NAHINTO sina Wendy at Rigorr sa pagkukuwentuhan nang bumukas ang pinto at magkasunod na pumasok ang dalawang goons. “Kailangan mong lumipat ng room, prinsesang brat.” Sabi ng isa, lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. Ang isa naman ay kinuha ang mga tray na pinagkainan nila. Wala sa loob na kumapit siya kay Rigorr nang hilahin siya ng lalaki para ilabas. “I’m not going with you, jerk!” Hinigpitan niya ang kapit sa braso ni Rigorr. Lumingon ang lalaki at naningkit ang mga matang tanging nakikita niya sa mukha nito. “Duwag,” sabi niya at malakas na binawi ang kamay. Nagulat yata ito, nabitawan siya. Ginamit niya ang pagkakataon para hilahin ang itim na telang takip sa mukha nito. Nakanganga ito nang malantad ang buong mukha, halatang hindi inaasahan ang ginawa niya. Sa i

