Ang ganda naman ng pangalan mo,kasing ganda ng may-ari nito,puri ni Tyrex kay Aurea na di maiwasan na magblush sa papuri nito sa kanya.
aminado si Aurea na totoo ang sinabi nito na maganda siya,matagal na niyang alam yun simula pa noong pagkabata ay ganun na ang kanyang kinamulatan.
Ang pinupuri ng mga taong nakakasalamuha niya,pero iba ang epekto nito sa kanya ng purihin siya ng kakilalang binata.
Ah,Tyrex,baka puwedeng bitiwan muna ang kamay ko?
Tila naman napahiya ang binata sa sinabi ni Aurea kaya agad niyang bintiwan ang kamay ng dalagang nagpabilis ng pintig ng kanyang puso.dito lang pala niya mahahanap ang matagal na niyang inaasam na totoong pag-ibig.
"dati hindi naniniwala si Tyrex sa salitang"Love at first Sight"pero ngayon siya na mismo ang nakakaramdam nito.lalo na ng tingnan niya sa mata si Aurea tila ba may kung anong damdamin ang napukaw sa loob nito.
Parehas sila ni Tyresng nararamdaman,ib ang epekto nito kay Aurea,tila ba ngayon lamang siya nagdadalaga ,smantalang ngayong taon ay malapit na niyang idaos ang kanyang ika 18th birthday.
Sobrang excited pa naman siya sa araw na yun! Dahil magiging ganap na siyang dalaga at puwede na siyang ligawan.
Ang hindi alam ni Aurea na ang kinasasabikan niyang araw ay kanyang hindi niya malalaman kung tatanggapin ba niya ang kanyang kapalaran bilang isang PRINSESA NG MGA ASWANG.
Iniiwas ni Aurea ang kanyang paningin kay Tyrex dahil kanina pa ito titig na titig sa kanya.
agad siyang tumayo pagkatapos maligpit ang gamit na nahulog kanina ng magkabanggaan sila ng binata,gusto niyang iwasan ito tulad ng sinabi ng kanyang mama Norma na kung puwede ay iwasan niyang makisalamuha aa mga tao,minsan nakapagtataka ang kinilos ng kanyang mama Norma.
Pero mabilis ang kamay ni Tyrex agad nitong hinawakan ang kaliwang kamay ni Aurea.
1 Bakit?nagtatakang -tanong ni Aurea kay Tyrex.
Ahm,puwede ba kitang maimbitahan na kumain sa canteen?tutal breaktime naman natin.bayad ko sa pagkakabangga sayo,treat kita.
Ah,eh,kasi Tyrex may gagawin pa ako,magre-research para mamaya sa exam namin.
kaya please bitiwan muna ang kamay ko,
sige bibtiwan kita pero promise mo sa akin ,sa susunod ay pagbibigyan mo ako?tsaka aurea need ko talaga magkaroon ng kaibigan dito sa school,bagong lipat lang kasi ako at siyempre bagong kapaligiran kaya gusto ko talaga may makikilalang bagong kaibigan.
ganun ba?sige Tyrex nextime sasamahan na kita tipid ang ngiting pagksabi ni Aurea kay Tyrex.
Hindi inaasahan ng dalaga ang gagawin ni Tyrex sa kanyang kamay ginagap ito at hinaplos ng marahan kaya agad siyang napapiksi ng maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito.
nang makalas ni Aurea ang kanyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak ng binatang taga-lungsod ay agad na itong umalis.
Masyadong nag-iba ang temperatura ng kanyang katawan kasabay pa nitong may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan.
Kahit na ganun ang nangyari ay kahit anong iwas ni aurea sa binatang taga-lungsod ay malugod parin itong sunod ng sunod sa kanya.
Kaya hindi na siya nakatiis ay pinagbigyan na ni Aurea ang kahilingan ni Tyrex na maging bagong kaibigan siya nito.
at sa paglalapit nilang dalawa ay natuklasan ni Aurea na mabait naman pala at maasikaso si Tyrex kaya hindi niya mapigilang mahulog ang loob niya dito.
Ang lahat ng nangyayari kay Aurea at lalo na sa pagkakaroon nito ng bagong kakilala ay hindi lingid sa ama nitong si Menandro.
May alagad itong laging nakabuntot sa anak nito.sinisigurong walang makagagalaw sa kanyang prinsesa,ilang buwan nalang at ito'y ganap ng aswang.
at hindi puwede itong magmahal dahil mapapawalang-bisa ang pagiging aswang nito kung makaramdam si Aurea ng tunay ng pagmamahal sa isang normal na tao.matagal rin nilang hinintay ang pagkakataong ito kaya hindi nila mapapayagan na mawalan lamang ng saysay ang kanilang paghihintay.
8 hours ago via mobile · Like
Gold Wayne galit na hinarap ni Menandro ang kanyang alagad,nanlilisik ang dalawang mata nito habang kausap ang inutusang aswang na bantayan ng mabuti ang anak,kailangan hindi makaramdam ng pagmamahal si Aurea mula sa mga binatang naghahangad na mahalin ito.
Kung patuloy parin sa paglapit ang lalaking yun?dalhin niyo siya rito,naintindihan niyo aking mga alagad?
Opo mahal na haring Menandro,
e habang galit na galit si Menandro ay kabaliktaran naman sa anak nitong si Aurea na kasama si Tyrex ng hapong iyon,masayang nag-uusap at nagbibiruan ang dalawa hanggang sa nagtapat ng pag-ibig si Tyrex sa dalagang kinahuhumalinga ,yun ay walang iba ang prinsesa ng mga aswang.