KABANATA 2: KASAL

969 Words
Matapos lumabas sa isang cubicle ng c.r si Tala ay nagtungo siya sa isang lababo at naghugas ng kamay. Natigilan siya nang matitigan ang sarili. Sa limang taon na lumipas ay kitang-kita niya ang pagbabago sa sarili. Simula sa pananamit, ayos ng buhok at kolorete sa mukha. Hindi na siya basta dalaga lang. Isa na siyang ganap na babae. Inilabas niya ang lipstick at naglagay sa labi. Huminto siya nang marinig ang pagsarado ng pinto. “Hindi pa ba sapat ang pagka-pula ng labi mo?” tumaas ang isang kilay niya nang marinig si Rafael. Kaswal niyang ipinagpatuloy ang paglalagay sa labi ng lipstick at pinigilan ang panginginig ng kamay. “Hindi pa rin ba sapat na women ang nakalagay sa labas ng pinto para pumasok ang isang tulad mong lalake dito?” Huminto si Rafael na nakapamulsa ang isang kamay sa salamin. Nakita niyang pinanood nito ang repleksyon niya. “Are you sacred?” tanong nito habang may ngisi. Kaswal pa rin niyang ibinalik sa bag ang lipstick. “Kahit maging multo ka, hindi ako matatakot sa iyo,” humarap na siya nang mabilis itong lumapit sa harapan niya. Napadikit siya sa lababo habang walang agwat ang katawan nito sa kanya. “Talaga?” “Kahit ganito ako kalapit sa iyo, Tala?” kumurap ang mga mata niya nang marinig ang pangalan mula sa kaharap. May yabang ang magagandang mga mga mata nito, ganoon na rin ang ngiti sa labi. “Naputol na ba ang dila mo?” tanong nito. Ipinatong ang magkabilang palad sa ibabaw ng sink para kulungin siya. “Nasaan na ang tapang mo?” Matigas na napalunok si Rafael nang humagod ang palad ni Tala paakyat sa dibdib niya. Ngumiti sa kanya ang kaharap at kinagat pa ang ibabang bahagi ng labi. “Ano bang tapang ang gusto mong makita?” ibang kiliti ang bumalot sa katawan niya habang ang palad nito ay hinahaplos-haplos ang malapad niyang dibdib. “You're heart beating so fast, mukhang kinakabahan ka nasa tapang na pinapakita ko, Rafael,” patuloy ni Tala habang ang mga mata ay tila nang-aakit. “I can show you more-” marahas na pinigilan ni Rafael ang kamay niya. Nakangisi siyang nakipagtitigan dito. “What are you playing, Tala?” “Hindi ako nakikipaglaro-” “Ako ang hindi nakikipaglaro sa iyo,” impit ang singhal nito sa mukha niya. “Then why are you here?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Matagal itong hindi nakasagot. Gamit ang isang kamay ay tinulak niya ito sa dibdib para lumayo. “See?” “Ikaw naman ang naputulan ng dila ngayon?” dagdag niya habang inaayos ang sling bag na kaswal niyang sinakbit. Sinalubong niya ang mga mata ni Rafael. “Next time, tingnan mo ang papasukin mong comfort room. Marami ka ng pagkakamali, huwag mo nang dagdagan, Mr. Razon.” Ngumiti siya rito nang matamis habang ito ay nakapamewang at mataas ang tahip ng dibdib. “Bye.” Naglakad na si Tala. “Are you back for good?” huminto siya. Bumaling si Rafael dito. “Dito ka na ba mananatili sa Pilipinas?” “Why do you wanna know-” “Just answer my damn question!” sikip ang boses nito. Nakangiti pa rin siyang lumingon sa dating kinakasama. “I love that,” aniya na ikinakunotnoo ni Rafael. “What?” “I'm loving this- seeing you dying with anger. Makes me wanna stay here.” Mas dumilm ang mukha ni Rafael sa narinig. Bumaba ang mga mata niya sa labi nitong ngiting-ngiti habang siya ay mamatay-matay sa galit. “Even though I want to watch you die from anger. I really need to go,” maarte niyang kinaway ang kamay. “Ba-bye!” Naibilog ni Rafael ang kamao nang maiwan sa loob. Si Tala naman ay seryoso ang naging mukha nang lumabas. Dire-diretso siya sa sariling kotse. Nang makapasok sa loob ay mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Umaahon ang dibdib niya. “Hindi na mauulit ang kahapon, Rafael Razon.” “Hindi na ako ang bata mong kinakasama na sumasang-ayon sa lahat ng gusto mo.” “I'm a woman now with power.” “At hinding-hindi na ako babalik sa buhay mo unless kung luluhod ka sa harapan ko.” Nakataas ang isang kilay niya nang apakan ang silinyador. Umugong ang tunog ng kanyang sport car nang umalis. Nasundan na lang iyon ng tingin ni Rafael. Isang malalim na hininga ang ginawa niya. “No matter how tough you try to be, to me, you're still my little ex-bride I was with, the one I almost married.” Kinuha niya ang isang piraso ng sigarilyo, inilagay sa bibig at sinindihan. Ibinuga niya ang usok bago tuluyang umalis. Natagpuan ni Rafael ang sarili sa tapat ng sariling bahay. Nang pumasok sa sala ay naalala niya ang limang taon na lumipas. FIVE YEARS AGO “Tala!” “Come back here!” Nagmamadali si Rafael na bumaba ng hagdan. Nang makarating sa sala ay hinagip niya ang braso ng labing-siyam gulang na dalaga. Suot-suot ang wedding gown. “Bitawan mo ‘ko!” “Aalis ka talaga?” “Bakit hindi?” “Kasal natin, Tala!” “Kasal?” sarkastikong ulit ni Tala nang tumulo ang luha. Inis siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Rafael na sampung taon ang tanda sa kanya. “Sino bang may gusto sa kasal na ‘to?” Natahimik ito. “Gusto mo ba kong pakasalan?” "Gusto mo ba akong makasama habang-buhay?" "Gusto mo ba ako na maging ina ng mga anak mo?" Tumulo ang mas maraming luha ni Tala nang hindi marinig ang sagot ng kaharap. "Walang kasal, Rafael." Walang maisagot si Rafael. Hindi niya alam ang dapat na sabihin. Napatitig na lang siya sa mga mata ng kaharap na punong-puno ng mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD