he's missing” aniya at umalis na sa mikropono. Si Rafael naman ay gigil na hinawakan ang baso at tinungga habang nakatitig pa rin sa CEO na nasa ibabaw ng stage. Nang makababa si Tala ay sinalubong siya ng pakikipagkamay ng ilang may-edad na bisita. Inuulan siya ng papuri sa nakuhang award, sa success ng kompanya at sa pagbabago niya. “Tala!” napalingon siya sa boses na iyon. Agad siyang napangiti sa nakita. “Ate Nihan!” Kumaway si Nihan dito. Patakbo siyang lumapit at yumakap sa pinsan. “Congratulations!” Nagharap silang dalawa. “Thanks, Ate.” “You made it. Sino bang mag-aakala na ang 19 years old lang noon na nag-aaral ay isa ng CEO at nanalo pa ng award?” “Salamat, Ate. Hindi madali ang pinagdaanan ko, katulad mo.” Naghawak sila ng kamay nang sumeryoso ang usapan. “Tingin ng halos lahat sa akin noon ay batang sakit sa ulo. Kaya pinakasama ako sa isang lalakeng-” “Tala,” awat ni Nihan at hinarap ito. “Hindi ka sakit sa ulo. Katulad ko, mapapatunayan mo rin sa mga tao na kaya mong magbago para sa ikakabuti mo.” “I mean, look at you now. You're not just a lady, you're a woman with power.” “Salamat, Ate. Si Kuya Finn nga pala?” “Si Baby Luan?”naghanap ang mga mata ni Tala. “Si Luan, iniwan muna namin sa bahay ni Mama. At si Finn nasa kaibigan niya,” sagot nito. “Kaibigan?” sinalubong niya ang mga mata ng pinsan. “Your ex-groom.” Kumurap ang mga mata ni Tala. Nilinga ni Nihan ang parating na si Finn at Rafael. “They're coming,” bulong nito sa kanya. Pasimple niyang itunuwid ang likod at nang makita ang asawa ng pinsan ay natural siyang ngumiti. “Kuya.” Yumakap siya rito. “Good to see you again.” “Same here, Tala. Congratulations.” “Thanks, Kuya.” Umakbay si Finn kay Nihan dahilan para magharap sina Tala at Rafael. Naghinang ang mga mata ng dalawang dating nagsama sa iisang bahay. Lihim na bumulong si Nihan sa asawa. “Love, this is so awkward. Anong gagawin natin?” Maliit itong nilingon ni Finn. “What do you think, can they eat together at one table?” Sinalubong ni Nihan ang mga mata nito. “Noong unang makita mo ba ako noon nang bumalik ako. Ginusto mo ba akong makaharap sa iisang mesa para kumain?” Tila nag-isip si Finn. Mahinang sinuntok ito ni Nihan sa tiyan. “No, right?” tumawa lang ang asawa. “Why? Tell me, Love. Dapat ba ipakita ko na gusto kitang makasama sa mesa kung galit ako sa iyo?” Napakunotnoo si Nihan. “Kaming mga lalake, we won't show our true feelings lalo na kung galit kami. Noong bumalik ka, sinabi kong ayaw na kitang makita pero sa deep inside, gusto ko.” Napangiti ito. “Talaga?” “Ate Nihan?” nagising lang ang mag-asawa nang bumaling si Tala rito. “I can't join you for dinner.” “Why?” “I have plans, ate.” Nanatili ang ngiti ni Tala nang magsalita si Rafael. “You’ll definitely have fun again tonight,” parinig nito at tinungga ang alak. “Ate, I have friends waiting for me,” baling pa rin niya sa pinsan habang nakangiti. Tila ba hindi narinig ang sinabi ng dating kinakasama. “Alright. Magkita ulit tayo.” “Yes, Ate. Gusto ko ulit kayong makita ni Kuya Finn,” nagyakap silang dalawa. Nang humarap sa asawa ng pinsan ay bumulong siya rito. “Kuya, huwag ka na kasing magsasama ng asungot para hindi nasisira ang gabi ko,” sinulyapan niya si Rafael at ngumiti nang humarap sa mag-asawa. Si Rafael naman ay ngiting aso ang nagawa habang malayo ang tingin. Kahit bulong iyon ay malinaw niyang narinig. “Bye, Ate Nihan at Kuya Finn!” tuwang-tuwa kumaway si Tala sa mag-asawa. Nang mawala ito sa paningin ni Nihan at Finn ay hinawakan ni Finn sa balikat ang kaibigan na si Rafael. “Pagpasensyahan mo na.” Nanatili ang ngisi ni Rafael. “I've been putting up with her for a long time.” “Dagdagan mo pa ngayon, Raf,” payo ni Nihan. “Tala had evolved from being hard-headed to becoming a powerful woman.” Natahimik sila. “Anyway, parehong tanong pa rin sa tuwing nagkikita tayo. Wala bang chance na matuloy ang naudlot niyong kasal?” tanong ni Finn. Huminga nang malalim si Rafael. “There's no way to make our wedding happen.” Nagkatinginan ang mag-asawa. Hanggang sa akbayan ni Finn ang kaibigan. “Ganiyan din ang sinabi ko, Raf. But believe me or not, your story takes an unexpected turn,” siguradong wika ni Finn at nilingon si Nihan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.7K
bc

His Obsession

read
105.1K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook