Agad na nag-iwas ng tingin si Tala at tiningan ang mga kaharap. Si Rafael ay lumapit sa counter. “One Americano, please.” “Yes, Sir,” sagot ng nasa counter. Ibinigay niya ang card para magbayad. Naglibot siya ng paningin para maghanap ng bakanteng silya. Huminto ang atensyon niya sa isang mesa. Ngisi ang nagawa niya nang pagmasdan si Tala na ngiting-ngiti. Nanliliit ang mga mata niyang pinagkatitigan ang nakatalikod na lalakeng kaharap nito at nginitian. “Here's your card, Sir. Pa-wait na lang po ng order sa table niyo.” Binulsa niya ang card at diretso sa isang mesa. “This table looks like so much fun. May I join?” Agad siyang tiningala ng mga ito. “Sir Rafael,” napatingin siya sa lalakeng awtomatikong tumindig. Seryoso niya itong pinagmamasdan. “Let me introduce myself. I'm Harol

