Chapter 12

646 Words
"Isang kagimbal-gimbal na balita ang ipinahatid kay norma,pinapunta agad siya sa ospital ng may-ari ng building na pinagtatrabahuan ng asawang si Leandro. Halos di niya maigalaw ang kanyang katawan,ang dalawang paa ay ayaw humakbang upang puntahan ang asawang wala ng buhay. Pinilit dugtungan ng mga doctor ang buhay ni Leandro pero wala na silang magagawa,isa na itong malamig na bangkay. Ang tanging ipinagtataka ng mga doctor ay ang nakita nilang butil ng luha sa mata ng taong namatay. Siguro hindi pa ito handang lisanin ang mundo o ayaw pa nitong iwan ang mag-ina nito,umiling-iling ang dalawang doctor na umasiste sa malamig na bangkay ni Leandro. Nasa morge na ito ng dumating si Norma kasama ang anak nitong si Aurea. Halos himatayin ito ng makita ang wala ng buhay na asawa. Leandro,gumising ka!yugyog ni Norma sa balikat ng asawa. Paano na kami ng anak mo?papaano kami mabubuhay, Leandro bakit mo kami iniwan. Ang daya mo,kaya pala ang lambing mo kagabi at alaga mo kami ni Aurea yun pala iiwan mo kami! Iyak ni norma habang yakap-yakap ang malamig na katawan ni asawa. Sana hindi ka nalang naglambing at nagsilbi sa amin ng anak natin kung iiwanan mo lang pala kami. Anak,tawag ni norma kay Aurea .habang ang bata ay hilam narin sa luha ay nagawa pa nitong tingnan ang ina. Bakit po Mama? Halika,tulungan mo akong gisingin si Papa ,baka kako makinig siya sa iyo. Sabay na niyakap ng mag-ina ang katawan ni Leandro,sobrang sakit ang kanilang nararamdaman sa mga oras na 'yun. Nang di tumigil si Norma sa kakayugyog sa bangkay ng asawa ay kinuha ito ng mga kasamahan ni Leandro pinaupo sa isang bakanteng upuan at pinakalma. Kahit sila na kasamahan lamang ni Leandro ay napaiyak narin mabait kasi ito sa kanila,sa pamilya pa kayang naiwan nito? Ang di nila alam,nakatingin sa kanila ang kaluluwa ni Leandro. Natutuwa ito na malaman na marami palang tao ang nagmamahal sa kanya,at malungkot dahil maiiwan na nito ang kanyang mag-ina. Gusto niyang yakapin sina Norma at aurea pero paano.?isa na lamang siyang kaluluwa na nagpatianod sa hangin. Sinagot ng may-ari ang lahat ng gastos sa ospital pati narin sa pagpapalibing nito sa bangkay ni Leandro. Pagkatapos maihatid sa huling hantungan si Leandro ay nagsiuwian na ang mga taong nakikisimpatiya sa mag-inang naiwan nito. Paano na tayo anak,wala na ang papa mo,kailangan nating kumilos upang mabuhay. Huwag kang mag-alala Aurea ,mag-aaral kapa rin kahit wala na ang iyong ama. Di man masyadong maintindihan ni Aurea ang sinasabi ng ina ay tumango na lamang ito at isinandig ang ulo sa balikat ni Norma Samantala sa kaharian ng mga aswang ay dumating ang inutusan ni Menandro ng magbantay sa anak nitong si Aurea. Di man niya nakakasama ang anak ay alam niya ang bawat ginagawa nito,dahil lumalaki na ito at malapit na ang takdang araw na ganap na itong prinsesa ng mga aswang. Nalaman niya rin na mas lalong naging kamukha niya at bata na ikinatuwa ng malaki ni Menandro. Oh, ernie bakit ka umuwi dito?ang balita sa anak ko?. Panginoon menandro,hindi ko alam kung malulungkot ka o matutuwa ka sa ibabalita ko.. Bakit ano bang balita na yan?curious na tanong ni menandro sa kanyang alagad. Panginoon,wala na ang iyong karibal. Ha?ano ang ibig mong sabihin Ernie? Patay na si Leandro,kahapun lang inihatid sa huli niyang hantungan,kailangan munang puntahan ang iyong mag-ina panginoon ko. Gustong tumawa si menandro sa wakas ay mapapasakanya na si Norma panahon na siguro ang naglalapit sa kanila,pero malungkot rin siya sa nangyari kay Leandro alam niyang naging mabuting asawa ito kay norma. Kaya alam niyang napakasakit sa babaing mahal niya ang pagkawala ni Leandro. Sige,ernie ngayon mismo pupuntahan ko sina norma at Aurea. Bahala na magalit siya sa akin ang mahalaga ay makasama ko sila ng anak namin,ito na ang tamang panahon upang ibalik ko sila dito sa lugar natin dahil ito ang mundo ni Aurea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD