"A-anong ginagawa mo rito?” Napakurap-kurap si Rafael habang magkahinang ang mga mata nila ng dalaga na hatala ang gulat nang makita siya. Kunyaring kaswal siyang pumamulsa. “Sinusumbong ka,” sagot nito at itinuon ang mga mata sa puntod ng magulang. Tumaltak siya at nagtungo doon. Inilagay niya ang hawak na bulaklak sa puntod. Bumaba siya at inalis ang ilang dahon dito. “Huwag kayong makinig sa kanya, Mama at Papa. Magpahinga kayo ng tahimik diyan,” aniya. Napangiti si Rafael bago seryosong pinagmamasdan ang dalagang nakaupo. Lihim ang naging buntong-hininga niya nang makitang hinaplos-haplos nito ang lapida ng mga magulang. Natahimik sila. Hanggang sa marinig niya ang pagsinghot nito. “Huwag mong sabihing umiiyak ka-” Pinunasan ni Tala ang luha. “Oo, ayaw mo kasi silang patahimiki

