Chapter 17

730 Words
Gaya ng sinabi ni Menandro pinabantayan nito ang anak na si Aurea sa kanyang matapat na alagad,habang nasa eskwelahan ang dalaga ay nasa bahay naman nila si Menandro. Tanging si Norma lamang ang nandun,na kasalukuyang naglilinis ng kanilang bahay. Hindi na nagulat si Norma ng may yumakap sa kanyang likod alam niyang si menandro ang may gawa kaya pinabayaan na lamang niya ito.tutal nasanay na siya sa presensiya ng lalaki. Bakit ka nandito menandro?Ano na naman ang kailangan mo? Norma,norma hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa akin?malaki na ang anak natin tsaka nalalapit na ang ikalabing-walong taong kaarawan ni aurea. Pero nanatili ka paring maganda sa paningin ko,ano kaya kung magsama nalang tayo kasama ng ating anak,bubuoin natin ang ating pamilya. Ayoko! Menandro isa kang aswang! Ayokong mapangasawa ang tulad mo?mas mabuti pang tumanda ako na walang asawa kaysa makisama sa isang tulad mo. Kung alam ko lang na hindi ikaw si Leandro noong tayo ay magsiping hindi na sana mangyaring magbunga ang iyong panlilinlang sa akin menandro.! Hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa akin ha? Norma. Dimo ba talaga matanggap na minahal kita kaya ko ginawa ang bagay na yun,na hindi ko pinagsisihan dahil nagkaroon ito ng magandang bunga. at dahil may taglay na kapangyarihan si Menandro ay agad nitong nayakap ang ina ng kanyang anak,mahal na mahal kita norma. Walang oras na hindi kita naalala at ng ating anak,ano ba ang gagawin ko?upang matanggap mo ang isang tulad ko. Hindi naman siguro ako panget norma diba?tumingin sa mga mata ko?nakikita mo ba ang walang hangganang pag-ibig ko sayo? Ang totoo may pitak kana sa puso ko Menandro sa tinagal-tagal ng panahon na lagi kang nakabantay sa amin ng anak mo,hindi ko maiwasan na may mararamdaman akong pagmamahal sayo,pero ang hindi ko matanggap ay ang pagiging mamamatay-tao. Pumapatay ka ng tao para mabuhay! Tapos tatanungin mo ako kung bakit hindi kita matanggap.? Kung talagang mahal mo ako at ng ating anak,iwanan mo ang iyong pagka-aswang at magsasama tayong masaya mag-anak. Pero Norma,hindi maari! Ako ang hari ng mga aswang papaano ko tatalikuran ang aking angkan? ayokong mapahamak kayo ni Aurea,pag ginawa ko ang gusto mo at susundin ang pag-ibig ko ay mapapahamak lang kayo sa aking angkan. Hindi tayo magkauri Norma pero totoong minahal kita at ngayon na nalalapit na ang kaarawan ni aurea ay matutupad na ang na...Ang pagtanggap ng aming lahi sa kauna-unahang prinsesa ng mga aswang na aking anak. Bakit Menandro? Ano ang gagawin mo?at ng iyong angkan kay Aurea? Norma,tulad ng sinabi ko sayo noon magiging aswang rin si Aurea,at hindi lang basta ordinaryong aswang kundi isa siyang prinsesa na uupo sa kasama ko sa kanyang trono. At kami na ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng nilalang na nandito sa lupa,wika ni Menandro na sinabayan ng nakakatakot na halakhak. hindi ko mapapayagan Menandro na iparanas mo sa ating anak ang pagiging aswang mo!ayokong pumatay siya ng tao,parang awa muna Menandro huwag muna kaming pahirapan ng anak mo. Wala na akong magagawa norma nakatakda na ang lahat hinihintay nalang ang pagsapit ng kaarawan ni Aurea. Nanlulumong napaupo sa sahig si Norma,wala nabang pag-asang lumigaya ang kanyang anak?bakit naging anak pa ito ng aswang?! sa eskwelahan ay ganun parin ang gawain ng dalawa,alam ni aurea na mahal rin niya si Tyrex pero ang gusto niya ay sa mismong kaarawan niya sasagutin ang binata. So sorpresahin niya ang binata,guto ni Aurea na magiging memorable ang pagsagot niya rito dahil ito palang ang kauna-unahang lalaking paglalaanan niya ng kanyang puso at pagmamahal. masayang nagbibiruan sina Aurea at Tyrex hanggang sa kinuha nito ang palad ng dalaga.hinawaka ito ni Tyrex ng mahigpit na may kasamang pisil sa malambot na palad ni Aurea. Wala namang tutol ang dalaga bagkus ay pinabayaan niya ang binata sa gingawa nito habang ang kanilang mga mata ay nangungusap. Na hind naman nakaligtas sa paningin ng alagad ni Menandro. Nang makatiyempo ay sinundan nito si Tyrex papuntang C.R. Walang kamalay-malay ang binata na sinundan siya ng aswang hangggang sa men's room. Nang matapos magbawas ay lumabas na si Tyrex nang magulat nalang ito na may humawak sa kanyang balikat at sa kanyang pag -lingon ay isang nakakatakot na tanawin ang kanyang nakita na muntikan na siyan mahimatay ng makita ang nakakahindik na hitsura ng nilalang na nasa kanyang harapan ngayon labas ang dalawang matutulis na pangil nito sa magkabilaang gilid ng bibig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD