ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
"Ate... sigurado ka ba dito? Kasi parang... parang kasalanan 'to sa Diyos ng Fashion."
Nakatayo si Lena sa harap ko, hawak ang contour kit niya pero hindi niya magamit. Kasi ayaw ko.
Humarap ako sa salamin. Ngumisi ako.
Ang nakikita ko ay hindi ang viral na "Brusko Barbie." Ang nakikita ko ay si Sister Alexandra ng Kumbento ng Walang Hanggang Pagsisisi.
Nakasuot ako ng isang brown na blouse na may malalaking butones hanggang leeg. Pattern? Floral na pang-kurtina ng lola.
Ang palda ko? Denim skirt na abot hanggang ankle. Walang shape. Walang slit. Straight cut na parang sako.
Ang buhok ko? Tinali ko ng mahigpit na bun sa tuktok ng ulo ko—yung tipong banat na banat ang mukha ko.
Makeup? Wala. Nagpahid lang ako ng baby oil sa mukha para magmukhang greasy at haggard.
"Perfect," sabi ko. "Mukha na akong magbebenta ng kandila sa Quiapo."
"Ate! Deon is taking you to Le Velour! 5-star restaurant 'yun! You will look like a homeless potato!" reklamo ni Lena.
"That's the plan, Lena. Kapag nakita ako ni Deon na ganito, mandidiri siya. Iisipin niya, 'Ay, scam pala sa personal.' Tapos ibabalik niya ako dito, at tapos na ang usapan."
Kinuha ko ang salamin ko sa mata—yung luma kong salamin noong college na makapal ang frame at may scotch tape sa gilid (nahanap ko sa baul). Sinuot ko ito.
Boom. Anti-b***r achievement unlocked.
"Let's go. Time to disappoint a fuckboy."
THE PICKUP
Pagbaba ko ng hagdan, nandoon na si Daddy. Hinihintay ako. Naka-cross arms.
Kinabahan ako. Baka pauwiin ako at pagbihisin ng sexy.
Tinignan ako ni Dad mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya.
Tapos... tumango siya.
"Very good, Alexandra," sabi ni Dad, nakangiti. "Ganyan dapat. Conservative. Modest. Hindi tulad nung pokpok outfit mo sa t****k. I am proud of you."
Napanganga ako. What?!
Proud siya sa suot kong pang-albularyo?! Seryoso ba 'to?
"Dad, mukha akong suman na luma," depensa ko.
"You look decent. Ayan ang gusto ng mga disenteng pamilya tulad ng mga Ravena."
Bumukas ang pinto. Pumasok ang maid.
"Sir, nandito na po si Sir Deon."
Pumasok si Deon.
Kung ako, mukhang basahan, si Deon naman mukhang cover ng magazine. Naka-navy blue suit, crisp white shirt na bukas ang unang dalawang butones, at buhok na perfect ang quiff. Amoy na amoy ang mamahalin niyang pabango.
May dala siyang bouquet ng red roses.
"Good evening, Tito," bati niya kay Dad nang may respeto. "Good evening, Alexa—"
Napatigil siya nang makita niya ako.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. The shock. The horror.
Tinignan niya ang blouse ko. Ang palda ko. Ang mukha kong mantika.
Yes! isip ko. Turn off na siya! Aatras na 'yan!
Pero biglang... ngumisi siya. Hindi pandidiri. Kundi parang... natatawa.
Lumapit siya sa akin at inabot ang flowers.
"Wow," sabi niya, his eyes twinkling with amusement. "You really took 'wear something nice' to a whole new level. Very... vintage. I like it."
LIKE IT?! Bulag ba siya?!
"Bulag ka ba?" bulong ko habang inaabot ang bulaklak. "Mukha akong teacher sa History na terror."
"Well, I've always wanted to be disciplined," bulong niya pabalik, sabay kindat.
Kinilabutan ako. The f**k? Fetish niya ba ang mga manang?!
"Have fun, you two!" pahabol ni Dad habang tinutulak kami palabas.
Pagkasakay namin sa sports car niya (Ferrari, ampota, yabang talaga), agad akong nag-manspread. Tinaas ko pa ang paa ko at pinatong sa dashboard.
"Hoy," saway ni Deon, tinabig ang paa ko. "Mahal ang leather na 'yan. Ibaba mo 'yang paa mo. Ang dumi ng sandals mo."
"Arte mo. Kotse lang 'yan," sagot ko sabay cross arms. "Saan tayo kakain? Gusto ko sa paresan. Yung may unli-rice."
"Le Velour," sagot niya habang nagmamaneho. "And no, walang unli-rice dun. But they have the best steak."
"Steak? Pwede. Basta well-done. Yung parang goma."
Tumawa si Deon. "You try so hard to be unlikable, Alexandra. It's cute."
"Hindi ako nagta-try. Sadyang gago lang talaga ako. Ask my ex-girlfriends—ay, ex-boyfriends pala." Muntik na ako madulas dun.
THE RESTAURANT DISASTER
Pagpasok namin sa Le Velour, tahimik. May tumutugtog na violin. Ang mga tao, naka-gown at tuxedo. Ang lighting, dim at romantic.
At heto ako, naglalakad na parang penguin (dahil masikip ang sapatos ko) at suot ang outfit ko na pang-palengke.
Pinagtitinginan kami. Yung iba nandidiri, yung iba nagtataka kung bakit kasama ng isang Greek God ang isang Hobbit.
Umupo kami sa table sa may bintana.
"Order whatever you want," sabi ni Deon.
Binuksan ko ang menu.
Escargot... Foie Gras... Caviar...
Wala akong maintindihan. Nasaan ang Fried Chicken?!
"Waiter!" sigaw ko sabay taas ng kamay. Napatingin ang kabilang table.
Lumapit ang waiter, mukhang French. "Yes, Mademoiselle?"
"Meron kayong Rib-Eye Steak?"
"Oui, Mademoiselle."
"Bigyan mo ako ng pinakamalaki. Yung pang-tatlong tao. Tapos well-done. Sunugin mo konti. At pahingi ng ketchup. Banana ketchup ha, wag tomato."
Nanlaki ang mata ng waiter. "K-Ketchup... on a Wagyu steak?"
"Yes. May problema ka, Chief? Customer is always right, diba?"
Tumingin ang waiter kay Deon, humihingi ng tulong.
Tumango lang si Deon, pigil ang tawa. "Give her what she wants. And give me the usual. Medium rare."
Pag-alis ng waiter, humarap ako kay Deon. Nilabas ko ang cellphone ko at nag-start maglaro ng Mobile Legends nang naka-full volume.
"WELCOME TO MOBILE LEGENDS!"
Umalingawngaw ang boses ng laro sa restaurant.
"Alexandra," sabi ni Deon.
"Ano? Nagra-rank game ako. Wag kang istorbo."
Kinuha niya ang phone ko mula sa kamay ko at nilapag sa mesa, face down.
"Hey!"
Hinawakan niya ang kamay ko. Ang init ng palad niya. Malaki. Magaspang.
"Look at me," utos niya. Ang boses niya, mababa at seryoso. Yung boses na ginagamit ko dati para pasunurin ang mga babae.
Tumingin ako sa kanya. s**t, ang gwapo ng gago. Ang unfair. Bakit siya lalaki, tapos ako naging babae? Dapat ako 'yan eh!
"Why are you acting like this?" tanong niya. "Bakit pilit mong pinapapangit ang sarili mo? Bakit pilit kang nagpapaka-bastos?"
"Kasi ayoko dito," diretso kong sagot. Binawi ko ang kamay ko. "Ayoko sa'yo. Ayoko sa arranged date na 'to. At ayoko sa mga lalakeng tulad mo."
"Lalakeng tulad ko? You don't even know me."
"Kilala kita, Deon. You are a predator. You collect women like trophies. You think you can buy everything with your money and your face. Alam ko yan, kasi..."
Napahinto ako. Kasi ganyan din ako.
"...kasi pare-pareho lang kayong mga lalaki."
Tumitig siya sa akin nang matagal. Tapos, sumandal siya sa upuan at uminom ng wine.
"Maybe you're right. Maybe I am a predator," sabi niya, his eyes darkening. "But you know what happens when a predator meets a prey that fights back?"
Lumapit siya nang konti.
"It makes the hunt more exciting."
Putangina. Kinabahan ako dun ah.
Dumating ang pagkain.
Isang higanteng steak para sa akin. At isang maliit na steak para sa kanya.
Kinuha ko ang tinidor at kutsilyo.
Wait. Mali.
Binitawan ko ang kutsilyo.
Hinawakan ko ang steak gamit ang kamay ko.
Yes. I grabbed the Wagyu steak with my bare hands.
Dinuduldol ko sa ketchup na binigay ng waiter (na nakalagay sa crystal bowl).
Sinakmal ko ang steak.
Chomp!
Tumulo ang sauce sa baba ko. May mantika sa labi ko.
"Sarap!" sabi ko habang punong-puno ang bibig. "Deon, try mo! Kamayin mo!"
Ine-expect ko na mandidiri siya. Na tatayo siya at aalis.
Pero hindi.
Pinanood niya lang ako kumain. Nakatitig siya sa bibig ko habang nginunguya ko ang karne. At sa hindi maipaliwanag na dahilan... parang... parang naaakit siya?
Kumuha siya ng napkin. Dahan-dahan niyang pinunasan ang sauce sa gilid ng labi ko.
Natigil ako sa pagnguya.
"You are messy," bulong niya.
Ang lapit ng mukha niya. Amoy ko yung wine sa hininga niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Dug. Dug. Dug.
Hindi! Hindi ako kinikilig! Heart attack 'to dahil sa cholesterol ng steak!
"Wag mo 'kong hawakan!" Tabig ko sa kamay niya. "May napkin ako!"
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko nang padabog.
"Alam mo Deon, kung akala mo madadaan mo ako sa ganyan, nagkakamali ka. At saka..."
Hihirit sana ako ng isa pang kadiri moment. Sasabihin ko sanang utot ako nang utot.
Pero biglang kumirot ang puson ko.
Yung matinding kirot.
Mens cramps + sobrang kabusugan = DISASTER.
"Aray..." Napahawak ako sa tiyan ko.
"Are you okay?" Biglang naging seryoso si Deon.
"Masakit... masakit ang tyan ko."
"Did you eat too fast?"
"Hindi... yung puson ko. Pesteng monthly subscription 'to!"
Tumayo si Deon. Hinubad niya ang coat niya.
"Let's go. Iuuwi na kita."
Nilagay niya ang coat niya sa balikat ko (pangtakip sa likod ko kung sakaling may tagos).
Inalalayan niya ako tumayo. Hindi niya ininda na amoy steak ang kamay ko at mantika ang mukha ko.
Habang naglalakad kami palabas, nakaakbay siya sa akin para alalayan ako.
Pagdating sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Sorry," bulong ko. Ewan ko ba, bigla akong nakonsensya. Sinira ko na nga yung date, naging pabigat pa ako.
"Don't be," sabi niya bago isara ang pinto.
Sumakay siya sa driver's seat.
"You know, Alexandra," sabi niya habang pinaandar ang makina. "This was the worst date I've ever had."
"Sabi ko naman sa'yo eh."
Tumingin siya sa akin. And for the first time, nakita ko ang isang totoong ngiti. Hindi yung ngising mayabang.
"It was the worst. But somehow... it was the most real."
Hinawakan niya ang kamay ko (yung hindi mamantika).
"Next time, let's try burgers. Yung may unli-rice."
Napatulala ako sa kanya.
Next time?
May next time pa?!
At bakit... bakit parang excited ako?
NO.
ALEXANDER, WAKE UP!
HE IS THE ENEMY!
HE IS A MAN! YOU ARE A MAN!
THIS IS GAY!
Pero habang hawak niya ang kamay ko, at habang umaandar ang Ferrari sa ilalim ng city lights...
Hindi ko magawang bumitaw.