"NINONG Lauren?" sambit ko.
"Celestine..." Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa akin. "Can you come with me?"
"Huh? Saan po?"
"Sa coffee shop lang. Mag uusap lang tayo," sagot nito na ikinagulat ko.
Mag-two months na rin na hindi kami nagkita. At ngayon andito siya sa harapan. Kinapa ko ang damdamin ko at tila wala na akong maramdaman para kay Ninong Lauren.
"Sige po. May kotse po akong dala."
"Balikan na lang natin dito. Sa kotse ko na ikaw sumakay." Kaagad niya akong hinawakan sa braso at hinila sa kung saan.
Pinagmamasdan ko lang si ninong na seryoso lang ang mukha na hila ako papalapit sa kotse niya. Nang nasa tapat kami ng kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka siya umikot papunta sa driver seat.
"M-Malayo po ba ang coffee shop?" tanong ko bigla na medyo nautal.
Napalingon ito sa akin. "May gagawin ka ba, Celestine? Nagmamadali ka ata."
"Hindi po. Mag-grocery po sana ako." Balak ko pa naman na ipagluto si Mauro ng masarap na hapunan.
"Sasamahan kita mamaya na mag-grocery pagkatapos nating mag usap."
Hindi ko na dinugtungan ng tanong ang sinabi ni Ninong Lauren. At hinayaan ko siyang magdrive.
Sampunng minuto ang lumipas ay inihinto nito ang kotse niya sa harap ng isang coffee shop. Nauna ito lumabas ng kotse saka umikot sa gawi ng pinto sa tabi ko. At pinagbuksan ako ng pinto.
Napasinghap ako nang pumulupot ang isang kamay niya sa beywang ko. Hindi ako nakagalaw sa gulat. Iginiya niya ako papasok sa loob ng coffee shop.
Ipinaghila niya ako ng upuan. Para kaming magkarelasyon kung titignan mo. 'Di ko alam kung bakit ito ginagawa ni Ninong Lauren.
"What do you want, Celestine? Orderin mo ang gusto mo. 'Wag kang mahiya," ang sabi nito nang lumapit ang waiter.
Tango na lang ang naging sagot ko sa kanya at tumingin sa menu.
Nang makaalis ang waiter ay parang nahiya ako sa titig ni ninong sa akin. Nangilabot ako sa klase ng tingin niya. Kung noon ay kinikilig ako kapag tinititigan niya. Ngayon, parang natatakot ako na baka may makakita sa akin na kakilala ni Mauro. Baka kung anong isipin pa at isumbong ako sa asawa ko.
"Kinakabahan ka, Celestine? May problema ba?"
"W-Wala po," sagot ko na umiwas ng tingin sa kanya.
'Two months pero pakiramdam ko parang may nagbago. Mayroon nga ba?"
"H-Ho? Ano pong sinasabi niyo, ninong?" maang maangan ko pero alam na alam ko ang tinutukoy nito.
"Ang sabi mo hihintayin mo ako. Nangako ka pa sa akin, Celestine. Pero, bakit parang 'di ka nakatiis?"
Napaamang ako. Sinabi ko na maghihintay ako sa pagbabalik niya. At andito na nga siya sa harapan ko. Nahihiya ako. Pero para saan ba ang paghihintay ko?
"I-I'm sorry po. Hindi sa 'di ako nakatiis. Pero alam niyo naman po na ninong ko kayo. Para saan po ba ang paghihintay ko aa inyo?"
"Celestine, umalis ako para sana timbangin ko ang sarili ko. Dalawang buwan lang akong nawala. Hindi naman kita tuluyan na iniwan."
'Di ko alam ang isasagot ko sa kanya. Wala ako halos masabi. Ibig sabihin ba niyon ay may gusto sa akin si Ninong Lauren?
"Ano pong ibig ninyong sabihin na timbangin?"
Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Matiim itong napatitig sa mga mata ko.
"I like you. Gusto kita higit pa sa pagiging ninong mo, Celestine. Siguro naman alam mo ang ibig kong sabihin."
Binawi ko ang aking kamay na hawak niya. "I-I'm sorry. Kasal na po ako. At mahal ko po ang asawa ko."
Ramdam ko ang biglang paglungkot ng mga mata nito. Huminga ito ng malalim.
"Akala ko hindi mo siya gusto. Galit ka sa kanya noon, di ba?" tanong ni ninong.
"Alam niyo po?"
Sunod sunod na tango ang sagot nito sa akin.
"Alam na alam ko ang mga nangyayari sayo. Ang hindi ko maintindihan. Bakit ka pumayag na magpakasal kay Mauro?"
"Paano niyo po nalaman?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi na inportante kung kanino ko nalalaman ang mga nangyayari sayo. Umalis ako para nalaman ko ang totoong nararamdaman ko para sayo. Kung inaanak lang ba o gusto na nga kita? And I want to prove myself to you. Mayaman ka, ayokong isipin ng iba na gusto kita dahil sa yaman na mayroon ka. Gusto kong magung karapat dapat para sayo, Celestine. Pero huli na ako."
"Patawarin niyo po ako. Mabilis ang nangyari sa amin ni Mauro. Alam ko naman na totoo ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Makakatagpo ka pa ng babaeng mamahalin mo. Ikaw pa kaya, Ninong Lauren," pilit kong pinapasigla ang tono ng boses ko. Kahit pano ay makagaan sa bigat na nararamdaman ni Ninong Lauren.
"Do you think it's easy? Iyong gigising ako isang umaga na hindi na kita mahal. Gan'on ba? Naisip mo bang hirap na hirap na ang damdamin ko ngayon. Ang akala ko kasi pareho tayo ng nararamdaman. Alam ko na matanda ako sayo. Pero hindi ko naman sinasadya na mahalin ka, Celestine."
'Di ko alam kung paano ko pa pagagaanin ang loob niya. Nasaktan ko na siya. Hindi ko rin ginusto na masaktan ko siya dahil isa siya sa naging parte ng buhay ko.
"Sana maintindihan mo na may mahal na po akong iba. 'Di ko na mababago na may asawa na po ako. May sinumpaan na kami sa harap ng Diyos at sa harap ng ibang tao. Hindi ko na puwedeng baliin ang batas," saad ko na pinipili pa rin si Mauro. Asawa na ako ni Mauro, kahit pa magalit si Ninong Lauren ay wala na siyang magagawa pa. May nagmamay ari na sa akin at ang asawa ko lang ang puwedeng mangling sa akin.
Kumuyom ang kanyang kamao. Sana hindi naging komplikado ang lahat sa aming tatlo. Natutunan ko ng mahalin si Mauro at si Ninong Lauren parte na lang siya ng nakaraan ko.
"Gusto kong intindihan ka, Celestine! Kung sana hinintay mo ako, sana ako ang kasama mo. Ako dapat ang nasa puwesto ni Mauro. Mahal din kita. Naghintay ako hanggang sa magdalaga ka. Pilit kong nilalabanan, pero ang hirap. Kasalanan na mahalin ka dahil inaanak kita. But I am taking my risks to love you more than myself," mariing sabi niya sa akin.
"Hindi na nga puwede. Aaminin ko po sa inyo, nagkagusto rin ako sa inyo. Iniwan niyo naman ako lung kailan hulog na hulog na ako sa inyo. Si Mauro, pinstunayan niya na totoo ang pagmamahal niya sa akin. Andiyan lamang siya sa tabi ko."