Chapter 11

989 Words
"Aurea,anak huwag kang makinig sa sinasabi ng iba ang mahalaga ay mahal ka namin ng papa mo,kita mo naman kung gaano ka alagaan ng iyong ama kaya wag kana malungkot ha, Aurea." "Gusto mo bang magtampo ang papa mo pagnalaman niyang pinagdududahan mo siya.?" ha?,anak? "Hindi po"sagot ng inosenteng bata na si Aurea. "mahal mo ba si papa Leandro anak? Tumango-tango si aurea bilang tugon sa tanong ng kanyang ina. "oh ,siya sige magbihis kana?para pagdating ng papa mo ay kakain na tayo sige po,tanging sagot ni Aurea kay norma. "Pagdating ni Leandro ay agad na sinabi ni norma sa asawa ang mga katanungan ni Aurea. "Leandro,dumating na ang kinatatakutan natin, Bakit norma?takang-tanong ni leandro sa kanyang esposa. "Tinatanong ni Aurea kung tayo nga ba daw ang tunay niyang mga magulang o kung ikaw ba ang kanyang tunay na ama. Ha?bakit Norma, bakit naitanong ni Aurea ang bagay na ya?masyado pa siyang bata para malaman ang katotohanan. Yun nga eh?alam mo naman na matalino ang anak natin,at alam mong hindi siya ordinaryong bata Leandro. Lumalaki na siya at nagiging kamukha na niya si Menandro,matapang ang dugo ng kanyang angkan kaya mahihirapan tayong ipaintindi sa kanya ang totoo. Tsaka kailangan na natin siyang ilipat sa ibang paaralan masyado na siyang naguguluhan sa kanyang pinapasukan ngayon dahil sa mga kaklase niya at mga yaya ng mga ito na laging tinatanung kung anak nga ba raw natin. Sige,norma sasusunod na pasukan sa ibang eskwelahan na natin siya i pa enroll. "Sige",pagpayag na sagot ni Norma sa asawa. gusto sana niyang ik'wento dito ang napanaginipan niya kagabi. Isang masamang panaginip,isang nakakatakot na pangitain. Na hindi niya alam kung makakayanan niya ang mawala si Leandro. "Ang pagpapakita ni Menandro sa kanyang panaginip,nangangahulugan naba ito na malapit ng kunin nito ang kanilang anak na si aurea. Hind, hindi ako papayag! hoy!norma ano ang nangyari sayo? Bakit ka nagsasalita mag-isa,nagtatakang -tanong ni Leandro sa kanyang asawa. Ah,eh! Wala mahal ko,may iniisip lang ako. Magbihis kana rin ng sabay-sabay na tayong kumain. Habang si Aurea ay nasa loob ng kanyang silid nagbibihis ito pagkatapos ay nanalamin,paran dalaga na ito kung umasta,pati pag-iisip ay matured na. Minsan pang tiningnan ni Aurea ang kanyang mukha sa salamin,ng may biglang sumingit na mukha katulad ng sa kanya. Gusto niyang sumigaw sa takot pero di siya makagalaw kaya ang ginawa niya ay ipinikit nito ang kanyang mata upang mapanatag ang sarili. At sa pagbukas muli nito ay wala na ang imahe na sumingit kanina. Ano kaya yun? Naguguluhan na tanong ni Aurea sa kanyang sarili. "pagkatapos ay lumabas na ito at nagtuloy-tuloy sa kusina. Nagmano sa ama pagkalapit niya rito. Ang bait talaga ng anak ko,manang-mana kay mama diba anak?kinarga ito ni Leandro na parang isang maliit na bata. "ganun siya kalambing kay aurea itinuring niya itong tunay na anak kahit na natatakot sila ni Norma na balang araw paglaki nito ay tutulad rin sa totoong ama na pumapatay upang mabuhay sa pamamagitang dugo at laman ng tao. "isang masayang hapunan ng pamamaaalam ni Leandro sa kanyang mag-ina hindi ito kakitaan ng problema o senyales na bukas na bukas ay iiwan na nito ang dalawang tao na mahalaga sa kanyang buhay. "naglalambing pa ito sa asawa at anak,nagtataka naman si Norma kung bakit sobrang napakaalaga at lambing ni Leandro ng gabing iyon. Kahit na si Leandro ay di niya alam kung bakit ganun na lamang ang kanyang pangungulila sa kanyang mag-ina para bang ito na ang huling makausap at mayakap sina Norma at aurea.Kinabukasan ay maagang gumising si Leandro magluluto siya para sa kanyang mag-ina bago papasok sa pinagtrabahuan ,bilang isang construction worker. "kasama siya na nagkakabit ng mga kuryente sa building na kanilang ginagawa? Tamang-tama gising na sina aurea at norma,natapos narin ni Leandro ang pagluluto ng kanilang agahan. ang aga mo yata mahal?tsaka wow,nakaligo kana ha? "Himala"? Dati ginigising pa kita pero ngayon ikaw pa ang nauna gumising sa amin ni Aurea. "Hayaan muna ako mahal,gusto ko lang kayo mapagsilbihan bago ako pumasok sa trabaho,siyempre mahal ko kayo ng anak natin kaya,huwag kanang magsalita diyan kumain na tayo. "nagtataka man si Norma sa inakto ng asawang si Leandro ay nagsa walang kibo nalang ito. habang sila ay kumakain nagsalita si Leandro, Norma alagaan mo ang anak natin ha? Huwag mo siyang ilalayo sayo kahit na ano ang mangyari. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Aurea. Oo,naman siyempre,sabay nating aalagaan ang anak natin tsaka alam mo Leandro bakit ganyan ka magsalita? Kagabi kapa,iba nag mga kinikilos mo. kaw naman norma,para yun lang nagtataka kana? Siyempre mahal ko kayo kaya ganito ako magpaalala. hindi nalang nagreklamo si Norma sa sinabi ni leandro, pagkatapos kumain ay handa ng papasok sa trabaho si Leandro pero bago yun ay hinalikan muna nito si aurea pagkatapos ang kanyang mahal na asawa. mahal na mahal kita Norma,ingatan niyo ang sarili niyong dalawa ng ni aurea. Paalam ni Leandro sa kanyang mag-ina. Nang makaalis na ang asawa ay inihatid rin ni norma si Aurea sa school na pinapasukan nito at pagkatapos ay umuwi na ng bahay upang makapaglinis? Sa trabaho naman ay di maiwasang malungkot ni Leandro,di siya mapakali sa kanyang kinatatayuan nasa kanyang mag-ina ang kanyang isip kaya di niya naramdaman mali ang pagkakalagay niya sa kuryenteng ikinabit kaya sumiklab ito kasabay ng pagkahulog ni Leandro sa mataas na building na kanyang pinagtatrabahuan. sunog ang katawan nito at nangisay nang lumapat ang likod nito sa baba. Dead on the spot si Leandro wala na itong buhay dulo't ng matinding pagkasunog nito sa kuryenteng hawak. habang si Norma ay labis na nangamba ng bigla nalang nahulog ang naka-frame na larawan nila ng asawa sa araw ng kanilang kasal. At nang pulutin niya ito ay sa mismong mukha ni Leandro nabasag ang salamin. Nanindig ang balahibo ni Norma sa kanyang naisip"Dios ko po ,huwag sanang may mangyaring masama sa asawa ko,hindi ko alam kung kakayanin ko ito.nagsimula ng pumatak ang luha ni Norma sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD