C33 "I THINK I better get going now, Silvana. Sayang, sana ay nandito man lang ang anak ko para kahit hindi ako kilala ay nakita ko man lang sana," he said to her and glanced at his watch again. Pinagmukha niya ang kanyang sarili na kaawa-awa para mapeke niya ito muli at mapilitan na ilapit sa kanya si Delight sa mga susunod na araw. Patience is all that he needs. Gusto niya itong tabigin para umalis na sa pagkaka-lingkis sa kanya pero hindi niya magawa. Baka siya mabuko na nagpapanggap siya, masayang ang lahat ng naumpisahan niya. Bumitaw naman ito sa kanya dahil medyo humakbang na siya papalayo, nang hindi ipinahahalata na allergic siya sa rito. He doesn't want her to kiss him, damn it. Hindi niya paaabutin sa ganun ang sitwasyon ng pagkukunwari niya. Kung si Diana nga na minahal n

