"Sino ka?nahintakutan na tanong ni Tyrex sa alagad na aswang ni Menandro.Ang sama ng mukha nito,ang hahaba at matulis ang ngipin nitong nakalabas sa bibig habang nakatitig sa kanya.
Hindi sinagot ng aswang si Tyrex bagkus ay hinawakan siya nito sa leeg at itinaas,walang magawa ang binata kundi pumukit at tanggapin ang kanyang kamatayan,ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Tyrex!?,biglang nabitiwan ng aswang ang binata pagkuway nagbalik sa dating anyo nito upang hindi matakot si Aurea sa kanya.
Ikaw! Sino ka?bakit mo sinakal si Tyrex?!
Dinuro ito ng dalaga,pero umiwas ang aswang at pagkatapos ay mabilis na nilisan ang kinaroroonan nina Tyrex at Aurea.
Salamat Aurea,
ha?para saan?
Sa pagdating mo,kung hindi ka dumating baka natigok na ako,at nasipsipang dugo ng aswang na yun.
Huh?!,aswang yun?di naman ah.
Hindi kasi di mo nakita noong nagpalit siya ng anyo,teka Aurea,bakit parang takot na takot sayo ang halimaw na yun?
Ha?sa akin ba't naman natakot?inosenteng tanong ni Aurea kay Tyrex.
Kani-kanina lang gustong-gusto niya akong patayin halos nga hindi na ako makahinga sa pagsakal niya sa akin,pero ng marinig niya ang boses mo habang tinatawag mo ang pangalan ko ay biglang bumalik sa dating hitsura niya ang lalaking yun!nakita mo diba?ang mukha niya.
Oo,pero tao naman yun,hindi aswang.
Yun nga nagpalit na siya ng anyo,nakikita mo ba siya sa dito sa lugar niyo?
Naku, Tyrex,i swear diko kilala yun,ngayon ko lang nakita ang lalaking yun.
Ang dami na talagang kababalaghan ang nangyayari dito sa lugar namin Tyrex kaya mag-ingat ka,hindi kapa naman taga dito sa lugar namin,balitang-balita talaga na pinamumugaran ng mga aswang itong lugar namin.
Pero nasanay na kami Tyrex,huwag lang magpagabi sa daan tiyak na may haharang sayo na alagad ng dilim.,ganun n
ba?hindi kaba natatakot aurea?
Takot din siyempre kaya nga lagi kami may inihandang asin o bawang pangontra sa mga aswang.
Saka pa napansin ng dalaga ang maliit na sugat sa leeg ni Tyrex,ewan ba niya?kung bakit parang may nag-udyok sa kanya na tingnan at lapitan ang binata.
May kung anong nadarama siyang di maipaliwanag,ah,siguro dahil may pagtingin rin ako kay Tyrex.
Pero ang totoo,minsan pang lumunok ng laway si Aurea na para bang nauuhaw ito.
Upang mawala ang nadaramang pagkauhaw ay niyaya ni Aurea si Tyrex na pumunta ng canteen,para makapagmerienda at para makainon ng palamig sa natutuyong lalamunan.
Samantala sa kaharian ng mga aswang nanggagalaiti sa galit si Menandro,nalaman kasi nitong pumalpak ang kanyang tauhan at ang masaklap muntik pang maabutan ng kanyang anak ang pagsakal ng kanyang tauhan kay Tyrex.
Ahhhh,wala kang silbi! Sa galit nito ay mabilis na nilapitan ni Menandro ang alagad nito kasabay ng pagsakal niya dito.
Nagmamakaawa naman ang aswang na huwag siyang patayin ng kanyang panginoon.
Sa susunod ayoko ng malaman na tatanga-tanga kapa sa pinapagawa ko kundi mauuna kang mamatay kaysa inutos ko sayo!maliwanag!?
Opo,panginoon Menandro,pagbibigay galang nito kay Menandro.
Habang magkaharap sina Aurea at Tyrex sa mesa ay hindi maiwasang tingnan muli ni Aurea ang leeg ng binata,bakit iba ang kanyang pakiramdam naninibago siya,malapit na nga pala ang kanyang kaarawan,at sa araw na yun ay sasagutin na niya ang binata.
Mahal niya ito,kaya sorpresa niya itong sasagutin,sa gabi ng kanyang ikalabing-walong taong gulang.