Chapter 15

626 Words
CHAPTER 15 "Mga pangitain na hindi niya mabigyan ng kasagutan,bakit sa kanyang panaginip palagi siyang dinadalaw ng isang nakakatakot na halimaw? !? Pero hindi naman siya sinasaktan nito,pilit na kinukuha ang kanyang kamay na agad naman niyang nilalayo dito. Sino kaya yun?ano ang kailangan niya sa akin?bakit di niya ako sinasaktan. Totoo kaya siya o isa lang nightmare. Malalim na ang gabi ng makarinig si Aurea ng tahol ng mga aso,nakakapanindig balahibo ang mga ungol nito,para bang may nakikitang hindi nakikita ng mga normal na tao. At dahil sa takot napa-sign cross si Aurea,pinalaki siya ng ina na may takot sa diyos kaya ganun nalamang ang kanyang pananampalataya. sa kabilang silid naman ay dinig rin ni Norma ang lakas ng ungol ng mga aso,alam niyang may ibang nilalang sa paligid kaya pinuntahan niya agad ang anak na si Aurea. Tama ang kanilang hinalang mag-ina nasa paligid lamang si Rufo,ang pinsan ni Menandro na matagal ng hindi nagpapakita sa kanila,simula noong masugatan ito ni Enandro.alam ni Rufo na dalaga na si Aurea kaya bumalik siya sa sitio mapayapa upang kunin si Aurea bago paman ito maging ganap na aswang. Mama,bungad ni aurea sa ina ng pumasok ito sa kanyang silid,natatakot ako!bakit ganyang kung makatahol ang mga aso nakakapanindig balahibo ma. Huwag kang mag-alala anak,kung may masama man na andito sa paligid natin tiyak hindi niya tayo magagalaw dahil alam ko na may magliligtas sa atin. gaya nga ng sinabi ni Norma ay dumating sina Menandro at mga alagad nito bago paman pasukin sila ni Rufo,nang makita nito sina Menandro ay agad itong umalis ng palihim upang hindi makita ng mga kauri. Pero malakas ang pang-amoy ni Menandro alam niyang mayroong hindi magandang mangyari sa kanyang mag-ina kaya agad siyang nagpunta sa bahay nina norma at Aurea. Nang masigurong wala namang kalaban ay bumalik na sa kaharian niya si Menandro pero iniwan niya ang isa sa kanyang mga alagad upang bantayan ang kanyang pamilya. Kinabukasan ay pumasok si aurea sa university kung saan,siya pinag-aral ng inang si Norma,ang akala ni Aurea ay marami lang napagkakitaan ang ina kaya napag-aral siya nito sa isa sa sikat na eskuwelahan sa kanilang lugar. Pero ang totoo nagbibigay ang ama nitong si Menandro. simula noong namatay si Leandro ay tinanggap na ni Norma ang tulong ng aswang na si Menandro,wala na siyang choice kundi ang tanggapin ang tulong nito,kaya habang tumatagal ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ni norma sa ama ni Aurea. Siya lamang ang nakakaalam sa tunay niyang damdamin para dito. habang nasa school ang dalaga ay abala ito sa kakatingin sa kanyang gamit sa loob ng bag na hawak niya,kaya hindi napansin ni Aurea ang binatang mababangga niya. Muntik ng tumilapon si Aurea sa lakas ng pagkabangga niya sa matipunong katawan ng lalaking estranghero sa kanyang paningin. Opps,sorry hinging paumanhin nig binata sa dalaga ma matang nakatitig sa kanya. Ok,lang ako sana ang hihingi ng paumanhin sayo,hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko. Kiming nagpaliwang siya sa gwapong binata,ngayon lang niya ito nakita. And wow, ang guwapo ng estrangherong lalaki na kaharap niya ngayon,nang naramdaman ni Aurea na titig na titig ito sa kanya ay agad na yumukod ito upang kunin ang mga gamit na nasa semento. Sa di sinasadya ay muling na kabangga ang dalawa hindi na katawan kundi ang kanilang mga ulo dahil yumukod rin si Tyrex sa kaya nagpang-abot ang kanilang mga kamay napailalim ang palad ni Aurea ta nasa babaw naman ng kanyang palad ang kamay ni Tyrex. Biglang nag-iba ang pakiramdam ni Aurea.para siyang napaso ng di niya alam. Kaya agad niyang binawi ito sa binata. by the way ,my name is Tyrex Solicar, how about you?tanong nito kay aurea ni Tyrex. "Aurea ang aking pangalan "wika nito sa kaharap na binatang si Tyrex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD