ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
Tatlong araw na akong babae. At tatlong araw na rin akong grounded. Pero today, finally, nakalaya na ako.
Well, sort of.
Pinayagan ako ni Daddy pumasok sa University. Yes, nag-aaral pa pala ako dito. Or rather, tinatapos ko na lang ang Business Management degree ko (na limang taon ko nang kinukuha dahil puro cutting at billiards ang inatupag ko).
"Ate, sigurado ka ba sa suot mo?" tanong ni Lena habang pinapanood akong magsuot ng sapatos.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Ayoko na ng dress. Ayoko na ng skirt. Trauma na ako sa Le Velour incident. Kaya ngayon, nag-decide akong magdamit nang komportable. Yung damit na ako talaga.
Nakasuot ako ng oversized basketball jersey (na hiniram ko sa cabinet ni Franco noong isang araw), baggy boyfriend jeans, at Nike Dunk Lows. Nagsuot din ako ng cap nang pabaliktad.
"Ano? Ang angas kaya!" sabi ko, sabay pose ng thug life. "Mukha akong rapper."
"Mukha kang Tomboy Chic," sabi ni Lena. "Actually... bagay sa'yo. You look like those cool dancers sa t****k. Sige na, alis na. Baka ma-late ka pa sa 'Hunting' mo."
Kumindat ako. "Exactamundo, sis. The Hunter is back in the game."
Kinuha ko ang susi ng kotse ko—wait, binawi pala ni Daddy ang sports car ko. Ang gamit ko ngayon? Ang pink na Honda Jazz ni Mommy.
"f**k my life," bulong ko habang sumasakay sa pink na kotse. "Konting tiis lang, Alexander. Makakabalik ka rin sa katawan mo."
THE CAMPUS HUNT
Pagdating ko sa Valdaramos University, ramdam ko ang tingin ng lahat.
Syempre, sino ba naman ang hindi titingin? Ako si Alexander—este, Alexandra Valdaramos. Ang dyosa ng campus.
Pagbaba ko ng kotse, automatic ang swag.
Lakad mayaman. Chin up. Shoulders broad (kahit mas maliit na sila ngayon). At ang kamay, nasa bulsa ng jeans.
Naglakad ako sa hallway.
May nakasalubong akong grupo ng mga lalaki. Mga varsity players yata. Tinignan nila ako. Yung tingin na bastos. Yung tingin sa dibdib.
Dati, gawain ko 'yun. Ngayon, gusto ko silang dukutin ang mata.
"Ano tinitingin-tingin niyo?!" sigaw ko sa kanila gamit ang boses kong husky (na pilit pinapalalim). "Suntukan?!"
Nagulat sila.
"Chill, Miss Alex," sabi nung isa. "Ang init ng ulo."
Inirapan ko sila. "Tse! Supot!"
Tumuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Cafeteria. Ito ang hunting ground ko. Dito nagtambay ang mga pinakamagandang freshmen.
Umupo ako sa isang table. Mag-isa.
Syempre, manspread ulit.
Bumili ako ng C2 at burger. Habang kumakain, iniscan ko ang area.
Target acquired.
Sa kabilang table, may isang babae. Morena. Mahaba ang buhok. Naka-uniform ng Tourism. Mukhang inosente. My type.
"Bingo," bulong ko.
Tumayo ako. Inayos ko ang jersey ko. Hinawi ko ang buhok ko (na nakalimutan kong mahaba pala kaya pumasok sa bibig ko).
Lumapit ako sa table niya.
"Hi, Miss," sabi ko, sabay lean sa mesa niya. Nilabas ko ang Signature Smile ko—yung medyo tagilid, medyo mapungay ang mata.
Nagulat ang babae. Namula ang pisngi niya.
"Uhm... hi po, Ate Alex?" sagot niya. Kilala niya ako? Sabagay, sikat ako.
"Wag mo akong tawaging Ate. Masyadong formal," banat ko. "Tawagin mo na lang akong... Yours."
Nanlaki ang mata niya. Napatakip siya sa bibig.
"Hala..." bulong niya. "Totoo nga ang chismis."
"Anong chismis?"
"Na... na girl lover ka na daw po?"
Napahinto ako. Girl lover?
Wait.
Babae ako.
Siya babae.
Kinakausap ko siya nang may halong landi.
Shit. I look like a lesbian.
Pero teka, lalaki naman ang utak ko! So technically, straight relationship 'to sa isip ko!
"Ah... eh..." Napakamot ako sa batok. "Hindi naman sa ganun. I just appreciate beauty when I see it. At ikaw, Miss... you are shockingly beautiful. Pwede makuha number mo?"
Mas lalong namula ang babae. Kinikilig! Yes! Effective pa rin ang Alexander Charisma!
"Sure po..." Kinuha niya ang phone niya. "Pero... single po ba kayo? Diba kayo ni Sir Deon?"
"Deon?!" Muntik ko nang maibuga ang imaginary drink ko. "Yung manyak na 'yun? Yuck! Never! Mas type ko ang tulad mo... malambot. Mabango."
Hinawakan ko ang kamay niya. Ang lambot.
"So... free ka ba later? Pwede tayong mag-coffee? Or mag-drive thru? My treat."
Tumango siya. "Sige po. 4 PM dismissal ko."
"Set. Sunduin kita dito. I'm Alex, by the way."
"I'm Bianca."
"Bianca. Nice name."
Nag-wink ako sa kanya bago tumalikod. Feeling ko, mission accomplished. Naka-score ako! May date ako!
Naglakad ako pabalik sa table ko na parang nanalo sa lotto.
Pero habang naglalakad, biglang pumasok sa isip ko ang isang technical difficulty.
Wait.
Paano kung pumayag siya mag-uwi?
Paano kung may mangyari?
Napatigil ako sa gitna ng cafeteria.
Tinignan ko ang ibaba ko.
Wala akong sword.
Wala akong bala.
Paano ko siya... You know?
Anong gagawin ko? Magtititigan kami? Maggugupitan ng kuko?
"f**k," bulong ko. "Paano ba gumagalaw ang mga lesbian? Scissor?! Rock paper scissors?!"
Biglang sumakit ang ulo ko. The realization hit me hard.
I am a Hunter with no gun.
A Fisherman with no rod.
A Carpenter with no hammer.
I am useless.
THE INTERVENTION
"Huy! Tulala ka dyan?"
May bumatok sa akin.
Paglingon ko, si Franco.
Naka-polo shirt siya, bagong gupit, at may dalang mga libro. Mukhang Model Student.
"Aray ha! Maka-batok wagas!" reklamo ko.
"Ano na namang ginagawa mo? Bakit kinakausap mo si Bianca from Tourism? Nakita kita ah. Hinawakan mo pa kamay."
Umupo si Franco sa tabi ko. Mukhang badtrip. Or nagseselos?
"Wala lang 'yun, pre. Nagpapraktis lang ako ng moves ko. Baka kasi kalawangin eh," palusot ko. "Tsaka ang ganda niya, diba? Type ko."
Sinamaan ako ng tingin ni Franco. "Alex, babae ka na. Tandaan mo 'yan. Tigilan mo na ang pambababae. Ang sagwa tignan."
"Anong masagwa? Kinilig nga siya eh! Sabi pa niya, totoo daw ba na girl lover ako."
Napahilamos si Franco sa mukha niya. "Girl lover... Diyos ko po. Alex, trending ka na nga bilang 'Hotdog Queen', ngayon naman 'Lesbian Casanova'? Ano bang goal mo sa buhay?"
"Ang goal ko, pre, ay ma-enjoy ang buhay kahit ganito ang katawan ko! Alangan naman magmukmok ako? Sayang ang ganda ko kung hindi ko gagamitin!"
Biglang may tumunog na notification sa phone ni Franco. Tinignan niya ito.
Biglang nagbago ang mukha niya. Naging seryoso.
"Bakit?" tanong ko.
Pinakita niya sa akin ang phone. i********: Story ni Deon Ravena.
Picture ng isang bouquet ng Blue Roses.
Caption: "Getting ready to pick up the chaos. See you later, Brusko Barbie."
Nanlaki ang mata ko.
"Pick up?! Wala kaming usapan!"
"May usapan kayo," sabi ni Franco, tinago ang phone. "Tumawag ang Daddy mo kanina. Sinabi niya na sunduin ka daw ni Deon dito sa school. May family dinner daw kayo."
"DINNER?! AKALA KO BA TAPOS NA YUN?!"
"Family dinner daw. Kasama parents mo at parents niya. Formal announcement yata ng partnership."
Partnership? Or engagement?!
"Hindi ako sasama! May date kami ni Bianca! 4 PM!"
"Alex," sabi ni Franco nang madiin. Hinawakan niya ang balikat ko. "Wag kang pasaway. Papagalitan ka na naman ng Daddy mo. At isa pa..."
Tinitigan niya ako sa mata.
"...ayokong mapahamak ka kay Deon. Kilala ko ang lalakeng 'yan. He plays dirty."
"Kaya ko sarili ko, pre. Sinipa ko nga siya sa mukha diba?"
"Iba na ngayon. Nasa teritoryo ka niya."
Biglang nagtilian ang mga babae sa cafeteria entrance.
Lumingon kami.
Pumasok si Deon.
Hindi siya naka-suit ngayon. Naka-casual siya white t-shirt na nagpapakita ng muscles niya, dark jeans, at boots. Naka-shades pa sa loob ng building.
Ang hangin. Sobrang hangin.
Naglakad siya papunta sa table namin. Lahat ng dadaanan niya, napapatingin. Pati si Bianca na ka-date ko sana, napatitig kay Deon.
Traydor! isip ko. Akala ko ba ako gusto mo?!
Huminto si Deon sa harap namin. Tinanggal niya ang shades niya at ngumisi.
"There you are," sabi niya sa akin. Tinignan niya ang suot ko. "Jersey? Jeans? Nice. Going for the 'boyfriend look'?"
Tumingin siya kay Franco. Nawala ang ngiti niya.
"Franco," bati niya. Cold.
"Deon," bati ni Franco. Mas cold.
Parang bumaba ang temperature sa cafeteria.
"Let's go, Alexandra," sabi ni Deon. "Your dad is waiting. And my mom is excited to meet the girl who eats steak with her hands."
Tumayo ako. Wala akong choice.
"Sige. Pero dadaan muna tayo sa drive-thru. Gusto ko ng fries."
"Sure. Whatever the princess wants."
Akmang aalis na kami nang hawakan ni Franco ang braso ko.
"Alex," sabi ni Franco. "Mag-ingat ka."
"Oks lang ako, pre. Text kita."
Sumama ako kay Deon palabas ng cafeteria.
Habang naglalakad kami, narinig ko ang bulungan ng mga estudyante.
"Omg, bagay sila!"
"Ang hot ni Deon, ang ganda ni Alex!"
"Power couple!"
Power couple?!
More like Power Struggle!
Pagdating sa kotse niya, pinagbuksan niya ako.
"You know," sabi ni Deon habang sinusuot ang seatbelt. "I heard a rumor inside."
"Anong rumor? Na maganda ako?"
"No. That you were hitting on a freshman earlier. Asking for her number."
Napatingin ako sa kanya. "Pake mo?"
Ngumisi siya. Pinaandar ang makina.
"Wala naman. Just curious..."
Tumingin siya sa akin, his eyes dark and playful.
"...how exactly do you plan to satisfy a woman... when you don't have the tool anymore?"
NANLAKI ANG MATA KO.
Alam niya?!
I mean, alam niyang babae ako physically, pero alam niya ba ang struggle ko?!
"Excuse me?!" sigaw ko. "Marami akong paraan! I have... fingers! I have a tongue! I am creative!"
Tumawa si Deon nang malakas. Yung tawang galing sa diaphragm.
"Creative. I like that."
Hinawakan niya ang manibela.
"Well then, Alexandra. Show me just how creative you can be. Tonight."
Kinabahan ako bigla.
Anong ibig niyang sabihin sa tonight?!
Family dinner lang diba?!
"Deon... saan ba tayo pupunta?"
"To my house. Or should I say... my lair."
This is it.
Game over.
Kakainin na ako ng buhay ng Apex Predator.
At ang masaklap...
Wala akong dalang weapon.
Wala akong Junjun.