KABANATA 3: CANCELLED WEDDING

1108 Words
Kumurap ang mga mata niya nang hindi marinig ang sagot na gustong marinig dito. Nang maging ganap na labing walong taong gulang ay ipinagtulakan siya ng ama at ina na makisama kay Rafael. Para raw maging maayos ang buhay niya. Dahil bilang isang dalaga ay sakit siya sa ulo ng mga magulang. Sinubukan niyang tumira pansamatala sa pinsan na si Nihan at asawa nitong si Finn nang sunduin siya ni Rafael. Sa bahay nito ay ginawa siyang isang bata na laging inuutusan ng dapat gawin. “Hindi, ‘di ba?” untag ni Tala sa nanginginig na boses. “N-nakaayos na ang kasal natin. If you don't go, I'll be embarrassed.” Mangha ang naging ngiti niya. “Embarrassed?” “Iyon lang ang mararamdaman mo?” Naghinang ang mga mata nila. Hanggang sa ngumiti siya nang mapait. “Sabagay, ano lang ba ang tingin mo sa akin, Rafael?” “Isang batang mapapangasawa na kailangan utusan na dapat na gawin. Laruan na inilalagay mo sa tamang pwesto dahil iyon ang sinabi ng mga magulang ko sa iyo.” Tumango-tango siya. “That's all I am to you-” “What do you expect from me, Tala?” Naglinya ang noo niya. “To like you?” Hindi siya nakasagot. “How can I like someone like you?” sa narinig ay parang hiniwa ng literal ang puso niya. Dalawang taon silang nagsama ni Rafael. At ang makasama ito sa isang bahay ay nagbunga ng pagmamahalan dito na hindi niya masabi-sabi. Dahil ipinapakita nito na hindi sila pareho ng nararamdaman. “You're naive.” “Hard-headed.” “Moody.” “You're all that, so how can I like you, Tala?” “We shared a kiss and a bed, Rafael. And it wasn't just once,” mahinang sagot ni Tala na ikinatigil ni Rafael. Natahimik ang buong sala. “And yet, you don't feel anything?” dagdag niya. Rinig niya ang mabigat nitong hininga. “Maybe you're right,” pinunasan niya ang mga luha. “I'm naive.” “Maybe, maybe it's because I'm only 19, so I thought there was a reason for the kiss and what happened between us in bed. Maybe for you, it's nothing.” “Gusto kitang pakasalan para lang matapos ‘to, Tala. Just do your part-” “No,” umatras siya nang akmang kukunin ni Rafael ang dala-dala niyang bag. Marahan nitong sinalubong ang mga mata niya. “Hindi kita papakasalan.” “Sa oras na makalabas ako sa pamamahay na ‘to. Hindi na ako babalik sa buhay mo.” “Don't push me, Tala.” “You don't mess with me, Rafael,” seryoso niya itong pinagkatitigan. “I won't marry you.” “I will leave you.” “I'll never go back to your life, you'll be on your knees begging for me to come back.” Tinulak niya ito sa dibdib at binitbit ang bag. Nang maglakad at makarating sa entrada ay sandali pa siyang huminto. Umaasang sa huling pagkakataon ay marinig ang matagal nang hinihintay. Nang hindi magsalita si Rafael ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Sa kasalukuyan ay natagpuan ni Rafael ang sarili sa loob ng kanyang malawak na library. Umupo siya sa sofa bed na naroon at dahan-dahan iyong hinawakan. Ang lugar na ito ang madalas na saksi sa mainit na sandali sa kanila ng dapat na mapapangasawa. At hindi niya alam kung saan galing ang sakit sa dibdib na nararamdaman niya habang pinagmamasdan iyon. “I'm not missing you, Tala,” paninindigan niya. “Ikaw ang babalik sa akin, at hinding-hindi ako luluhod sa harapan mo.” Sa loob ng bar ay umindayog ang maliit na bewang ni Tala hawak ang isang baso ng alak. Napapaligiran siya ng mga kaibigan. “Congratulations, Tala!” sigaw ng mga ito kauna-unahan si Melanie na kaibigan niya. “Salamat, Melanie.” Hinarapan niya ito at sabay silang kumembot. “Nagkita kayo ni Rafael?” Dahan-dahan siyang napahinto. Naging alangan ang mukha ng kaibigan. Tinungga niya ang alak at pasuray na naglakad pabalik sa mesa na nasa sulok. “Teka, sis!” Sinundan siya ni Melanie. Siya ay pagod na umupo sa silya. “Sorry na, hindi ko alam na magiging affected ka pa rin. Hindi ba nagkita na kayo noong isang araw lang sa christening ng anak ni Ate Nihan na si Luan?” “Yes, it's fine. Pagod lang talaga ako,” dahilan niya. Tinuro niya sa kaibigan ang alak na agad naman siyang pinagsalin sa baso at inabot sa kanya. “Nagkita kayo ulit ngayon?” “Yep, and you have no idea how much I want to scratch his eyes out whenever he looks at me,” gigil niyang sagot at muling tinungga nang diretso ang alak. “He's getting on my nerves.” “Hindi mo man lang ba siya namiss?” “Wala man lang bang tumibok diyan?” panghuhuli ni Melanie habang may nanuksong ngiti. Ngumiti na rin siya. “Ito,” pinakita niya ang nakabilog na kamao. Napalunok naman ang kaibigan na natakot ang anyo. “Ito ang tumibok, at gustong tumama sa nguso ng lalakeng ‘yon,” dagdag niya. Muli siyang padabog na nagsalin ng alak. “Huwag na nating pag-usapan ang lalake na ‘yon at nasisira lang ang gabi ko.” “Okay, okay. What about Thiago?” Napatingin siya kay Melanie habang nasa bibig ang baso. “Nililigawan ka pa rin ba niya?” Bumalik siya sa pagkakasandal habang ang isang daliri ay nakatikwas na hawak ang baso ng alak. “Yes.” “Wala kang balak sagutin?” “I’ve been in a relationship for two years-” “Gaga!” napatingin siya kay Melanie. “Hindi ba sabi mo, hindi naman kayo naging official ni Rafael.” Natigilan siya. “Hi-hindi ba?” kunyaring aniya. “Oo, sinundo ka niya sa bahay nila Ate Nihan at Kuya Finn dahil sa mga magulang mo.” Malayo ang naging tanaw niya matapos sampalin ng katotohahan na iyon. Narinig niya ang pagtaltak ng kaibigan. “Delulu ka malala, Sis. Technically, single ka at walang karelasyon nang dalawang taon.” “Fine, fine, fine,” kinontrol niya ang inis. “Let me rephrase it, I've been single for a long time, and I really enjoy it. At si Thiago, he's a nice guy. Maybe I can keep him for a while as my close friend.” Tumango-tango si Melanie. “Iyan ang gusto kong marinig. Atsaka, deserve mong sumaya naman matapos ang lahat.” “You're right,” ngumiti siya at itinaas ang baso. Pinagpingga nila iyong magkaibigan habang parehong nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD