Pangasinan TATLONG araw na si Thor sa bahay. Tatlong araw na siyang natutulog sa single bed sa loob ng maliit na kuwarto. Tatlong araw na rin na kasama niya si Dawn pero wala talaga sa kanya ang atensiyon ng babae—nasa ina nito at sa laptop. Noong unang araw nila sa bahay ng tiyuhin nito, inaalala pa siya ni Dawn. Laging nagtatanong ang babae kung okay lang ba siya, kung may kailangan siya, kung komportable siya. Isang araw lang iyon. Sa second at third day, sa gabi na lang niya nakakasama si Dawn. Isang kuwarto lang kasi ang binigay sa kanila ng tiyuhin nito. Dalawa lang ang kuwarto sa bahay at ang isa ay gamit ng nanay ni Dawn na nagpapalakas pa. Hindi na rin sila nagkakausap ni Dawn pagpasok nito sa kuwarto sa gabi, nasa laptop na ang buong atensiyon ng babae. Takot si Thor na maitab

