Habang nag-aangilan sina Norma at menandro ay nakasilip naman sa maliit na siwang ng kanilang bahay si Aurea,naguguluhan siya sa inakto ng kanyang Mama.
Bakit ganun nalang ang kagustuhan nitong makapasok agad siya sa loob ng bahay,habang ito ay kausap ang kakilalang lalaki.
Mabait naman ang tito Menandro niya,kilala kaya ito ni Mama?bakit hanggang ngayon ay magkausap parin sila?
Menandro,parang awa muna umalis kana rito!patahimikin muna kami ng anak ko please.?
Anak natin Norma,anak nating dalawa si Aurea kaya bumalik na kayo sa sitio mapayapa
at para masiguro kung makakabalik kayo doon ay pababantayan kita sa isa sa mga tapat kung alagad upang hindi muna ako mapagtataguan.
Doon kayo nababagay Norma dahil yun ang lugar kung saan magiging ganap na aswang na si Aurea.
Hindi! Hindi ako papayag sa gusto mo Menandro magiging normal na tao ang anak natin,gagawin ko ang lahat mawala lang sa katawan niya nag dugong na nanalaytay sa kanya ngayon.
Sa narinig ay biglang nag-iba ang mukha ni Menandro,naging aswang ito,mabuti nalang ay nakatalikod ito sa bahay kung saan andun si Aurea nakatingin sa kanila.
Gustong umatras ni Norma dahil sa takot,nakakatako ang hitsura ni Menandro,huwag mo akong galitin Norma!kahit na mahal kita hindi ko parin maipapangako na hindi kita masasaktan.
isa parin akong aswang,at hindi lang ordinaryong aswang kundi ako ang hari,an pinuno sa aking mga angkan.
Kumakain parin ako ng tao,umiinom ng dugo pag nauuhaw,kaya bago ko makalimutan na ikaw ang ina ng aking anak ay huwag mo ubusin ang aking pasensiya at huwag mong susubukin kung hanggang saan ang aking pasensiya dahil kampon parin ako ng kadiliman!
At manantili yun sa aking katawan ,tandaan mo yan Norma.
pagkatapos magsalita ni Menandro ay bumalik
na sa normal ang hitsura nito,sige alis na ako pero iiwan ko rito ang aking alagad upang maging kasama niyo sa paglalakbay pauwi sa ating lugar.
Naiwang napaupo sa semento si Norma,sapo ang mukha ng dalawang palad nito,ang akala niya ay magiging tahimik na ang buhay nila ng anak,pero hindi nagsisimula pa lamang pala ito.
Patawad anak ko, Aurea kung naging anak ka ng aswang,hindi ko sinasadya na mabuo ka sa panlilinlang sa akin ng iyong ama.
Ma,tawag ni aure sa kanyang ina,pinahid ni norma ang luha sa kanyang pisnge ayaw niyang makita ng anak na siya ay umiiyak.
Baka kung ano pa ang tatanungin nito sa kanya na hindi niya mabigyan ng kasagutan.
Bakit Aurea?
Bakit mo po kayo umiiyak?mama.
Ha?hindi ako umiiyak anak napuwing lang si Mama kaya sa pag-aakala mo ay umiyak ako.
ganun po ba?
Asan na po si tito Menandro?
Umalis na Aurea at huwag kanang magtanong tungkol sa kanya.
Bakit po?
Basta ,pagnakita mo siya pumasok ka agad sa loob ng bahay.
Tsaka aalis na pala tayo dito,uuwi tayo sa lugar kung saan ka ipinanganak.
Sige po Mama,pero sino naman yun?turo ni Aurea sa lalaking nakatayo di-kalayuan sa kanilang kinaroroonan.
Ito na siguro ang inutusan ni Menandro na bantayan sila.
hayaan muna anak baka,may hinahanap lang yung tao,halika na ng makaalis na tayo.
Tulad ng sinabi ni Menandro ay bumalik ng sitio mapayapa si norma at Aurea.
Nagdiwang ang lahi ng mga aswang sa pagbabalik ng kanilang prinsesa Aurea,malapit na itong magdalaga at magaganap na ang kanilang pinakahihintay ang pag-upo nito sa trono katabi ng amang si Menandro aswang.
kada-linggo ay hindi nakakalimutan ni Norma na dalihin ang anak sa simbahan,hindi pa ito aswang kaya malaya pang nakakapasok si Aurea sa tahanan ng diyos.
Lumipas ang mga buwan at taon ay dalaga na si Aurea,hinihintay na lamang ng kanyang ama ang pagsapit ng ika-labingwalong taon nitong kaarawan at kukunin na niya ang kanyang anak.
Samantala patuloy parin sa pag-aaral si Aurea sa isa sa sikat na unibersidad ng lugar nila.
Doon niya makikilala ang unang lalaking bibihag sa kanyang puso at sa kanyang pagdalaga ang matagal ng iniingatan ng kanyang ina,ang lihim ng pagiging anak niya sa aswang na si Menandro ay malapit na niyang malalaman.
e kahit na may nararamdaman ng kakaiba sa katawan si Aurea ay pilit niyang binalewala ito,dahil ang akala niya ay dala lamang ito ng pagdadalaga niya.
Hanggang sa may nakikita siyang mga pangitain tuwing oras ng kanyang pagtulog.