WHY can't you hold me? ang nagdadramang isip ni Thor. Sa mood niya nang sandaling iyon, alak talaga ang magpapakalma sa magulong pakiramdam. Pero iiwan siya ni Dawn kapag uminom na siya. Hindi siya sasamahan nito. Magkukulong na naman ang babae sa kuwarto, nasa laptop na ang buong atensiyon. Pagdating kay Dawn, mas mahirap kaagaw ang laptop. Lagi nitong pipiliing magsulat kaysa bigyan siya ng oras. Unang beses niyang naramdaman na hindi siya priority ng isang babae. Gustong tumawa ni Thor nang walang laman. Si Dawn lang ang babaeng nagpadaramdam sa kanya ng maraming firsts. Exciting ang iba at may iba namang masakit tanggapin—gaya nang kung gaano kadaling mag-decide ang babae na iwan siyang mag-isa at hayaang uminom nang mga oras na iyon. All he wanted was attention—her attention. Gusto

