*** Tahimik kaming naglakad sa park, medyo makulimlim ang kalangitan. Inabot niya ang kamay kong pinagsiklop ng kaniya. "Nagugutom ka ba?" tanong niyang sulyap sa akin. Umiling ako, medyo maaga pa para sa pananghalian. Umupo kami sa isang bangko. Tahimik niya akong iginiya sa kanya habang nilalaro ang daliri ko sa kamay. Nanatili kaming tahimik na pinapanood ang mga ibang turista doon. Medyo malamig ang simoy ng hangin. Sumulyap siyang muli sa gawi kong itinaas ang hoodie ng sweater kong itinakip sa ulunan ko. "Mike!" saway ko. Napangiti siya, alam niyang naiinis ako sa gawa niyang iyon noon. Inalis ko ang hoodie na ibinalik niyang muli. "Mike stop it!" saway kong irap. "It's cold Marg, sisipunin ka" tawa niyang ibinalik iyon, itinali pa niya ang buhol sa bandang baba ko. Pagkata

